Prologue

129 5 0
                                    

Andito ako ngayon sa rooftop ng bahay namin, nakatayo. Hinihintay kung dumating ang boyfriend ko. Gwapo,sikat,matalino ang hinintay ko, May mahalaga daw syang sasabihin sakin, kinakabahan na nga ako sa mahalagang sasabihin nya e. Para kasing may mali. Ewan, basta! Negative vibes shupii! Iisipin ko nalang na malapit na kaming mag two years sa sixteen. Oo yun nalang iisipin ko!

Nakita ko na sya.. Palapit na sya sakin, ang gwapo ng boyfriend ko. Okay, ako na kasi ang proud girlfriend! Totoo naman kasi e, hindi ko maaninagan masyado yung mukha nya madilim kasi e. Ayan! Luminaw na, ang gwapo.

"Hi brent!" Lumapit ako at yinakap ko sya. Ang bango nya. Kumalas na kami sa pagkayakap teka.. Bakit namumula yung mata nya?

"Anong mahalaga mong sasabihin?" Hindi ko nalang muna sya tatanungin kung bakit namumula yung mata nya. Mas mahalaga ata to e.

"S-Sorry kung naabala kita." Yun lang? Ay, hindi siguro. Excited naman ako masyado.

"Okay lang naman." Nag smile ako sakanya. Yung mga mata nya.. Ang lungkot. "Ano na palang sasabihin mo?" Tanong ko sakanya.

"Let's finish this." A-Anong tatapusin namin? Yung mga mata nya, tulo ng tulo yung mga luha.. Para ngang nag uunahan mahulog yung mga luha nya.

"Huh? Anong pinagsasabi mong let's finish this? Haha." Hinampas ko sya sa braso nya, natatawa talaga ako.

"Don't laugh, let's just finish this.. im breaking up with you." Para akong mamatay sa narinig ko.. Anong pinagsasabi neto?! Yung mga luha na pumapatak sa mata nya,ganon yung sakin kaso yung akin iba e, parang dalawahan yung nahuhulog.

"Ano ba! Anong pinagsasabi mo ha?! Hindi ka nakakatawa!" Sinusuntok ko sya sa dibdib nya.. Ang sakit sakit parang tinutusok yung dibdib ko.

"Sorry.. Isabel." Yun nalang ang nasabi nya, tumakbo na sya paalis.. Palayo sakin.. Tinignan ko lang sya palayo sakin. Nanginginig yung mga tuhod ko.. Napa upo nalang ako sa sahig, humagulgul nalang ako.. Ang sakit sa heart!

Ang sakit sakit, bakit nya nagawa sakin to? Di naman ako nagkulang e, mag two two years na kami sa next week. Parang wala lang sakanya na makipag hiwalay sakin. Oo, umiyak siya pero nasasaktan ba sya? Wala syang pakielam sakin. Sa relastionSHIT namin.

Totoo nga sinabi ni bes sakin. Masakit pag sumobra ka. Masakit kasi... Sobra akong nagmahal. Anyare sakin? Eto! Sobra akong nasaktan! Sobra akong nagmahal e, para akong unti unting pinapatay. Pwedeng magmura? Tangina oh! Pagkatapos ng isang taon naming pagsasama ginanito nya ako.

"Waaaaaaaa!!!!!! Ang sakit sakit. Ano bang nagawa kung mali ha?! Brent?! Gago ka. Mahal na mahal kita brent! Sabi mo mahal mo ako? Bakit ganto? Bakit sinaktan mo ko???!!!!" Sigaw ako ng sigaw sa rooftop, baka sakaling mawala yung sakit na nararamdaman ko, pero wala! Ang sakit parin!

"Brent Marquez! Damn you." Mabuti nalang wala sila daddy at mommy. Kasi malaya akong sumigaw ng sumigaw.

"Brent! I love you!!!! But damn you," Sigaw ako ng sigaw para akong mawawalan ng boses sa sigaw ko! Walang wala parin yan sa sakit ng nararamdaman ko!! Walang wala.

Tumayo ako sa pagka upo ko sa sahig,tumungtung ako sa rooftop. Umupo ako magpapahinga muna ako dito. Di naman ako mahuhulog dito o magpapahulog dito no. Hindi ko sisirain ang buhay ko dahil sa nakipag break ang boyfriend kung gago.

Ang sakit parin. Hindi na ata mawawala yung sakit na nararamdaman ko ngayon e, parang tinutusok ng kutsilyo yung dibdib ko. Ano ba!

"I will forget you brent. Soon..." Bulong ko sa sarili ko.

Dear ex, How to un-love you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon