C H A P T E R - N I N E T E E N

63.6K 794 18
                                    

Morgan's POV

Pagka-alis ni Tyron ay agad akong pinag-ayos ni Terrence upang makapag-empake na ako ng mga gamit na dadalhin namin, anuman oras ay aalis na kami dito sa bahay na tinitirahan namin ng anak ko. Alam kong seryoso si Terrence sa plano niya na ilayo kami sa mga taong humahabol sa amin.

Alam ko sa sarili ko na darating ang araw na malalaman ni Travis ang lahat ng ito, na mismong mga kaibigan niya ang tumutulong sa akin para hindi niya kami makita ng anak ko. Na malalaman niya na mismong mga kaibigan niya ang tuma-tridor sa kanya. At nangyari na nga ang araw na kinakatakutan kong mangyari. Ayoko ng magulong buhay, tama na ang nangyari noon. Ayoko ng maulit pa at maranasan ang impyernong naranasan ko noon sa poder niya. Pagkatapos ng paghaharap namin ni Tyron, alam kong sasabihin niya ang lahat ng nalaman niya kay Travis.

Kasalukuyan kong ini-empake ang mga damit ng anak ko ng magsalita siya sa likuran ko.

"Nay, bakit po tayo nag-aayos ng gamit aalis po ba tayo ngayon? Nakalimutan niyo na po ba na may family dinner po tayo nila Doctor Daddy ngayon?" Pagta-tanong ng anak ko at bakas sa mukha niya na naguguluhan ito sa mga nangyayari. Sino ba naman hindi. Kung ako nga nagugulat sa lahat ng ito, siya pa kaya na bata pa.

"Oo, aalis tayo ngayon. Tuloy parin ang family dinner natin. Gusto kasi ni Doc na magbakasyon tayo! Oo, Tama! Magbabakasyon tayo." Nang dahil sa sinabi ko feeling ko ako na ang pinaka masama at sinungaling na ina sa buong mundo.

I sighed. Anong magagawa ko gusto ko lang naman na ilayo ang anak ko dahil ayokong makihati sya sa atensyon sa kanyang ama. Lalo't na may sariling pamilya na din sila Travis.

"Yes! Tara, Nanay tulungan na po kita." Napangiti naman ako ng tinulungan ako ng anak ko sa pag-aayos ng kanyang damit. Dinala nya lahat ang gamit nya pati ang kanyang mga laruan na galing kay Terrence at Trin. "Nanay, paano po iyon may pasok po ako." Muling usal nito ang kaninang excitement na makikita mo sa kanyang mga mata ay napalitan agad ito ng lungkot.

"Baka ilipat na din kita anak. Kaya huwag ka ng mag-alala. Okay?" Hinawakan ko ang kanyang mukha.

"Okay po." Tanging na-isagot niya lang. Matalino ang anak ko kaya alam kong alam nya na may hindi magandang nangyayari sa kapaligiran niya. Alam kong hindi na lang ito nagsasalita kahit may na napapansin pa itong hindi tama.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ng anak ko ay nagmadali kaming bumaba at nakita ko agad si Terrence na nakatalikod habang may kausap ito sa phone.

Hindi ko naman intensyon na makinig sa usapan nila pero mismo ang mga paa ko na ang nagdala sa akin mula sa kina uupuan niya.

"Oo, pare aalis kami. Hindi ko hahayaan na makita sila ni Travis ng ganun kadali. Mag-sisi siyang gago ng malaman niya ang halaga ng kanyang sinayang. Tang ina kasi ng Ann na yan." Bakas sa boses nya ang pagkainis at huminga ito ng malalamin. Hindi ko naman marinig ang sinabe ng nasa kabilang linya. At muli itong nagsalita.

"Trin, I saw Tyra. Hindi gago! Alam kong si Tyra iyon nararamdaman kong siya iyon hindi ako pwedeng magkamali." Kilala ko si Tyra siya ang babaeng mahal ni Terrence.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko na sa halip na maging masaya ako sa nalaman ko ay may kirot akong naramdaman dito-- dito sa puso ko. "Hindi pwede!" Napalingon siya bigla sa gawi ko kaya agad nyang pinutol ang tawag. Oh shit. Bakit ba kasi napalakas ang boses ko ng sabihin ko iyon.

"Huh?" Nagtatakang tanong niya. Umiling na lang ako. "Kanina ka pa ba d'yan?" Oo kanina pa yan ang gusto kong isagot pero sahalip ay umiling na lang ulit ako.

"Hindi naman tatawagin na nga sana kita." Pagkasabi ko nito ay agad akong tumingin sa ibang dereksyon.

"Tara na." Lumabas na kami ng bahay.
Sumakay na kami ng kotse. Habang nasa biyahe kami na mayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan bukod sa tulog ang anak ko ay wala naman akong maisip na sabihin kay Terrence. Hindi parin mawala sa isipan ko ang nagyare kanina. May nararamdaman na ba ako para kay Terrence?

**
Travis and Morgan at Multimedia•

Note: Read "A Heartless Winter" karugtong po siya ng I'm His Unwanted Wife! Thanks!

I'm His Unwanted Wife (COMPLETE, but REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon