08: About the past.

14 0 0
                                    

Aden

Umaga palang tinext ko na sya para pabilhin ng hot cappuccino at ngayon ang tagal nyang dumating kanina pa ako nag hihintay dito sa may rooftop ng school namin.

Argh, i hate this, ayoko ng pinag iintay ako ng matagal.

Habang nakatayo sa may balcony ay natanaw ko syang naglalakad at may hawak na cup ng cappuccino.

Abby

Calling.....
Pogi kong boss <3

["Hey, tagal mo"] bungad nya sa kabilang linya.

["Ito na nga e, antayin mo ko dyan. Tch. Bayaran mo agad to!"] nabawasan yung pera ko dahil sa pagbili ng cappuccino na to. Amp.

End call...

Dinalian ko ang maglakad papunta sa rooftop, ang taas ng mga building dito sa school na to di man lang nagpalagay ng elevator. Hays.

Bago pa ko makaapak sa last step ng hagdan papunta rooftop hingal na hingal na ako. Kulang nalang lumawit yung dila ko sa sobrang hingal ko.

Nakita ko syang nakatalikod at tumatanaw sa mga naglalakad na estudyante sa baba. Ang ganda pala ng view dito bat di ko alam to.

"Oh ito na yung pinabili mo. 150" nilahad ko agad yung kamay ko hahaha, mahirap na.

"Oh, keep the change" binigyan nya ako ng 200. Haha.

"Salamat. Haha, o una na ko may klase pa ko." Paalam ko sa kanya.

"May practice para dun sa Battle Of The Bands" habol nito.

"Oo alam ko." At tumalikod na ko para makapunta sa next class ko.

Hanggang ngayon iniisip ko kung paano ko makakahanap ng trabaho nito. Hays. Kailangan ko ng pera para sa bayarin sa ospital.

Lutang yung isip ko ngayong araw, at ang bilis ng takbo ng oras, hindi ko nga namalayan na tapos na pala yung klase ko. Dahil sa irregular student, kailangan ko pang pumunta sa ibang room dahil sa next class ko.

Pagkadating ko kaagad akong umupo sa likuran, at narinig ko yung chikahan nung mga kaklase kong maldita.

"Oy, narinig nyo na ba? Bumalik na daw dito sa pilipinas si tiffany. At lalo pa daw syang gumanda. Babalik na din kaya syang vocalist sa C4R? Grabe, di parin kasi ako makapaniwala na bumaba na standards at taste nila pagdating sa paghahanap ng vocalist." Parinig ni hana.

"Ay true, walang wala sya kumpara kay tiffany, at isa pa nakakapanghinayang nga e, kasi nag hiwalay sila ni aden, sobrang bagay na bagay kaya sila." Sagot naman ni kyla.

"Grabe talaga, siguro dinaan nalang nya lahat sa landi. Alam mo na, mabibilis kumilos ang mga desperada sa panahon ngayon. Iba na talaga pag BIT*CH, Social Climber, Slut and Whore. Haha" dagdag pa ni claire.

Sabay sabay silang nagtawanan.

Hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan, di ko namalayan na unti unti na palang tumutulo yung luha ko kasi nasasaktan ako. Nagulat na lamang ako ng nakaramdam ako ng may nagtakip sa dalawang tenga ko. Tumingala ako at nakita ko si jack.

Patuloy padin tumutulo ang mga luha mula sa aking mata, nasasaktan kasi ako e. Ngumiti sya sa akin na nagsasabing, 'wag mo silang pakinggan'

Hinila nya yung kamay ko at lumabas kami sa classroom, nagpahila na lamang ako dahil gusto ko din makaalis sa lugar na yon. Bakit ba ganun nalang yung tingin nila sa akin ano bang nagawa kong mali?

Dinala nya ako sa tuktok ng building. Ang tahimik dito, walang mga estudyante at walang maingay.

"Jack" patuloy pa din ako sa pag iyak. Pakiramdam ko lahat ng bigat na nararamdaman ko lumalabas.

"Sssh, tahan na abby. Papanget ka nyan." Niyakap nya ako habang ako patuloy padin sa pag iyak.

"Ano bang ginawa kong mali? Malandi ba talaga ako? Social climber" ang bigat na talaga nya. Para bang konti nalang sasabog na ako.

"Wag kang maniwala sa mga sinasabi nila okay. Alam mo insecure lang yun. Mga walang magawa, alam namin na hindi ka ganun. Iba ka sa ibang  mga babae na nakilala namin okay. So please stop crying, ayoko na nakikita kang umiiyak. Tss. Ako bahala sa kanila" iniharap nya yung mukha ko sa kanya at pinahit yung mga luha ko.

"Jack salamat, kasi nandyan ka para i-comfort ako, sa totoo lang di ko alam gagawin ko kung wala ka, kung wala kayo para tulungan ako. Salamat ng marami. At pasensya na din, nadumihan ko pa yata yung uniform mo kakaiyak ko" nagpapasalamat ako kasi ang bait ni jack sakin.

"Sus wala yun. Just smile okay. Hayaan mo sila, wag mo sila pakinggan" ay may gusto nga pala akong itanong.

"Uhm jack pwede ba akong magtanong. Kung okay lang naman" gusto ko malaman yung tungkol kay tiffany.

"Ano ba yon?" Tanong nya sa akin.

"Kasi uhm a-ano, pwede ko b-bang malaman y-yung t-tungkol kay t-tiffany. Kasi a-ano pinag uusapan s-sya kanina eh. Kung okay lang naman" halatang nagulat sya sa sinabi ko.

"Kung okay lang naman" dagdag ko.

"Okay, tutal tayo lang namang dalawa nandito, sana di na ito lalabas ha. Iniiwasan na din kasi namin yun pag usapan kapag nandyan si aden" ano ba png nangyaro kaya sa kanila, at bakit labis nalang pag iwas nila.

"Promise" tugon ko.

"Nung 4th year highschool pa kami nun kilala nanamin si tiffany, si tiffany anak sya ng bestfriend ng daddy ni aden, bata palang sila close na close na sila. Si aden may gusto sya kay tiffany and tiffany likes him too."

Habang nag k-kwento sya tumatango lang ako.

"Si aden at tiffany, di mo yan mapag hihiwalay, palaging magkasama, mahilig din sya sa music katulad namin. Kaya nung nabuo ang C4R sya yung naging vocalist namin, magaling syang kumanta at habang nagtatagal mas lalong minamahal ni aden si tiffany. The feeling is mutual ika nga. So ayun, nung 1st year college kami nagtapat si aden ng nararamdaman nya, at niligawan nya si tiffany. Super sweet nila halos kay tiffany na umikot yung mundo nya. Palagi silang magkasama. Parang perfect couple na nga sila. Ang ganda kasi ni tiffany. Hindi na tumingin sa ibang babae si aden dahil sa pagmamahal nya ng sobra sobra kay tiffany. Halos magkasama na nilang binubuo yung pangarap nila para sa future. Pero isang araw bigla nalang yun naglaho. Mas pinili kasi ni tiffany na pumuntang Canada, para dun mag-aral. Pinapili sya non ni aden kung ang canada o sya pero pinili ni tiffany yung canada. Sobrang nasaktan sya sa desisyon ni tiffany"

"Ay lover boy pala itong si sungit, o tapos?"

"1 week di pumasok si aden, di umuwi ng bahay at palagi nalang umiinom. Iyak ng iyak kasi sobrang nasaktan. Mas pinili kasi ni tiffany yung carreer nya kesa kay aden. Tas biglang nabalita na may boyfriend na si tiffany. Lalong dumoble sakit. Kaya simula non lagi nalang syang masungit, parang galit sa mundo. Sinasaktan nya yung mga babae emosyonal. Bumalik sya sa dating sya. Hindi na sya ngumingiti. Parang wala nang kulay yung buhay nya. Kaya hanggang ngayon ayaw na nyang marinig ang pangalang tiffany dahil alam kong nasasaktan padin sya kahit isang taon na ang lumipas. At alam ko na mahal pa din nya si tiffany hanggang ngayon. At nalaman ko na babalik na sya dito kaya ewan di ko alam." Grabe naman yung nangyari kay aden.

Speaking of.

Calling.....
Pogi kong boss <3

"Ehem, may heart pa. Siguro crush mo si aden." Pang aasar sakin ni jack.

"Tungaw, sya naglagay nyan. Hindi ko pa napapalitan. Teka lang ah sagutin ko lang" tumango lang sya at sinagot yung tawag nya.

"WHERE THE HELL ARE YOU. I'VE BEEN LOOKING FOR YOU. NASAN KA BA HA" hindi naka loud speaker pero pati si jack narinig. Natawa na lamang sya.

"Easy lang. Ano ba kailangan mo ha?" Sagot ko.

"Pumunta ka na sa band room, mag p-practice na!" Kahit kailan talaga napaka bossy ng yabang na to.

"Oo ito na." At ibinaba ko na agad yung telepono.

"Tara na nga jack. Nagiging dragon nanaman sya e. Baka pag lalong nainis bugahan na ako ng apoy. Haha" at sabay kaming bumaba ng rooftop.

Gumaan na yung pakiramdam ko, thanks to jack.

Itutuloooooy.

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon