Chapter 37

57.5K 640 18
                                    


Chapter 37

MORGAN POV

Pagkatapos ng pasko, naging normal ulit ang lahat. Sinabihan ako ni na Travis na babalik kami ng Manila para ipakilala sa pamilya. Bilang isang mag-anak dahil kumpleto kami. Syempre pumayag ako, but knowing that Ann and Travis are still married baka magmukha akong kirida pagnagka-taon.

Nakilala ko na ang pamilya niya noong unang beses kong nakita ang mama niya pumunta sa office. Honestly, hindi siya katulad ng ibang mayayaman-- dahil napakabait nito. At sinabihan pa niya ako na mag dinner ako minsan sa bahay nila. Ngumiti lang ako sa kanya noon.

Akala ko yon na ang una't-huli namin pagkikita pagkikita dahil nagkamali ako. Hindi niya ako tinantanan hanggat hindi niya ako napapayag na kumain sa kanila.

Gusto ko ang mga magulang niya dahil sa pinakita nilang kabutihan sa akin --- maliban sa grandma niya na. Kahit hindi niya sabihin ng derechahan sa akin, si Ann ang gusto niya para sa apo niya. Hindi ko na lang pinansin iyon at mas binigyan ko ng pansin ang magulang niya dahil ibang iba sila sa magulang ko.

Ito ang isa sa mga rason kung bakit pumunta ako sa Manila. Balang araw magkikita ulit kami ng magulang ko sa araw na yon ay may pagmamalaki na hindi ako at hindi na ako de-depende sa kanila.

"Wife, anong iniisip mo?" Bulong ni Travis at ni back-hug niya ako.

"Bigla ko lang naala yung una namin pagkikita ng mommy mo. Na mimiss ko na siya." Sinabi ko sa kaniya ang totoo at pinatong ang dalawang kamay ko sa kamay niya. Sana hindi na matapos ang ganitong kaligayahan na natatamasa namin mag-ina.

"Namimiss ka na din non. Wag ka ng mag-alala dahil mahal ka ng pamilya ko. Kaya wala kang dapat ipag-alala." Paniniguro niya para namang magbabago ang pasya ko. I'm firm to my words.

"After New Year na lang tayo bumalik sa Manila. Hindi ba nagsabi sila na babalik sila at sama-sama tayo para Media Noché? " Tinignan ko siya. Nakataas ang isang kilay nito na para bang sinasabi na this-time-tayo-lang look ang pinakita niya.

" As if I have a choice." Kung minsan talaga hindi mo maintindihan si Travis. Dinaig nya pa ang babaeng malapit na mag menepouse!

"Thank you." Ngumiti ako ng pagka laki-laki. At napailing na lang ito sa akin.

Nagtagal pa kami sa gano'n na posisyon. Hanggang sa naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko. Isang unknown message ang natanggap ko.

From: Unknown

Meet me nine am today. I'll send you the address.

Nakaramdam ako ng kaba. Wag naman sana si Ann ito. Hindi ko kayang mawala ang pagkakataon na makita kong maging masaya ang anak ko.

Sinipat pa ni Travis kung sino ang nagtext sa akin. At sinabe ko na baka wrong send lang. Seven am palang naman kaya mamaya na ako mag-aayos.

"Tara, Let's eat. Gutom na kasi ako." Humarap ako sa kanya at magkatapat na kami ngayon. Kinurot naman niya ang ilong ko at inakbayan ako pababa ng hagdan.

Pagbaba namin kumain na kami. Atsaka sinabihan ko din sila Nay Donna na sumabay na sa amin at mamaya na nila gawin ang mga gawaing bahay. Pumayag naman sila at tahimik lang kaming kumain ng sabay-sabay. Pagkatapos namin kumain tinulungan ko muna sila na linisin ang pinagkainan namin. Wala silang choice kundi ang tulungan ko sila, dahil napaka dami din nila kailangan linisin.

Dito rin kasi nagpasko ang mga pamilya ng mga kasambahay nila Terrence. Nagpa Christmas party kasi silang lima.

Kilala ko narin ang mga kasama nilang mga babae. Sila Acacia, Rian, Sandra. Niloko ko pa nga sila na baka pinag usapan din nila na puro may A ang i - girlfriend nila. Umiling naman sila sa sinabi ko.

Pagkatapos kong maglinis, nagpaalam ako na pupunta na ako sa taas para maka ligo na. Bago ako tumungo sa kwarto ay nakita ko sina Travis at Terrence na kasama ang mga bata na naglalaro ng RC Car. Napangiti ako at mabilis ko silang kinuhanan ng picture. Pagkatapos ko silang pinicturan pumunta na din ako sa kwarto at naligo.

Tinignan ko ang sarili ko at napangiti ako. Sinuot ko ang pink cotton dress ko at naglagay din ako ng make-up, para naman maging presentable akong tignan.

Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako sa kanila. Nag good bye naman sila sa akin. Hinatid naman ako ni Tay Cardo. Pero hindi ko sinakto sa mismong pupuntahan. May kutob kasi ako na baka sumunod pa sila sa akin. Pag kakita ko sa sinabi ko na lugar na sinabi sa akin ay bumababa agad ako sa sasakyan at sinabihan na dito na lang siya maghintay. Naglakad ako ng mabilis para hindi niya ako masundan sa tingin niya. Nang makalayo na ako ay sumakay ako ng jeep para makapunta na.

Pag papasok ko sa coffee shop ay nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang nagma may-ari ng number na iyon. Huminga ako ng malalim bago lumapit sa direksyon niya. Ngumiti ito sa akin bago magsalita.

"Hi. Want some coffee?" Umupo ako at ngumiti sa kanya. Kung sasabihin ko na ayoko baka isipin niya sinu-supladahan ko naman siya.

"Hello. Bakit ka nga pala nag text sa akin?" Napawi din agad ang ngiti sa labi niya.

"Buntis ako, at siya ang ama. I'm sorry... Akala ko kasi ay wala pa siyang pamilya... W-wag kang mag-alala aalis din kami ng anak ko... Yun lang naman ang gusto kong ipaliwanag. Aalis na ako. I'm sorry..." Umiyak na 'to sa harapan ko. Walang tigil ang pag agos ng luha sa mukha niya. Natutop naman bigla ang bibig ko sa rebelasyon niya.

"H-ow?"I swallowed hard.

"It's a long story. I'm sorry Morgan. I need to go. I'm sorry. Please don't tell him. Can you do me a favor? Please give this photobook to Terrence. Kailangan niyang malaman kung anong nilalaman nyan. Thank you." Pinilit niyang ngumiti sa akin kahit na umiiyak pa rin siya. Pagkuha ko sa photobook ay tumayo naman siya agad. Hindi ko na siya na sundan pa sa bilis ng paglakad niya.

May note na naka lagay na "For your eyes only" alam kong para sa kanya talaga ito.

Umalis na din ako sa lugar na 'yon. Wala naman kasi akong gagawin do'n. Habang nasa byahe hindi ako mapakali. Tinanungan naman ako ni Tay Cardo kung okay lang ako kaya sumenyas ako na okay lang ako.

Pagdating namin sa bahay nila Terrence bumaba agad ako sa kotse. Hinanap ko siya at nang makita ko siya na kasama si Trevor ay tumakbo ako sa pwesto niya inabot ko din sa kanya ang photobook na pinabibigay sa kaniya. Pag bigay ko sa kaniya ay agad itong pumasok sa kwarto niya.

Tinanungan ako ni Travis kung ano iyon. Sinabe ko na para kay Terrence iyon at may nagpapa bigay lang. Pagkasabi no'n hindi niya na ako kinulit pa.

I hope someday maging okay din sila. Terrence deserves to be happy. Hindi niya deserve ang mga nangyayari sa kanya. He deserves better than this. Masyado na siyang nag suffer sa lahat nangyayari.

Sana makahanap ito ng babaeng para sa kaniya. Ang babaeng hindi siya sasaktan. Alam kong ka-akibat ng pagmamahal ang sakit. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal.

I adore him because his love for Tyra is everlasting. Naawa ako sa sitwasyon nila. In God's right time magsasama din sila.

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon