Panimula (SOON)

610 65 159
                                    

This story is all works of kashungaan. If you don't want to be mabwisit better exit na.

~~~

Kasalukuyan akong naglalakad sa isang madilim na iskinita galing sa restaurant na pinagtratrabahuan ko. Estudyante sa umaga Waitress sa gabi.

Nakatunghay sa akin ang maliwanag na ilaw ng bilog na buwan. Masarap sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hangin. Konti na lang pakiramdam ko nasa MTV na ako. Kinuha ko ang I-phone ko este My Phone pala at nagpatugtog ng dessert. Maganda na sana ang drama ng paglalakad ko kaso hindi nakikisama ang iskinitang ito. Ang baho kasi putek! May mga basurang nasa gilid. Poorest of the poor ang peg ko kasi ngayon kaya wala akong pang-tricycle.

Ang tahimik ng paligid. Bigla akong nakaramdam ng takot dahil baka may mga lasinggero na pagtripan ako at umuwi akong-oh no wag naman sana! Habang naglalakad ako naisip ko gumapang na lang kaya ako at mag "meow meow" para iwas sa mga gagong lasinggero,sobrang high pa naman sila kaya baka mapaniwala ko sila na pusa ako (maganda at sexy na pusa) kaso nga lang tinatamad ako kaya push ko na lang itong tanim bala walk ko.

Feel na feel ko ang pangungulangot ko sa ilong, ayan na makukuha ko na ang beans nang biglang humangin nang malakas. Syet ano iyon? Kinilabutan ang mga balahibo ko, feeling ko pati kilay at eyelashes ko naki-goosebumps.

Tumingin ako sa likuran ko,sa kanan at kaliwa pero wala akong nakita. Kung hindi lasinggero ang magpapakita eh multo naman? Hindi na ako magtataka kung may lion o tiger na susulpot dito sa iskinitang ito.

Itinuloy ko na lang ang pangungulangot dahil nabitin ako. Ipupunas ko na sana sa pader 'yong kulangot kaso humangin ulit kaya napapikit ako at pagdilat ko wala na ang kulangot sa daliri ko.

Nakatayo lamang ako dito na may sobrang pagtataka dahil bakit humahangin ng ganoon? May nakita akong pusang naglalakad sa harapan ko, ang landi ng pusa ito kung maglakad. Napatingin siya sa akin at inirapan ako. Pinatay ko ang tugtog na Dessert by Dawin at sinigawan ko ang pusa.

"Hoy pusang pinsan ni Hello Kitty sa kalandian, akala mo kung sino kang animal ka!? Kung makatingin akala mo naman-"napahinto ako sa speech ko dahil biglang umungol ang pusa. Teka umuungol ang pusa? Alam niyo 'yong 'nyarer nyarer' ganyan ang tunog niya.

"Malantod ka talaga, sasagot ka pa!"pahayag ko sa animal na ito ngunit nakakapagtaka dahil tila may tinitingnan siya sa may likuran ko nagproduce ulit siya ng sound (taray ah produce talaga) tapos tinalikuran ako at nagsimula ulit maglakad sa malanding paraan. Tatawagin ko pa siya sana ulit kaso nahulog siya sa kanal. Lumingon siya sa akin at humihingi ng tulong.

"Huwag kasi malanjutay!"sigaw ko sakanya at bigla na namang humangin ng malakas at bigla ring hihina.

May bagyo ba ngayon? Napatingin ako sa night sky at marami namang bituin. Sabi dati ni Inay pag maraming bituin malabong umulan.

Nagtaka naman ako kung ano ang tinitingnan ng malanding pinsan ni hello kitty na parang laspag na animal sa likuran ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ng kuto ko este ng puso ko baka kung sino ang nasa likuran ko. Napako lang ako sa kinatatayuan ko at nag-dadalawang isip kung lilingunin ko ba.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita sa likuran ko at agad naman akong lumingon.

"Anak ng P-Noy, nangalay na aketch ditey sa back ng backbone mo. So slow 'te? Matik na 'yon na lilingon ka sa akin. Hay #bobita!"hindi ako nakasagot kasi kasi-nakita ko 'yong kulangot ko na nasa pisngi ng baklang pulang pula ang labi at mukhang anemic sa kaputihan na ito.

"Ahy walang dialog? Enebe! Magsalita ka before kitang i-kill"pahayag niya ulit. Napalunok ako sa sinabi niya. Be-before akong i-kill?

"Bakla sorry  dapat ba eentrada na ako ulit?"tanong ko sa mukhang anemic na bading na ito.

"Oo girl! So slow! Ayan tingnan mo sa script"sabi niya at may inabot na papel. Tiningnan ko ito ngunit blangko naman.

"'Te wala namang nakasulat"sagot ko kay anemic na bading.

"Ay wala ba? Pinag-singahan ko pala yan kanina, akina ulit"sagot niya at biglang hinablot ang papel. Nandiri ako at agad na kinuha ang alcohol sa bag. Yucks. #dirty

"Ay ang arte! Kakainin din kita kaya ka wag kang feeler"sabi niya tapos biglang ngumanganga at parang pinapakita ang ngipin ngunit bigla siyang nabahing at kinuha ang papel at suminga doon.

'Yong totoo sana lasing na pala ang nakasalubong ko imbes na baklitang mukhang anemic na hanep sa pula ang labi na may sipon.

Nandiri ako sakanya. Matapos niyang suminga ngumanga siya ulit at biglang humaba ang-ang-ang- pangil? Teka pangil? As in Fang? Parang Vampire? Lumaki ang aking eyeballs na sa sobrong paglaki nito pwede ng gamitin ni Miley Cyrus pang-Wrecking ball. Teka, biglang nagred ang mata niya.

Baka naman akala niya Halloween na ngayon kaya ganyan ang costume niya.

"Bakla Mayo pa lang ngayon matagal pa ang November ano trip mo te?tanong ko sakanya pero finlip lang niya ang kilay niya na feeling niya mahaba ang hair nito.

"#bobita talaga"tanging sambit niya matapos akong irapan at sobrang bilis nang ikinilos niya at hawak na ng isang kamay niya ang leeg ko at itinataas ako. Aray putek! Sinasakal niya ako.

"Eeeek ek herks"nahihirapan na sabi ko sa 'it hurts'

Tumawa siya nang malakas at king ina ang baho ng hininga niya. Nahihirapan akong nilingon ang malanding pusa na pinsan ni hello kitty na hanggang ngayon ay hindi makaalis sa kanal at humingi ako ng tulong pero dinilaan lang niya ako. Ikaw na animal pag ako nakatakas dito baka gawin kitang palaman ng siopao.

Dahan dahang niyang inilalapit ang mukha niya sa leeg ko nagpupumiglas ako ngunit sadyang malakas siya.

"Ay wait lang girl selfie muna tayo"pag-aanyaya niya sa akin at may kung anong kinapa siya sa dibdib. May bra ang baklitang ito? Ano ba naman ang nangyayari ngayong gabi, panaginip ba ito? Masyadong abnormal ang nasa paligid ko. Itinatapat na niya sa mukha namin ang selpon niya.

"Bakla ano unit ng phone mo?"tanong ko sa abnormal na anemic na baklita na malantod.

"Eeww witit mo knows? Wala bang ganito sa gubat niyo? Gaga I Phone 10S+ ang tatak nito"sabi niya habang ineexamine ang I-Phone kuno niya. Ganyan na pala ang latest ngayon.

"Smile"sabi niya at magkatabi ang mukha naming nagseselfie. Ayaw ko man ngumiti pero pinush ko pa rin. Nagwacky wacky pa kami. Masaya pala makiselfie sa baklang ito.

"Say malandiiii"sabi ko namam sa gagang ito at sinabi rin niya.

"Wait upload ko sa Instakilogram"pahayag niya at napasapo na lang ako ng noo

"Gaga Instagram 'yon!"pagtatama ko sa sinabi niya pero parang hindi niya ako narinig.

Matapos ang selfie session namin ay sinakal niya ako ulit. Traydor ang baklitang ito king ina!

Napapikit na lamang ako sa sakit ng sakal niya. Bigla kong naramdamang wala nang nagsasakal sa akin nakita ko ang baklang bampira na napasubsob ang mukha sa basurahan. Pinigilan kong hindi tumawa. Marahil ay inihagis siya roon. Lumingon ako sa kung sinong may gawa nito at nakita ko ang isang gwapong lalaki na meron ding pangil pero mas sosyal ang kanya dahil-dahil may braces ang ngipin niya. Ilang beses akong napalunok. Baka nga nalunok ko na yung tonsil. Tatawagan ko na ba ang 911?

What the hell! May braces?!

Anong gagawin ko?

Tulungan niyo ako dahil hindi naman ako matutulungan ng isang malanding pusa!

Waaaah!!!

Ayaw kong makagat ng bampira!

Biglang nagdilim ang paningin ko at natumba ako. #nahimatay.

A/N

Ano? Itutuloy ko pa ba? Magcomment ka na!

Lovelots
Miaka_Pein

Ang VAMPIRE Na May BRACE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon