Chapter 23

7.2K 219 25
                                    


~LIAN


I was left dumbfounded. Di ko alam kung ano gagawin ko.


"Okay ka lang Baby?" pang aalo sakin ni Three. Napatingin ako sa kanya.


"Oo, dun ka na sa sala, mag aayos lang ako.." tanging sagot ko.


"Osige.." tumango nalang sya at umalis na sa kwarto ko.


Napaupo nalang ako sa gilid ng kama ko, sapo ang ulo ko, di ako mapakali sa nangyari kanina. Alam kong nasaktan ko si Maygan kanina sa nakita nya.


'Tumulo pa nga ang luha nya for pete's sake!' Sigaw ng konsensya ko.


Tumayo na ako at nag ayos. Magpapaliwanag ako sa kanya mamaya kahit pa magmakaawa ako gagawin ko.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagbaba ko sa sala nakita ko silang nagkukulitan, unang hinanap ng mata ko si Maygan at nakita ko syang seryosong hawak lang ang phone nya, nakanuot pa ang noo nya. Hay ang ganda parin nya kahit nakasambakol ang mukha nya.. Yung totoo? Pinagpala o pinagpala sya?


"Oh ayan na pala ang mahal na prinsesa oh. Tantantanan tantantanan...!" sabi ni Axle with matching saboy pa ng confetti.


Lokang yun saan naman nya nakuha yung pinangsasaboy nya?!


Agad kong sinulyapan si Maygan at nakatingin din pala sya sakin. Oh my goodness. Kung nakakabuntis lang ang tingin kanina pa 9 months ang tyan ko. Shemay lang kasi ang sexy at hot ang way ng tingin nya sakin pero nag iwas agad sya ng tingin. Nalungkot naman ako dahil dun, ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Axle na patuloy paring nagsasabog ng kalat.


"Hoy bakla tigilan mo yan at linisin mo yang kinalat mo walangya ka!" asik ko sa kanya.


"Kfine sis" at umirap pa ang loka.


Umupo ako sa pagitan nina Glaiza at Axle at biglang bumulong si Glaiza sa tenga ko.


"Wow, that was so hot kanina, omg eyesex.."


Nanlaki ang mata ko sa binulong nya. Anong pinagsasabi nito? Napatingin ako sa kanya at nakangisi lang sya na may ibig syang ipahatid. Don't tell me...?


Sinulyapan ko si Maygan at ansama lang ng tingin nya sakin.. or lets us say samin ni Glaiza, pero nag iwas lang sya ng tingin ulit.


Pagkatapos linisin ni Axle ang kinalat nya, sinabi na nila ang pakay nila kung bakit sila andito. Yung usapan naming lakad nung sa cafeteria dati yung mag kktv bar kaming magbabarkada.


"Bakit nga pala wala pa si Rhian?" tanong ko sa kanila, napansin ko kasing wala sya dito.

Me vs. MayganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon