***
"Totoo kaya ang mga vampires!"
Lane"Like duh?..ano ka 8 yrs old,magising ka nga sa katotohanan Lane! Katotohanang di sila nag-eexist"
Daniela"Hindi kaya! Sabi nung lola ko totoo raw sila! "
Lane."Well,sabi nung aso ko hindi!di ba Yiina?"
Ibinaba ko naman ang librong binabasa ko,at hinarap yung dalawa.
"Lane,Daniela,alam niyo naman na wala akong matandaan kahit ano,kaya wag niyo na akong tanungin"
Nagsitanguhan naman sila.
Vampires, Totoo nga ba sila?
O mga kathang isip lang?"Hayaan mo na,puyat lang sa pag-guguard sa buong school kagabi"
Daniela.
Hindi biro ang maging guardian,at panatilihing palaging nakalock ang bawat gate nang school."Mabuti pa bumalik na tayo sa klase kung ayaw niyong magkaroon kayo ng remedial class"
Ako."Ahh! basta totoo sila"
Lane."Yiina,pinatatawag ka raw sa principal office"
Kaklase ko ata?"Una na kayo sa classroom may iuutos pa ata ang principal sa akin"
Umuna na sila,nagsimula na rin akong humakbang patungo sa opisina ng principal.
Ano nanaman kaya ang iuutos niya?"Bakit po?"
Nadatnan ko naman siya na inaalis ang mga butones ng kanyang blusa.Babae,naman ako kaya okay lang. Ang wirdo talaga niya.
"Ahh..grabe ang init nang panahon!"
Siya. Halos kita na ang kulay asul niyang panloob.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit pag ako ang kaharap niya,parang hindi siya principal."Naka-aircon naman po dito,kaya hindi ganun kainit.."
Ako."Nandito ka na pala! Kamusta ang paborito kong guardian ng school??"
Sabi niya at tuluyan ng inalis ang blusa.
=_____=Grabe magswiswimming ata to eh.
"Ok lang po,nung isang araw may magnanakaw na pumasok pero napigilan ko naman agad"
..."Ang galing galing talaga ni Yiina!!,ohh by the way magabsent ka na muna mamayang gabi..at ibigay mo itong mga forms ng bagong student kay
Sir Aroso"
Kung hindi lang siya ang dahilan kung bakit libre akong nakakapag-aral sa school na to eh hindi ko susundin ang gusto niya.Agad ko namang kinuha yun. Bagong student?
"Kalagitnaan po ng school year may bagong estudiyante?"
Ako. Nakakapagtaka naman yun."Alam mo kasi,may mga mayayamang student na nagbayad ng malaking halaga sa school natin para makapag-aral sa gabi,ayaw nilang makihalubilo sa mga normal na estudiyante kasi..secret lang natin to ha?.."
Tumango naman ako."Kasi mga gwapo sila"
.
.
.
.=_____=
Anong konek?
"Hahaha..totoo yun!10pm ang klase nila kay Sir Aroso"
10pm? Kay Sir Aroso?
"Ibig sabihin,10pm ko pa maibibigay ang mga ito?!"
Ang tinutukoy ko ay ang mga student form na nasa kamay ko.
"Yep! Kaya matulog ka na muna sa dorm niyo haha"
Baliw na principal.=___=
Aalis na sana ako pero nagsalita siya.