04: Tutor

24 0 0
                                    

At dahil di ako makatulog ngayon sa ospital, update update din. Get well soon lolo.

.....

Abby.

1 month na din simula ng mapasok ako dito sa FMH, at mas nakikilala ko sila keith, jack at kev. Wag na kayo magtaka kung di kasama si aden, kasi hanggang ngayon di pa din kami close. Dahil nadin dun sa nangyaring sagutan namin nung nakaraan. Mas lalo silang naging makulit, masaya ako at naging totoo silang lahat sa akin.

Tumambay muna ako dito sa library, kasi tahimik dito pag labas mo kasi maririnig mo lang dun yung mga tilian ng mga babaeng nagkakagusto sa C4R.

Habang nagbabasa ako ng libro may lumapit sa aking babae. Studyante din dito. Haha malamang sa alaman.

"Uh, abby. Pinapatawag ka sa office ni ma'am santos." Si ma'am santos yung teacher na ewan ko ba, bipolar kasi. Haha. Isa sa mga magaling na guro sa mga major subject.

Pagtapat ko sa labas ng pinto nya medyo kinabahan ako, kasi baka pagalitan nya ko. May nagawa ba ko? Parang wala naman e. Bahala na nga si batman. Kumatok ako sa pimto, at narinig ko na pinapapasok nya ako.

"Goodmorning ma'am santos" panimula ko,

"Goodmorning ms mendoza, umupo ka" woooo, kinakabahan ako.

Umupo naman ako pagkasabi nya.

"Didiretsuhin ko na ms mendoza, isa ka sa mga scholar dito sa school na ito, at nakita ko din sa loob ng isag buwan ang galig mo pagdating sa lahat ng major subjects mo at pati na din sa subject ko, at matataas ang grades mo. Kaya naman, humihingi ako ng favor sayo. At kung tatanggapin mo ito, magkakaroon ka ng dagdag grades sa major subjects mo." Paliwanag nya. Aysos akala ko naman kung ano.

"Ano po ba yon ma'am?" Sana madali lang.

"Kukunin sana namin ikaw na tutor, dahil sa husay mo at tyaga. Kung okay lang naman iyon sa iyo." Ah, hmm sa palagay ko di na masama yun. Pwede nadin raket yun haha. Dagdag sa allowance. Hehe

"Okay lang naman po ma'am. Sino po ba yung tuturuan ko. Bata po ba?" Tanong ko. Sana bata. Baka bata, eh high school at college lang ito, pero malay naman natin kung high school hahaha.

"Ayun na nga e ms mendoza, isa pa din ito. Kasi yung tuturuan mo ay isa sa anak ng may-ari ng school na ito, at ayaw nya na teacher ang magtuturo sa kanya. Wala kaming choice kaya ikaw ang napili namin." Teka anak ng may-ari ng school na ito. Paulit ulit na ipinapasok ko sa utak ko kung sino yun, oh my.

"Si thomas aden fuentabella, yung tuturuan mo" literal akong napanganga sa nalaman ko. Si yabang. Aish. Sayang din pero ano ba. Naiinis pa din ako sa kanila, ayoko namang ma dismaya tong si ma'am santos. Tss.

"Ah, s-sige po ma'am. Kailan po ba kami mag s-start?" Tanong ko.

"Tomorrow after ng class nyo. Doon ka sa bahay nila dahil hindi sya makakapag concentrate dito dahil sa mga girls." Sabagay, para di na din ako pag initan.

"Eh ma'am di ko po alam yung bahay nila e." Oo nga, tama naman.

"Susunduin ka ng driver nila dito. So don't worry." Ngumiti sa akin at nag aalangan akong ngumiti pabalik.

Lumabas na ako sa office nya, kinakabahan ako sa bukas paglabas ko sa kanila buhay pa ako. Kaso sa totoo lang nakakatakot yun magalit lalo na nung nag away kami. Para bang literal na bumubuga ng apoy e. Hahahahaha.

Bahala na talaga batman.

Itutuloooooooy.

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon