Chapter 19

9.5K 278 17
                                    

(A/N: Happy 10k reads! Wow thank you sa pagbabasa ng story ko muah muah! Ayan medyo mahaba tong update na ito (para sakin) HAHAHA. Enjoy reading!


---MikiTheExplorer


~LIAN


7:45pm.


I WEAR this red strapless draped-bodice tulle cocktail dress, I also had my hair and make up done. May nag home service samin kani kanina lang, sayang nga lang at wala dito sila mama at papa para makita kami ni Honey. Speaking of Honey, nauna na sya, sinundo kasi sya ng friends nya kanina dito isinasama na nga nila ako pero I insisted, syempre nga diba susunduin daw ako ni Maygan, pero di ko nalang binanggit kay Honey kung sino susundo sakin malamang iniisip non si Third ang date ko for tonight.


Nagsusuot na ako ng high heels ko ng saktong may nagdoorbell. Dali dali ko itong sinuot at sumilip sa window ng kwarto ko at naaninag ko si Maygan na seksing sexy tignan na naka-lean sa kotse nya, kinuha ang shoulder bag ko sa ibabaw ng side drawer ko at bumababa na, nagtungo palabas papuntang gate. Feel ko sasabog ang puso ko sa sobrang kaba at excitement. Syempre first time kong maexperience ang ganitong feeling at sa isang babae pa.


"Hi.." nakangiting bati nya sakin ng mabuksan ko ang gate namin.


"H-hello.." di ko maiwasang mautal, pano ba naman parang dyosang bumaba sa lupa ang kaharap ko ngayon, ang ganda ganda nya sa suot nyang sexy black velvet mermaid long gown matching with her red na red na lipstick. Gosh. Sabihin nyo nga totoo bang lahat ng ito? And her sexy smile na nakakapanlambot ng mga tuhod ko.


"You're so gorgeous, you should be illegal.." she said and held my hand and kisses it.


"T-thank you.. Ikaw din.." ano daw? Di ko gets eh. Ngumiti nalang ako sa kanya, binuksan nya na ang pinto ng passenger seat at pinaupo nya ako, umikot sya at pumasok na din sa loob ng kotse nya. Pinaandar nya na ang kotse at nagtungo na sa university sa gaganapang venue ng festival dance. Buong byahe sa kanya lang ako nakatingin.. Ang ganda ganda nya talaga di nakakasawang titigan, para syang dyosa, ako angel lang. Charot.


"Wag mo masyadong titigan ako.. Baka sa ibang lugar tayong mapunta.." sabi nya at sumulyap sakin ng may pilyang ngiti. Asar na hinampas ko sya sa braso.


"Ang bastos mo! Mag drive ka lang dyan!" irap ko sa kanya at tumingin sa ibang direksyon. Pulang pula na ang mukha ko for sure, kainis ka talaga Maygan. Ikaw may kasalanan nito! Hmp.

------

Wala pang 30mins ay nakarating na kami sa loob ng campus. Madami na ding mga estudyanteng nasa loob ng event hall. Nagpark na sya sa parking lot at inalalayan nya ako sa paglabas sa kotse nya. Napaka gentlewomen talaga nya ngayon ha.


"Lets go." Aya nya sakin at hinawakan nya ang kamay ko at naglakad na. Ng malapit na kami sa hall ng festival dance ay biglang nagring ang phone nya, saglit nyang binitawan ang kamay ko at sinagot ang tawag.


"Hello. Yeah, andito nako.." sagot nya sa kausap nya sa phone pero sakin parin nakatingin.

Me vs. MayganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon