"Jack?" Shit! Hindi ko agad sya nakilala dahil sa laki ng pinagbago nya. Ma's lalo syang tumangkad, medyo magulo ang buhok nya at naka-aviator pa.
"Wow, you still remember me. That's nice." Nakangisi nyang turan. He still holding my elbow at nang mapagtanto ko na nagmamadali nga pala ako ay agad kong hinawi ang kamay nya.
"Nagmamadali kasi ako at ayaw kong makipagkwentuhan sayo. Kaya ba-boosh" hindi ko na sya pinagsalita pa, dali-dali akong tumakbo paalis. Shit naman! Harang-harang pa sa daan. Baka hindi ko na maabutan si Christoff nito. Huhu
Natatanaw ko na si kuya Kai pero mag-isa na lang sya. No! Sabi ko huwag nyang paalisin si Christoff hanggat hindi pa ko nakakarating.! "Kuya.." Humihingal akong lumapit sa kanya. "Si Christoff?"
"I'm sorry Zai, muntik ka na sanang makaabot, kakaalis lang nya."
Napaupo ako sa sahig. "Nakakainis naman kayo e.." Tinakpan ko ang mukha ko, patuloy na umaagos ang luha ko.
Niyakap ako ni kuya. "Shh don't worry sis, babalik naman sya sa birthday mo, tahan na oh"
"Hindi man lang sya nagpaalam sa akin! Galit na ko sa kanya!" Parang bata kong turan. Natatawa si kuya sa inaasal ko. Ginulo nya ang gulo ko nang buhok. "Tayo na dyan batang iyakin, babalik pa naman ang prinsipe mo. Tara ililibre kita ng lunch, saan mo ba gusto?"
Tumayo na ko at nagpahid ng luha. Kumapit pa ko sa braso nya. "Sa Jollibee na lang, nagwala kasi ko kanina sa Mcdo e"
"Aysus, para talagang bata pagkain lang ang katapat para sumaya ulit." tumatawa nyang saad. Nag-pout naman ako para ipakita sa kanyang naaasar ako. Pero kahit alaskador si kuya Kai para sa akin sya parin ang the best kuya in the whole universe.
****
Time ng psychology, may nagrereport sa unahan about 'maturation' pero halos lahat ng kaklase ko tulog, pati si Ma'am Caringal nakahalumbaba akala mo nakikinig pero wag ka tulog din po sya .
Gusto ko na mag-lunch, at thirty minutes pa bago matapos ang klase. *ting* light bulb. Pumilas ako ng isang papel saka binilot na parang bola, since nasa likod ako hindi ako mapapansin ni ma'am. Nasa bandang unahan ko si Cath, nakakatawa pa sya dahil parang sya lang ang interesado sa discussion ng reporter. Manghang-mangha sya at tumatango-tango pa. Binato ko sya ng papel na binilot ko, sapul sya sa ulo! Pero waepek, manhid ang babaita! Argh! Gumawa ulit ako ng isa pa at binato ulit sa kanya. This time lumingon na sya at tiningnan ako ng masama. "Ano na namang problema mo?"
Tinuro ko ang tummy ko at nag-pout pa sa kanya. "Natatae ka? Tumae ka, iniistorbo mo ko" humarap ulit sya sa unahan. Napasabunot naman ako sa buhok ko. Bakit ko ba sya naging best friend? She's so slow.!
Pumilas ulit ako ng papel saka sinulatan ito binato ko ulit sa kanya, ma's malakas na, kaso mukhang naramdaman nya kaya yumuko sya. Ang masaklap sa noo ni Ma'am tumama yung papel. Busted!
"Sinong bumato nito!?" Para syang dragon na may lumalabas na usok sa ilong. Tumingin sila lahat sa akin.
"Ano? Bakit kayo nakatingin sa akin? Wala kayong proof. Makabintang kayo.hmp" inirapan ko sila pati si ma'am.
"Ms.Ricaforte please report to the guidance now!"
"Hala?! Hindi po ako ang bumato--"
Binuklat nya ang papel at pinakita ang nakasulat. "Fuck you best friend, why so slow? Gutom na ko hindi natatae.! Your pretty bff Zai.<3 <3
Tinaasan nya ko ng kilay. Huhu, hello guidance ako nito.
Pumasok ako sa loob ng guidance office, dahan-dahang lumapit sa table ng guidance counselor. " Hi Mommy!" High-pitch kong sigaw. Saka humalik sa pisngi ni mommy. Hindi na sya nagulat sa biglaan kong pagdalaw.
"Zairene Erin , I told you to be good. Bakit mo daw binato ng papel si ma'am Caringal?"
"Mommy naman, I'm good kaya.. Hindi ko naman sinasadya na matamaan sya ng papel na dapat para kay Cath." Nagpacute pa ko at paawa effect. I know my mom can't resist my charm.
"Kahit na! This time hindi ko palalampasin tong ginawa mo" she's just doing her job. Im sure makakarating din kay daddy ang ginawa ko kaya sa halip na si daddy pa ang magbibigay ng parusa ko, si mommy na lang.
"Oh sige mommy ano bang magiging parusa ko?"
For sure naman hindi ako pahihirapan ng sarili kong ina.
"May mga new transferee tayo ngayon at since mga bago lang sila hindi pa nila kabisado ang pasikot-sikot dito, pati na ang mga policy ng school, I want you to became their tour guide for today but don't worry dalawa lang naman sila"
"Yan lang pala. Yakang-yaka ko yan mommy."
So easy. Parusa ba tawag dito? Blessing pa ito para sakin kasi may excuse ako sa mga subject ko for today. Mwahaha---
Sumilip sa pinto ang secretary ni mommy."Excuse me madame, andito na po yung dalawang transferee"
"Oh andyan na pala sila. Sige papasukin mo na lang sila dito Martha"
Busy ako sa pagbubuklat ng mga libro sa may shelf, puro encyclopedia, dictionary , at book of wisdom. Wala man lamang bang PHR or wattpad books dito?
"Zai halika dito" tawag sakin ni mommy. Nakangiti pa kong lumapit sa kanila. Dalawa pala silang lalaking ito-tour ko. Akala ko pa naman babae, kakaibiganin ko pa sana.
"Zai this is Marcus" pakilala ni mommy sa lalaking nakanerd glass at brace, typical genius look. "hi!" He said. Nginitian ko sya. Yung isa pang lalaki nakatalikod sa akin. Naka-black leather jacket ito. Seriously? Ang init-init sa Pilipinas ano sya movie star? I laughed at my mind.
"And that one is..... Jack" humarap na sya sa amin.
Huminto ang pag-ikot ng mundo ko, No!! Shit! What is he doing here?!
"I'm sure you still remember him, his your Ninang Miranda's son" ofcourse I remember him mom. But how I wish na sana hindi ko na talaga sya nakilala pa. And look he's smiling, yung pang-asar na mga ngiting yan. Tang-ina! He's back. Jackass Jack is really back. Tang-ina talaga!
BINABASA MO ANG
Beastfriend In Bed
Ficción GeneralHe is the kind of friend, that is hard to resist, hard to forget, hard to trust, hard to love. This story is work of fiction!!! Spread love.. not legs. <3 <3 <3 Date Started- 01/02/16