Vampire 8

93 9 7
                                    

ISAY'S POV

"Hey Lev what's wrong?"aligagang tanong ni Tita Rica.

Napaupo sa sahig si Lev dahil sa sakit ng tiyan. Anong kao-OA-an yan? Iutot mo lang pak ganern na!

"Is-is there any garlic with the food you bought?"hirap na hirap na tanong ni Lev

"Oo meron."sagot ni Tito Raph.

Allergic kaya siya sa garlic?

Malamang Isay! Kabobohan mo na naman umiiral!

"Argh! Don't come near me!"sigaw ni Lev at tumakbo palabas ng bahay.

Walkout ang peg niya! Ang arte feeling artista!

Pero syempre diba maganda lang ako pero hindi nagpapatalo sa tsismis kaya dapat malaman ko kung anong nangyayari kay Lev kaya naman susundan ko siya.

"Isay saan ka pupunta?"tanong ni Tita.

"Sa mall po Tita bibili ako ng garlics!"sigaw ko at tuluyang lumabas ng bahay. Minsan kasi alam na nga ang sagot eh tatanungin pa.

Hindi naging mahirap sa akin ang paghanap kay Lev. Nasa labas lamang siya ng bakuran namin. Nakaupo siya habang nakatalikod sa akin.

Ang wafu ng likod!

"Woi! OA neto oh! Walkout pa ang gusto."pahayag ko sakanya.

"Just get inside!"utos niya sa akin.

"Ay! Di ko nagugustuhan ang performance mo Lev ah! Ayus-ayusin mo. May efficascent oil ako sa bahay. Pahiran mo lang yung tiyan mo tsaka gagali-"hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil tumakbo na siya.

Habulan ang gusto tss!

Hinabol ko siya nang hindi nagpapahalata. Napunta kami sa narrow pathway at tumago ako mula sa pader. Pasimple lamang akong sumisilip baka kasi mahuli niya ang kagandahan ko.

May kung anong bagay na kinuha siya mula sa kanyang bulsa at nilunok ito. Nanlaki ang mga mata ko at naghihintay na sumigaw siya ng 'Darna!' pero bigo ako.

Napaupo siya sa tabi ng basurahan at hinilot ang kanyang noo. Matagal siyang tumitig sa kawalan kaya naman nangawit din ang ulo ko kasisilip. Mukhang useless ang pagsunod ng kagandahan ko sa lalaking ito. Tatalikod na sana ako para bumalik sa bahay dahil maghuhugas pa ako ng pinagkainan namin nang bigla siyang magsalita.

"Hoy Sharon saan ka pupunta?" wika niya. Nagdadalawang isip ako kung lilingon ba ako dahil baka hindi ako ang kausap niya since hindi Sharon ang pangalan ko. Kailan pa ako naging mataba?

"Nakakagago ka talagang kausap. Minsan ang sarap mong sapatusin!" pahayag niya ulit. So ako naman itong si maganda nacucurious na!

Lilingon ako o hindi?

Lilingon na lang yata ako baka kasi may bagong character sa story na ang pangalan ay Sharon.

Ay huwag na lang yata. Kasi kapag maganda ka dapat snob ka tapos-

"Ay butiking nagsplit!" hindi ko natapos ang pag-oorient sa sarili kung lilingon ba ako or hindi dahil may lecheng peste na nagbato ng lata sa ulo ko.

Inis kong nilingon si Lev dahil siya lang naman ang pwedeng gumawa niyon maliban na lamang kung may Sharon nga na mag-eexist sa story ko. Pero paglingon ko sa lugar na kinalalagyan niya kanina ay wala na si Lev. Hinanap hanap pa siya ng mata kong maganda pero bigo ako again. Pagharap ko ay halos mabangga ako ng isang pader kaya napapikit ako. Ngunit narealize ko na nasa gilid ko yung pader kaya malabong mauntog ako roon. Binuksan ko ang mata ko at dibdib lang pala ni Lev. Teka- paano siya napunta diyan?

"You know what? You look so stupid." Supalpal niya sa mukha ko.

"You know what? Ang baho mo!" paggagaya ko sa tono nang pinagsalita niya.

Sasagot pa sana siya kaso dahan-dahan naman niyang inamoy yung sarili niya kung mabaho nga siya. Uto uto! Tinitigan ko siya at kunwari may tinatanggal akong muta sa mata ko. Mga ten seconds ko yun ginawa akala ko uto uto siya ulit at gagayahin niya ang gagawin ko pero bigo ako again for the third time.

Bakas sa mukha niya ang inis. Gigil na gigil na siya siguro sa akin.

"I'm asking you kung saan ka pupunta." Wika niya

"Akala ko ba si Sharon ang kausap mo?" sagot ko

"Bakit ang bobo mo?" kunot noong tanong niya

"Bakit ang baho mo?" sagot ko

Huminga siya nang malalim senyales na pinapakalma niya ang sarili niya.

"Saan na si Sharon?" inosenteng tanong ko.

Saan kaya iyon napunta? Hinanap ko siya pero wala talaga.

"Alam mo ba na ang kabobohan mo ay parang Sunsilk?" banat ni Lev sa akin.Napatitig tuloy ako sakanya.

Hindi ko alam kung kikiligin ako. Trip niya rin pala magpick-up lines!

"Bakit?" excited na sagot ko.

"Nakakagigil!" sagot niya nang nakangiti na parang ginaya ang pagsabi ni Sarah at Kathryn. Ang pogi!

Inirapan ko siya nang sobrang taas para kunwari hindi mukhang napahiya.

"Asan nga kasi si Sharon?" tanong ko

"Hays iba na talaga pag bobo." Bulong niya. "Ikaw si Sharon diba bakit mo tinatanong kung sino si Sharon?" Sabi niya

"Hays iba na talaga kapag mas bobo yung kausap." bulong ko rin. "Eh hindi naman Sharon ang pangalan ko duh!" sagot ko.

"I don't give a freaking care of whatever your name is." Sagot niya. Wala pala siyang pakialam eh bakit pa niya ako kinakausap. Mukhang wala namang patutunguhan ang usapang ito kaya nauna na ako mag-walkout.

Narinig ko ang kanyang mahabang buntong hininga mula sa aking likuran. Naramdaman kong sumusunod na rin siya.Hindi ko siya nilingon dahil una maganda ako at pangalawa kapag maganda dapat taas noong maglakad.

Malapit na kami sa tindahan ni Ms.Abstract- yung pinagbilhan ko dati ng Maxx Red.

Nakita ko siyang may kausap sa cellphone at todo ngiti. Kapag gaga dapat wag ng malandi.

Inirapan ko siya nang sobrang taas. Maya-maya lamang  habang papalapit kami sa tapat niya ay narinig ko siyang naghagikhik. Pasimple kong hinarap si Ms. Abstract at nakita ko kung paano siya magpabebe wave kay Lev. Nilingon ko si Lev at hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Ms. Abstract. Hahahahaha! Kapag hindi maganda huwag assuming! Napatingin sa akin si Lev at bigla na namang kumunot ang noo niya. Problema neto? Inirapan ko siya ulit ng sobrang taas.

"Hoy dalian mo maglakad!" pahayag ko na lamang.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ginagandahan ko talaga bawat hakbang ko dahil alam kong nasa likod ko lamang si Lev. Habang naglalakd ay iniisip ko yung nangyari kanina. Diba nasa likod ko lamang siya nang batuhin niya ako ng lata?Paanong paglingon ko sa likuran ay wala siya roon? Tapos bigla na lamang siyang lumitaw sa harapan ko? Nagpaparanoid na yata ako kapapanood ng Probinsyano. Mukhang kailangan ko ng background music ni Gary V. 

Noong malapit na kami makalabas sa narrow pathway ay hinarap ko siya pero wala palang Lev na nakasunod sa akin.

Peste!

Saan nagpunta 'yon?

Ipagpapatuloy...

Ang VAMPIRE Na May BRACE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon