Chapter 3: Maygan

10.5K 248 32
                                    

~MAYGAN

"Maygan anak, handa na yung umagahan, hinihintay ka na ng kapatid mo sa baba" sabi ng kasambahay namin, anak tawag nya sakin kase buhat ng isinilang ako sya na ang yaya ko. Kakatapos ko lang maligo at nakabihis na ng uniform papasok sa school.

"Sige po 'nay Rosa baba na ko" sagot ko nalang. Nanay ang tawag ko sa kanya dahil parang pangalawang ina nadin ang turing ko sa kanya simula ng nawala si mommy noong 3 years old ako, namatay si mommy sa panganganak sa kapatid ko.

Di naman ako ganun kabastos gaya ng nasa iniisip nyo. Alam ko naman saan ilulugar ang sarili ko. Talagang mainitin lang ang ulo ko at minsan nasa topak ko lang magtaray etc.

"Good morning sis" bati agad sakin ni kapatid pagbaba ko.

"Morning Magan, si Daddy?" tanong ko at umupo na at kumuha ng makakain. Binigyan din ako ng kape ni Nanay Rosa. Nagpasalamat ako at ngiti ang ginanti nya.

"Nauna na, alam mo naman yun palaging busy nakalimutan na atang may mga anak sya" malungkot na tugon ni Magan.

"Hayaan mo na, bilisan mo ang pagkain at malelate ka na sa klase mo" simula kase ng mawala si mommy, naging ganyan na si daddy, nagpakalango na sa trabaho. Tss.

"Opo ate, nga pala pwede bang magsleep over dito si Shana?" sabi nya with sparkling eyes.

"Sure, wag ka lang mag ingay mamaya kundi sa labas kita papatulugin" biro ko sa kanya. Ayun ang loka nagpout pa.

"Grabe ka naman ate, parang sinabi mong ako lang ang mag iingay samin" sabi nya. Parang bata talaga sya mag isip pero dalagang dalaga na tignan.

Tinaasan ko nalang sya ng kilay. Totoo naman, si Shana yung bestfriend nya parang ako lang, parehas kami ng ugali, pinagkaiba lang namin is masyado syang tahimik.

"Sige ate mauna nako baka malate pako, at papainitin ko pa si Shana hihihi" gigil na tawa nya at humalik sa pisngi ko at umalis na. Napailing nalang ako, cold daw kase masyado si Shana kaya papainitin daw nya. What a term.

Tinapos ko na din ang pagkain ko at nagtoothbrush, pagkatapos nun ay lumabas nako at sumakay ng kotse ko. Pinaandar ko na ito at umalis na papuntang school.

So much for introduction, I'm Maygan Dako, anak ako ng isang famous businessman dito sa bansa na si Tama Dako. I'm 18 years old at malapit narin ako mag- 19. Ako ang overall student council president ng University namin, ang Carlos University. Kilala ako sa buong school bilang bitch, snob, bully at warfreak. Di naman ako naooffend dahil sa umpisa palang wala akong pake kung ano tingin nila sakin. I'm just playing cool. Then, dalawa lang kami magkapatid, si Magan Dako. 16 years old naman sya at kasalukuyang 4th year high school student sa Carlos University, high school branch. And yung bestfriend nya ang SC president dun. Saanda Dako name ni mommy at kay daddy naman ay Tama Dako, pero sinasabi ko sa inyo masipag si daddy. Madaming nagsasabing weird daw name naming pamilya pero at the same time, unique. Lalo na sa aming magkapatid, maganda daw. Well literally.

Pagkapark ko ng sasakyan, tumingin muna ako sa salamin at nagretouch, nagsuot din ako ng sunglasses saka bumaba na, habang naglalakad, nakita ko na halos lahat ng madaanan ko ay nakatingin bakas ang paghanga, well di ko sila masisi, pinanganak akong maganda. At yung iba naman ay ilag, takot silang lahat sakin.

"Wow, ang ganda talaga ni Maygan nuh" rinig kong bulungan ng mapadaan ako sa isang grupo ng mga estudyante

"Maganda nga, pangit naman ng ugali" di nakalagpas sa pandinig ko ang sabi ng isang babae. Napatigil ako at humarap sa kanya. Bigla naman silang natigilan at parang nanlalamig ang mga itsura. Wala naman akong paki kung ano mga sinasabi nila, wala lang feel ko lang magtaray.

Me vs. MayganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon