Chapter 2 - Mutual Understanding

10.8K 181 3
                                    

Kath's POV


After a few weeks, mas naging close kami ni Dj. Parati nya kong binibwiset. Parati ko syang sinasaktan, physically ha, baka kung anong isipin nyo.



Inaasar nya kong siopao. Kasi malaki daw yung mukha ko. Hindi naman kaya. Minsan naman, inaasar nya kong Jebs. Jebs as in Pupu. Dahil nga dun sa scene na yun.



Inaasar ko naman syang Mama's Boy. Sobrang close kasi sila ng mama nya.



Naging Boy Bestfriend ko sya. Minsan sweet sya sakin, pero minsan naaalala ko na may girlfriend pala sya.


Si Zharm.


Kaibigan ko rin si Zharm e.


Minsan pa nga, umamin sakin si Zharm na nagseselos raw sya samin ni Dj. Ang sabi ko naman, friends lang kami. Sobrang gentleman din naman kasi nito ni Dj. Pero ganun naman yata sya sa lahat ng babae.



Tuwing taping ng Growing Up, palagi nilang sinasabi sakin pati ng mga staffs na may crush daw sakin si Dj.



Hanggang isang araw, nabalitaan ko nalang na break na sila Zharm.



"Oy Dj!"


"Bakit?"


"Bakit kayo nagbreak ni Zharm? Linoko mo sya no? Ikaw talaga," pagbibiro ko.


"Di ako nakikipagbreak sa babae ah. Siya ang nakipagbreak."



"Maniwala? Bakit naman makikipagbreak yun sayo? Mahal na mahal ka kaya nun."



"Mas mahal kita," bulong niya.


"Ha?"


"Wala! Tch ewan ko kay Zharm e."



"Ewan ko rin sayo. Nakakaturn-off yan."



"Ha? Bakit ka matuturn-off?" pangaasar nya.



"Bakit? Ako ba? Sila, baka maturn-off sila!" sigaw ko.



"Weh? yun ba talaga Ms. Jebs?" natatawang tanong niya habang nakatingin ng nakakaloko.



"Feeler!"


Simula nung nagbreak sila ni Zharm, parati nya nalang akong inaasar na mahal nya raw ako. Tss.



"Kath!"



"Ano nanaman ba?!"



"Ang ganda mo."


"Heh!"



"Joke lang. Hahahahahaha"



Inirapan ko nalang sya. Sanay na ko. Parati syang ganon sakin hanggang isang araw..



"Kath, crush kita."


"Tigilan mo nga ko," ani ko.


"Totoo nga," sambit naman niya.



"Heh! Manahimik ka!"



"I love you."


Natulala nalang ako nun. Parang sincere kasi ang pagkakasabi niya nun.



Natapos ang Growing Up. Kahit walang taping, parati na syang pumupunta sa bahay. Minsan pa nga nagagalit na si Mama e.



"Mama hindi naman ako liniligawan nun e."



"Kaya may dalang flowers? Tapos may letters pa?" tanong ni mama.



"Friends lang kami mama!"



"Nako Kathryn. 30 ka pa pwedeng magkaboyfriend!"



"Ma pwede bang 18 nalang?"



"30."



"Opo. Inaasar ko lang naman kayo e," kunwaring natatawang sambit ko.



Isang beses, nagpaalam si Dj na liligawan nya raw ako. Nung una tinawanan ko lang sya pero sabi nya, seryoso daw sya. Pumunta pa nga sya sa bahay para magpaalam kila mama e. Sabi naman ni mama, bawal pa. Sobrang strict ang mama ko e. Isa pa, INC din ako. Bawal pa talaga.



"Maghihintay nalang ako mama Min," ani Dj.



"Hoy Dj anong mama?" natatawang sambit ko.



"Ay sorry, tita Min pala!"



Simula nung araw na yun, palagi nang naguusap si Dj at mama. Feeling ko nga, naging close sila e. Minsan din, sila ni papa. Tas sila ni Kuya Kevin.



Hanggang nung May 25 2012


Kinausap ako ni kuya Kevin. Kasama nya si Dj at mama.


"Dj, alagaan mo si bunso ha," ani kuya Kevin.



"Kuya? Ano yan? Anong drama yan?" tanong ko.



"Inihabilin lang kita dito kay Daniel. Madaming umaaligid sayo."


Mula noong May 25, mas lalo syang naging sweet sakin


Inisip tuloy ng mga fans namin na kami na.


Parati nyang sinasabi sakin na papakasalan nya raw ako. Alam ko namang nagbibiro lang sya.



Parang habang tumatagal, nasasanay na ko sa presence nya.



Nagkagusto na ako sakanya.



Inamin ko kay Julia yun. Tapos sinabi nya kay Dj. Hahaha hiyang hiya ako nun. Iniwasan ko pa nga sya e. Tapos nung nagusap kami once, sinabi nya na M.U kami. Mutual Underatanding.

Soon to be Mrs. Ford Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon