Chapter 3 - His Girlfriend

4.9K 70 1
                                    

"So this is the HRM building..." kanina ko pa sila nililibot pero mukhang si Marcus lang ang nakikinig, he's taking down notes pa nga. Pero yung isa walang ginawa kundi kumaway at magpacute sa mga girl students na makasalubong.

"Ang hot naman nya.."
"Ngayon ko lang sya nakita dito, shit ang gwapo.."
"May bago na kong crush.. Ano kayang pangalan nya?.."
"Bakit kasama nya si Zairene?"
"Baka boyfriend nya.."

Pinandilatan ko ng mata ang kumpol ng mahaharot na babaeng tsismosa. Nagsialisan naman sila agad. Seryoso sila? Gwapo at hot ang jack na yan? Jusko pakamatay muna ako bago ko maniwala!

"Woah your scary.." sabi nito. "Lalo na siguro kapag nagseselos ka noh.?" Nakasuot ang dalawa nitong kamay sa bulsa at nakangisi na naman sa akin.

"Pwede ba wag ka na lang umimik? Naglilikha ka ng air pollution alam mo ba yon?" Naiirita kong saad.

"Oh really?" Nagulat ako ng bigla itong naglakad palapit sa akin. As in super lapit. Dahil mas matangkad sya at hamak na 5'4 lang ako mas nagmukha lalo akong maliit ngayon. "Amuyin mo nga kung mabaho." nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko, saka sya umihip. Hindi agad ako nakagalaw sa ginawa nya. He smell so good, amoy mint. Wait... What did I say?!

Tinulak ko sya ng malakas saka tinakpan ang ilong ko. Kunware nandidiri ako. "Yuck! Amoy imburnal na hindi nalilinis. Nagtoothbrush ka ba kanina? Yuck ha"

He frowned. Huh! Asar talo sya.

"Halikan kita dyan e" seryoso nyang saad.

Naumid ang dila ko. Asshole!

"Subukan mo lang!" Iniaro ko sa kanya ang kamao ko.

"Aysus, hinahamon mo ko para subukan ko... Gusto mo lang mahalikan" tumawa ito na parang nang aasar.

"Ang kapal ng mukha mo! Never akong magpapahalik sayo noh!"

"Oh talaga? Baka pag natikman mo ang mga labi ko hahanap-hanapin mo" nakataas kilay na saad nya.

Ang kapal ng fez!

"Hah! Siraulo lang ang papatol sayo! At hindi pa ako nasisiraan ng ulo!"

Literal na nagsisigawan na kaming dalawa. Marami na ring tsismosa at tsismoso ang nakapaligid samin. Pero wala akong pakialam.

"Ah guys?.." Sabat ni Marcus.

"What?!" Chorus naming sagot. Takot na napaatras si Marcus.

"Bakit mo ko sinasabayan? Wala ka talagang originality!"

"Lol. Ang kagwapuhan ko ay original, maraming naghahabol sakin noh!"

Beastfriend In BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon