**
Sa pagbalot ng dilim sa kalangitan,kasabay ang malakas na pagkabog sa dibdib ko.Halos mag iika-9 na nang gabi at kailangan ko pang siguruhing nakasara at ligtas ang bawat block.
"Sinong nandiyan??!"
Ako. Sabay hugot nang katana sa aking likod.
Ang katanang ito ang natatanging bagay na iniingat ingatan ko. Ito ang binigay sa akin ng principal upang may panlaban ako sa masasama at mababangis na hayop. Pero ngayon,pwede na rin sa bampira."Ibaba mo nga yan"
Yung boses na yun."Aejie??Anong ginagawa mo dito?"
Sabi ko at ibinaba ko na nang tuluyan ang katana."Nagpapahangin"
Kailangan na niyang umalis dito bago pa siya may makita."....umalis ka na"
Ako,pero sa halip na lumakad siya palayo tinitigan niya lang ako."Aeji..."
Napahakbang ako sa likod dahil sa ginawa niyang pagtitig. Ibang iba na siya kumpara sa dati."Hindi ka ba natatakot?"
Siya.
Anong ibig niyang sabihin?"Sanay na ako--"
.
.
."Sa mga bampira"
Dugtong niya."Paano mo nalaman iyon?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko at nagsimula nang humakbang palayo.Hindi ko na kinaya at tumakbo ako patungo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
.
.
Matagal ko nang gustong gawin ito."Huwag mo akong iwan.."
Saka tumulo ang unang luha ko. Kahit kailan hindi ko natutunan umiyak. Simula ng mawalan ako ng alaala...simula ng magalit ako sa mga bampira sa walang dahilan..simula ng nagkaroon ako ng mga taong matatawag mong pamilya."Huwag ka nang umiyak, hindi na ako aalis.."
Ramdam ko ang dahan dahan niyang pagkalas sa mga kamay ko,at paghakbang palayo sa akin..Hindi na siya ang dating Aeji...
Pero ngayon ..mas kampante na ako na hindi na ulit siya aalis..Nagsimula na akong maglakad sa block 2.
Mukhang wala namang problema dito.Sa block 3 naman makikita ang dorm ng mga panggabing estudiyante.
Mga bampira.At huling block na ichecheck ko..
"Ineng nauuhaw ako.."
Sabi nung matanda.Uhh...
Bakit may matanda sa school?"Eto po"
Inabot ko sa kanya ang tubig na laging kong dala saan man pumunta.Tinitigan niya lang ang bote..
Nagsisimula na akong kabahan sa kinikilos ng matandang ito."Ang bango,bango mo naman"
"Bitawan mo ako!!"
T..teka bakit ang lakas lakas pa rin niya?!
Sinubukan kong hilahin ang braso ko sa pagkakapit niya pero..doble ang lakas niya kumpara sa akin.Napatigil ako sa aking nakita.....
..Pangil..
..
.Dahan dahan na lumalabas ang kanyang mga pangil..
Sa sobrang takot ay tuluyan na akong napapikit nang madiin..
.
.
..
?"Iwasan mong lumapit sa mga di mo kilala"
Agad na napamulat ako sa nagsalita.
"Aejie"
..bumalik siya.."Sa susunod iwasan mong lumapit sa mga ta--bampirang di mo kilala"
Siya habang hinuhugot ang kutsilyong nakabaon sa ulo ng matanda."At sa susunod wag mong iiwan kung saan ang katana mo"
Nahulog ko pala ito kanina.
"Sala--"
Umalis na nanaman si Aejie.Ibinalik ko ang tingin sa matanda kanina ngunit abo na lang ang nakita ko.
T-totoo bang bampira ang nakita ko?
Napahawak agad ako sa aking braso.Muntik na nanaman.
Kailangan sanayin ko na ang sarili ko laban sa mga halimaw.**
Kinabukasan."Class may bago kayong kaklase,pumasok ka na iho"
Sir Acapel.Nacurious naman ang ilan sa amin. Parami ng parami ang nagtratransfer sa school ahh.
"Ako si Aeji Whale,ikinagagalak ko kayong makilala"
Pft.
Parang hindi siya nagagalak."Di ba siya yung kababata mo Yii?"
Daniela.Agad naman akong tumango.
"Grabe,mas naging wafuu na siya,kung dati mukha siyang totoy ngayon naman parang diyos uh Yiina??......"
Lane."Hmm??"
Ako."May GF na ba yan???"
Lane."Siya na lang tanungin m-"
Ako.
.
.
.
.
"Wala pa,at wala akong balak"
Mula sa likod ay may nagsalita. Tininggnan namin kung sino yun at di ako nagkamali.Aeji.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan ang naging pag-uusap namin kagabi.