Vampire 5

153 26 28
                                    

Happy Reading!

Isay's POV

Hindi ko hahayaang matapos ang gabing ito na hindi makikilala ang ka-double ni Coco Martin sa Probinsyano. Pinilit kong gumalaw sa aking kinatatayuan at hinabol si kuyang naka-jacket!

"Kuya wait! Wait lang! Saglit! Isa! Kapag hindi ka huminto gagawin kong toothbrush yang daliri mo! Hindi pa rin kasi natatanggal 'yong tinga ko"sigaw ko habang hinahabol si kuyang gwapong naka-jacket!

Kahit maraming paharang-harang na basag na bote, kahit mabaho ang surroundings ay nahabol ko pa rin si kuyang naka-jacket. Hinila ko ang jacket niya at napilitan siyang huminto at hinarap ako.

Inis niyang tinanggal ang kamay kong nakakapit sa jacket niya akala ko kakantahin niya 'yong kinanta ni Yohan Hwang 'Kung wala ka nang maintindihin. Kung wala ka nang makapitan. Kapit ka sa akin. Kapit ka sa akin. Hindi kita bibitiwan.'

#WafuNiYohan

Pero hindi siya kumanta. Sinigawan niya ako sa mismong mukha. May tumalsik pa nga na laway niya pero deadma lang kasi pag-uwi ko sa bahay, 'yong unang banlaw sa bandang pisngi na natalsikan ng laway ay itatago ko sa jar.

Naka-brace si kuyang gwapo. Shocks! Rich kid!

Kapag naka-brace ibig sabihin chaka ang teeth. Charing!

"Who told you that you can touch me?!" Inis na sigaw niya.

"Touch? Alam mo bang sa tuwing nata-touch ni crush ang kamay ko eh nakakaramdam ako ng grown! Pero masyado siyang manhid para malamang may gusto ako sakanya. Hindi niya mapansin lahat ng effort ko!"madramang hugot ko.

Sumagot si kuyang double ni Coco Martin.

"Effort? Gaano karaming effort na ba ang napatunayan ko sakanya? Ni hindi niya ma-appreciate maski katiting lang ng effort na 'yon. Dahil wala lang ako sa paningin niya. Masakit tol!"pahayag niya at sabay kaming tumingala at tumingin sa buwan sabay sigaw ng...

"Woaah! #hugot!"

Tumingala ako sakanya kasi matangkad siya."Kuya sorry kung hinawakan ko yan jacket mo akala ko kasi di mo ako bibitawan"pahayag ko.

"Pwede ba huwag mo akong kausapin. Huwag kang feeling close. Subukan mo pa akong sundan masasaktan ka talaga!?"inis na sabi ni Kuyang Pogi at nauna na ulit maglakad.

"Oh tapos?"pahayag ko pero hindi na narinig.

Hay naku ka kuya! Huwag mo akong mautos-utusan na wag kang sundan! Sa gwapo mong yan!

Sinabayan ko siya sa paglalakad at nagsimulang kausapin."Kuya ang sungit mo grabe ka!"sabi ko at siniko ko siya sa bandang tagiliran. Medyo napa 'Aw' siya. Masakit yata ang pinagsiko ko.

Kunot-noo na naman niya akong tiningnan. Bakit kapag siya naka-kunot ang noo ang gandang tingnan pero 'yong nagtitinda ng Maxx Red parang naging abstract ang face. Shocks! Di ko na nga siya lalaitin.

"Hindi ka ba marunong umintindi? Ang sabi ko huwag mo akong susundan at kakausapin! Sagabal ka eh! May hinahanap ako kaya tumabi ka diyan"pahayag niya sabay tulak sa akin. Aray beh masakit! Nakayuko siyang naglalakad at talagang hinahanap 'yong kung anong bagay na iyon sa bawat nadadaanan namin- niya pala. Kung maka-'namin' naman ako parang may namamagitan sa amin hihihi.

"Ano bang hinahanap mo? Saan mo ba nawala?"takang tanong ko

Napilitan siyang lingunin ako at makikita mong nanggigil na siya sa galit. Shocks! Wala akong ginagawa ah. Inosente ako!

"Are you stupid? Gunggong ka ba? Nawawala nga diba! Paano ko malalaman kung saan ko nawala!" Inis na singhal niya at bumalik sa dating posisyon at hinanap kung ano man ang bagay na iyon.

Napaisip tuloy ako. Oo nga noh? Paano ko malalaman kung saan nawala eh nawawala nga diba?

Ay matalino 'tong si Kuyang Pogi!

#TurnOn

Nasa likod lang niya ako habang nagpapatuloy siya sa paglalakad nang nakayuko. Mahahanap niya ba 'yong hinahanap niya sa ganyang posisyon?
Nakayuko lang at palipat-lipat lang ang ulo sa kaliwa't kanan?

#TurnOff

Kitang kita ko kung paano niya sabunutin ang buhok niya dahil sa inis.

"Kuya! Sabihin mo na sa akin kung ano 'yon at baka makatulong ako sa paghahanap"pangungumbinsi ko kay Kuyang Pogi. Ako na nga nagvo-volunteer ako pa nirereject?

"Will you stop calling me Kuya? I'm not your kuya and just leave me alone!"sigaw na naman niya.

Easy! Mahigh blood ka diyan bahala ka.

"Eh kung sabihin kong stupid ka rin? Kasasabi mo lang na kapag nawawala hindi mo alam kung saan mo nawala eh bakit dito mo hinahanap? Eh di alam mo na nandito nawala 'yon"inis na sigaw ko. Ako tuloy ang nahi-high blood sa kanya.

"Ang sakit mo sa sintido! Dito sa lugar na ito ang pinuntahan ko bago mawala 'yon kaya sigurado akong dito ko rin mahahanap"inis na sabi niya at nagpatuloy sa paghahanap.

Dahil pinapataas lang ng gwapong ito ang altapresyon ko at pagod din naman na ako sa trabaho ay iniwan ko siyang hindi tumutugon sa mga huling sinabi niya.

Bahala siya diyan! Hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Okay fine! Madali naman akong kausap!

Ngunit bago pa ako tuluyang lumayo sa tahimik na iskinita na ito ay narinig ko ang pagpigil niya. "Wait!"

Gusto ko siyang lingunin agad kaso napako muna ako sa aking kintatayuan at kinilig muna ako. Kinikilig pati eardrums at ingrown ko. Shocks!

Pero nangibabaw 'yong pagod na naramdaman ko. Gusto ko nang magpahinga muna. Hindi ko na siya nilingon pa at dumiretso na sa paglalakad pauwi sa apartment.

Uminom ako agad ng tubig mula sa Ref-Refilling Jag at dumiretso sa kwarto. Napagod talaga ako kaya sumalampak na agad ako sa kama. Naging sunod-sunod ang paghikab ko at hindi ko namalayang nakatulog na ako nang hindi nagpapalit ng damit.

#dirty




Ipagpapatuloy...




Ang VAMPIRE Na May BRACE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon