09: She's Back.

32 0 0
                                    

Abby.

Nasa gate pa lamang ako ng school nakita ko na may pinagkakaguluhan sa school, sino sya? Lumapit ako pero di ko makita kasi naman siksikan.

Gusto ko sana sya makita, pero pagtingin ko sa orasan ko 5 minutes nalang pala bago mag start yung klase ko. Ay yung cappuccino ni yabang pano ko iaabot ma l-late na ko sa klase ko. Bahala na nga.

Pumunta muna ako sa rooftop at pagdating ko doon. Wala sya. Hays. Kumuha ako ng sticky notes sa bag ko at simulat ako.

["Yah, ito na yung hot cappucino mo. Smile :) -Abby"]

At saka umalis para pumunta sa first subject ko

Habang naglalakad biglang may sumabay sa akin.

"Ay jusko po" napasigaw ako sa gulat ko. Bwsit tong jack na to.

"Hahaha. Goodmorning Ms Mendoza" bati nya sakin, ngiting aso ah.

"Haha, bwisit ka nang gugulat ka. Goodmorning Mr Valiente, anong merom at ngiting aso ka dyan" biglang lumukot yung mukha nya. Hahaha bakit?

"Ano ba naman to, sa lahat naman ng magiging kamukha ng ngiti ko sa aso pa" ay pabebe.

"Oh, sorry na po. Ngiting pogi nalang" aba ngiti naman ang loko.

"Haha. Yan, tara hatid na kita sa classroom nyo" habang naglalakad pinag titiginan kami ng mga babae. Nagsalita sya, mahina pero sapat na iyon para marinig ko.

"Wag mo silang pansinin." Tama si jack. Di ko na sia dapat pang pansinin.

Na c-curious ako kung anong meron at bakit nagkaka gulo yung mga tao dun kanina.
Hindi ko namalayan na lumagpas na pala ako ng classroom namin dahil sa pagkakalutang ng isip ko.

"Okay ka lang ba abby?" Nag aalalang tanong ni jack.

"Ah haha eh oo, may iniisip lang, sige pasok na ko. Maya nalang bye." At ngumiti ako sa kanya.

"Abby!" Tawag sa akin ni danica at leila.

"Oh bakit anong meron?" Takang tanong ko.

"Kasi si tiffany. Bumalik na sya dito e. Kaya nga yung mga tao kanina nagkukumpulan" paliwanag ni leila. Tama nga sila claire, nandito na nga si tiffany. Paano na si aden? Ay nako ewan bahala sya bat ko ba sya pinoproblema.

"At alam mo ba mas lalo syang gumanda, sikat na kasi syang model. Grabe talaga. Anlayo ng narating nya" hangang hanga itong si danica. Tss mas pinili nya yan kesa kay aden. Mas gusto nya yung kasikatan kesa sa mahal nya. Tss.

"Ah, oo nga haha. Hindi ko pa sya nakikita e." Mas mabuti nang magsabi ng totoo no.

"Ay, makikita mo na sya, classmate natin sya e. Maganda sya kaya lang yung ugali lang pumalya" biro ni leslie.

Nagtawanan naman kaming tatlo.

Patuloy parin kami sa kwentuhan ng biglang dumating yung isang magandang babae at lahat ng nadaanan nya sumusunod yungg ulo kung san sya pupunta. Oo nga maganda nga talaga sya.

Kamukha nya si jiyeon ng t-ara.

Bakit sya bumalik dito? Babalikan nya kaya si yabang? Aish, bat ko ba yun naiisip. Psh.

"Kain tayo mamaya sa ice cream parlor dyan sa may park." Aya ko sa kanila. Ito yung hilig namin ang kumain, at minsan sinasama ko si julia kapag free time nya, kaya nakilala na rin nila si juls.

"Hmmm, sige gusto ko yan" pagsang ayon ni danica.

"Bigla na tuloy akong nag crave haha" sagot naman ni leslie.

Buti nalang at may kaibigan akong tulad nila.

Natapos ang first subject na yung mga estudyante nakatingin kay tiffany. Sya na sikat.

Wala kong prof sa next class ko kaya kumain na kami agad tatlo sa ice cream parlor, sarap talagang kumain.

Tinignan ko yung phone ko, pero walang message na mula sa kanya ang lumilitaw, ewan parang bigla kong nalumo. Ay ay ay, bwisit erase erase, okay nang di nya itext atlis walang taga utos.

Pagkapasok na min sa loob, bumili na kami agad ng ice cream.

"Uhm, cookies and cream tas mango tas strawberry po yung sa akin" sabi ko sa taga scoop ng ice cream.

"3 scoop po ng chocolate sakin" sabi ni danica.

"Sakin po yung double dutch, cookies and cream and chocolate" mahilig din pala si leslie sa chocolates.

Kinain namin habang naglalakad kasi kung mag s-stay kami don nako for sure ma l-late kami sa next class namin.

Hindi ko namalayan na habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si tiffany at sa sobrang lakas ng pagkabangga ko sa kanya, natapon ko yung kinakain ko sa uniform nya.

Oh My Gulay.

"Nako nako sorry, di ko sinasadya" kinuha ko yung panyo ko tas pinunasan yung part na natapunan ng ice cream.

"Ya get off me you b*tch" itunulak nya ako kaya napahiga ako. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.

"Ang tanga mo naman, walang kwenta yang mga mata mo kung di mo gagamitin ng maayos. Sige nga sabihin mo ano gagawin mo dito sa uniform kong nadumihan mo. PABO!" pagdiin nito [Pabo = Idiot] at hinigit nya yung mga braso ko ng sobrang higpit.

"Hindi ko naman sinasadya e, kaya nga humihingi ng sorry e." She immediately slap my face. Sobrang sakit ang lakas ng pagkakasampal nya. Pulang pula yung kaliwang pisngi ko sa sobrang lakas at halatang nagulat yung mga tao sa ginawa nya.

"TIFFANY!" teka, kilala ko yung boses na yun, dragon nanaman ba sya. Lumapit sya sa amin kasama yung tatlo, tumabi sya sa akin habang yung tatlo ay nasa likod. Ito namang si tiffany nagig anghel sa harapan ni aden.

"Oh, hi babe. I missed you so much" akmang hahalikan ni tiffany si aden pero tinulak lang nya ito kaya napaatras sya. Tinignan ni tiffany si aden ng masama.

"Don't you dare touch my girl" nanlaki yung mata ni tiffany sa narinig at lalo naman ako.

"Anong pinag sasasabi mo?" Tanong ko.

"Oh really? 'Your girl?' Hindi ko alam na bumaba na pala yung standard mo sa pagpili ng babae. Nagbago na yata taste mo aden" pagmamaldita nito.

"You don't care about it anymore" bigla nya nalang akong inakbayan at umalis kami sa madaming tao.

Di ko man nakikita si tiffany alam kong umuusok na yung tenga at ilong nya sa sobrang inis.

She's back in aden's life.

Nang nakalayo na kami tinanggal ko yung braso nya sa balikat ko at hinarap sya.

"Hoy, anong pumasok sa utak mo at ginawa mo yun?" Ngumisi lang sya. Tss.

"Tinulungan na nga kita, di ba pwedeng thankyou na lang tss" oo nga naman.

"Salamat, pero di mo pa din dapat ginawa yun, lalo lang nila ako pag iinitan." Paliwanag ko pa.

"Don't worry abby nandito lang naman kaming band's mate mo para tulungan ka e" dagdag ni jack.

"Yep, kaya wag kang matakot" sagot din ni kevin.

"Oo nga noona abby, isa pa mas bagay pala kayo ni hyung aden" dagdag ni keith.

"KEITH" sabay sabay naming tawag kay keith. At nagtawanan hahaha.

"Pero salamat ah, salamat sa tulong nyo." Pasalamat ko sa kanilang apat. Kung wala sila nako baka duguan na ako dun.

"Welcome" sagot ni jack

At sabay sabay kaming pumunta sa C4R Band Room

Itutulooooy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon