Childhood Friend

15 1 0
                                    

"Kumusta ang klase mo sa kanila"
Reica na halatang nangaasar.

"So far,so good. Muntik lang kagatin ang anak mong si Yiina dahil sa naamoy ang dugo nito"
Paliwanag ko sa kanya.
Agad namang napalitan ang emosyon niya sa kanyang mukha.

"Huwag mong hayaan.."

"Oo na,pero si You,mukhang nagkaroon siya ng interes kay Yiina..yun ang hindi ko kontrolado"
Lalo namang sumeryoso ang mukha niya.

"Delikado si Yiina sa mga bampira alam naman nating--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla ulit siyang nagsalita.

"Alam ko,dapat mas higpitan natin ang seguridad nila sa paglapit lapit sa mga normal na tao"
Tumango naman ako ng biglang bumukas ang pintuan.

"Ikaw na ba yan Aejie???"
Reica .
Tininggnan kong mabuti yung tinawag na Aejie.

"Naku,ang gwapo mo na..panigurado magugustuhan mo si Yiina,kamusta
ang mama--"

"Patay na sila. Nagkaroon ng plane crash nang sinubukan nilang pumunta dito."
Yung Aeji.
Hindi maipagkakailang mahitsura nga ang batang ito.
Sinindihan ko naman ang sigarilyo ko.

"Ah..ganun ba,oh siya..dumito ka na muna, siya si Michael Aroso,isang guro dito sa schoo-.Hoy Aroso wag ka dito manigarilyo!!"
Tsk.

"Oo na"
Hindi ko alam kung paano naging principal etong babaeng ito,samantalang mas matured pa ako kung tutuusin.
Pinatay ko ulit yung sigarilyo ko. Sayang.

"Reica,aalis na muna ako..titinggnan ko kung anong ginagawa nung mga bampira"
At tuluyan na akong umalis.
Pero bago yun may napansin ako dun sa Aeji.

"Kinagat ka na ba?"
Tanong ko. Agad naman siyang umiwas ng tingin.

Kumpirmado.

"Reica,sapalagay ko dapat i enroll mo siya sa panggabing klase para--"

"Ayoko silang makasama"
Aejie.

Haay ang tigas nang ulo niya. Mukhang hindi kami magkakasundo.

"Ako na bahala sa kanya"
Reica.

Okay.
Grabe sariwa pa ang dugo mula sa leeg niya.
Tsk..
Dapat tinatakpan yun eh.

Reica's Pov

"Pakiusap po,huwag niyo akong isama sa kanila"
Aejie.
Ang anak ng aking matalik na kaibigan.

"Aejie dapat alalahanin mong isa ka nang bampira"
Paliwanag ko sa kanya.

"Alam ko po iyon,pero hindi pa ako lubos na nagbabago"
Siya.

"Sige ganito na lang,i eenroll kita sa pang umagang klase at papabantayan kita kay Yiina ..para masiguro na hindi ka pa tuluyan nagiging..."

"Bampira"
Siya na ang tumuloy sa susunod kong sasabihin.

"Pero ang kapalit,Kailangan bantayan mo rin siya sa mga bampirang umaaligid at magtatangka sa kanya maliwanag??"

"Opo"
Mabait na bata naman si Aeji. Nakakalungkot lang na ulila na kaagad siya sa ganyan kabatang edad.

"Tanggapin mo ito"
Inilahad ko ang isang pakete ng tabletas na may artipisyal na lasa ng dugo ng tao.

"Inumin mo kung nauuhaw ka"

Agad naman siyang tumango at tinanggap iyon.

Yiina's Pov

Bampira at halimaw iisa lang sila. Mga nagbabalatkayo at pumapatay para sa sariling kagustuhan. Para mas mabuhay ng matagal,para sa kapangyarihan,at sariling tawag ng laman.

The Innocent VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon