T SHIRT: INTRO CHAPTER
Hello there. I'm Sam, Samantha Trillo. I'm 18 years old, an Archi student sa isang sikat na school dito sa Metro Manila. Why did I choose Architecture? Wala lang, sobrang mahal ko kasi ang arts. Uhm, supposedly, graduating na dapat ako, but then, I had to transfer to my current school ngayon because of my parents. I just hate that I had to. Pero, wala e. I need to follow them. They are my parents, and they know what's best for me. Wala namang problema sa school ko ngayon, pero nasasayangan lang ako. This sucks, for real, but I guess, I just have to bear with it. Sayang ang ganda kung magpapaka-stress ka.
Uh, I'll describe myself a little bit. I have a long straight hair, na sobrang itim ang kulay. Fair ang aking complexion. And uhm... What else? Basta maganda 'ko. Well, that's what they say. And siyempre, proud ako. There's nothing wrong with it. Totoo naman, e. Anyway, I consider myself beautiful pero hindi ako vain. Nakakairita 'yung mga babaeng ganu'n. Sarap lang hampasin ng takong sa bumbunan. Sabi rin nga pala nila, I look like my mom. Well, maganda siya kasi she was a beauty queen when she was still young. But then, I'm not like her, hindi ako 'yung pageant type. Why? Ayoko lang. Parang ang vain din kasi nu'n.
When it comes to attitude, mabait akong tao. Ang diyosa ko na ba? Maganda, mabait, matalino. Charot! Hahaha. Joke lang. Well, mabait pero namimili ako ng tao. I mean, kung ano ka sa'kin, 'yun ako sa'yo. Treat me right and I'll do the same. Pero kung masama ka, pasensya, I can be bitcher than you. Sa panahon kasi ngayon, masyado nang maraming mapang-abuso, at kapag nagpaka-santa ka, lalamunin ka ng mundo. But I won't let that happen to me. Hindi ako 'yung tipong kakaya-kayanin lang ng kung sino, bad ass ako more than anybody else. Masyado kasi akong maganda para magpa-api. *flips my hair*
Ang daldal ko na ba? Pasensya naman. Anyway, love life? Teka, does love exist? Uhm... Yeah, of course it does. 'Di ko pa nga lang nae-experience 'yun. LOL. Ang bitter ko na naman. Nagkaro'n na ako ng boyfriend, at ayoko sa mga lalaki dahil sa kanya. Si Greg. Si Gregorio Ambrocio Pamintuan. Kasing sangsang ng pangalan niya ang pagkatao niya. I loathe him as hell. Pero wala na akong pakialam, sana nga namumundok na lang siya ngayon, magdidiwang ako if so. Binabalikan niya ako dati, but ayoko na. Ako 'yung tipong hindi naniniwala sa second chances. Masyadong illogical kasi kung ginawan ka na nga ng mali nu'ng una, tapos uulit ka pa? Ang stupid lang nu'n. But anyway, mabubuhay naman ako kahit walang lalaki. Okay na sa'kin 'yung nakakakita ng gwapo everyday. Ang landi ko lang. Hahaha.
---------
Yo. Call me Zac. Zacharias Andreas Falcon. Ang baho ng pangalan ko, alam ko 'yun. May lahi kasi akong Italian, kay Dad. Pero hindi ko naman na siya nakita, kaya apelyido ni Mom ang gamit ko. Wala naman yatang bakas ng pagka-Italyano sa'kin, kamukha ko ang nanay ko, kaya technically, mukha pa rin akong Pinoy. So yeah, 19 years old ako ngayon. Mukhang wala naman akong pag-asa sa buhay. Bakit? Palipat-lipat kasi ako ng kurso. Wala, e. Trip ko lang. Kapag nabagot ako sa isang bagay, I usually dump it. Kaya ito, 1st year pa rin ako hanggang ngayon. Architecture ang kinukuha ko, pero 'di ko naman 'to gusto. 4th course ko na 'to, e. Si Mom naman ang pumili. Actually, matagal niya na 'kong pinipilit, Dean kasi siya sa College of Architecture sa school, kaya gusto niya, du'n na lang ako. Pasaway raw ako, e. Kaya gusto niya, lagi niya 'kong nakikita. Wala rin naman kasi akong gustong kurso, kaya pumayag na rin ako. Ganyan ako, e. Walang plano sa buhay. Tamad, at walang ginawa kundi ang matulog. Well, hindi naman ako bobo, pero 'di rin ako matalino, sakto lang kumbaga. Talaga lang na hindi ko hilig ang mag-aral. Bakit pa? Mayaman naman kami, at kaya akong buhayin ng nanay ko kahit tatlong beses pa. Mas masarap humiga kaysa gumawa ng assignments.
Physical description ko? I don't pay that much attention sa itsura ko, but, sabi nila, gwapo raw ako. Alam ko naman 'yun. Ang ganda kaya ng nanay ko. Hahaha. Elementary pa lang yata, nanliligaw na ako, at napapasagot ko naman agad. May tatanggi pa ba sa'kin? Sa gwapo kong 'to? Mukhang walang makakagawa nu'n sa'kin. Ako pa nga ang tumatanggi kung minsan. Astig 'di ba? Ganyan kapag pogi. Wala, e. Ginawa akong pogi ni Lord at hindi ko kasalanan kung maraming nahuhumaling sa'kin. Chickboy ako, mula pa yata high school 'yun. Ewan, maliban sa computer games, basketball at pagtulog, babae ang libangan ko. Madali lang naman kumuha niyan. Marami sa tabi-tabi. 'Yung iba, kindatan mo lang, lilingkasan ka na agad.
Ugali? Mabait ako. Kahit sabi ng nanay ko, hindi raw. Hahaha. Mabait naman ako, e. Happy go lucky lang talaga. Isang buhay lang ang binigay sa'kin kaya lulubus-lubusin ko na. Masaya kung hayahay ang buhay. Tamad lang din talaga ako. Mahilig din akong mang-asar at mang-trip kaya close kami ng mga janitor nu'n sa guidance office sa school namin. Good boy talaga ako, 'no? Alam ko. Wala akong masyadong maish-share kapag ugali ko ang pag-uusapan. Basta, mabait ako. Tapos na.
Buhay pag-ibig? Hindi ako naniniwala sa ganyan. Isang malaking kakornihan ang pag-ibig. Para lang 'yun sa mga takot tumanda mag-isa. Ang corny kaya. Walang pag-ibig na totoo at nagl-last habambuhay. True love is just a fiction. Baduy ka kung naniniwala ka sa pag-ibig. Nagkaroon naman ako ng mga girlfriends, pero wala rin namang nangyayari. Basta kasi makuha ko na ang gusto ko, okay na 'yun. Masyado nang boring kung papahabain. Masunod ko lang ang gusto ng katawan ko, ayos na 'yun. Wala nang dapat pang patagalin. Wala naman yata akong babaeng 'di nakuha. At wala rin akong minahal kahit kanino sa kanila. Tatanda nga yata akong mag-isa. Wala akong paki-alam kung ganu'n man, kaysa naman kasi maging baduy at corny bago mamatay. Ayoko nga.
-------
Uy! Ako si Greg, Gregorio Ambrocio Pamintuan. Ang baduy ng name ko, ano? Pero, okay lang naman 'yun. Bigay ng parents ko 'yan kaya dapat kong ipagmalaki kahit ayoko. Hahaha. 19 years old na nga pala ako, Mechanical Engineering student sa isang university dito sa Manila. 4th year na ako, at one year na lang, graduate na. Ang tagal nga, e. Nakakainip rin kahit isang taon na lang. Pero ayos lang, magsisipag-sipagan na lang ako. Tutal, isang taon na lang naman at matitigil na ang pagtawag ng profs ko sa pangalan kong napakasarap pakinggan. Sa buong school life ko yata, 'yan ang pinaka-burden ko. Lagi akong trip ng tropa ko nu'ng high school, kapag nagkikita-kita, pasigaw nila akong tinatawag sa buong pangalan, saka hahagikgik. Buti na lang, hindi naman ako bullied nu'ng mga panahon 'yun. E subukan lang, mananapak talaga ako. Akala ko nga, makakaligtas na ako sa pangalan ko nu'ng mag-college, hindi naman pala. Nyeta lang kasi, ang aayos naman ng pangalan ng mga kapatid ko, pero bakit ang lansa ng pangalan ko? Di bale, 'yan lang naman ang kantiyaw lagi sa'kin. Tatanggapin ko na lang siguro. Hahaha.
Itsura? Ayos lang. Ewan ko, hindi ako masyadong matagal sa salamin kaya hindi ko alam. Sabi ng Mommy ko, pogi raw ako. Ano bang malay ko kung sinasabi niya lang 'yun dahil anak niya 'ko? Mahirap na, baka umasa ako. Madalas akong imbitahing sumali sa mga Mister-Mister na contests, e ayoko naman. Baka pagtripan lang ng audience ang pangalan kong ubod ng ganda. Ang laking pasakit ng pangalan ko, e. Minsan pala pumayag ako, dahil sabi ng adviser namin, project ko raw 'yun, at 'yun lang daw ang project ko, walang iba, kundi bagsak daw ako. Ang laki niyang bangag, e. Wala akong magagawa, nasa honors ako so I can't afford to fail. Nanalo yata ako nu'n. Hindi ko na maalala. Head-turner naman daw ako sabi ng bestfriend ko, si Zac, kaya dapat daw, pareho kaming cool. E ayoko naman, gusto ko lang maging normal na tao. Boring na kung boring pero ayoko ng limelight. Kung pogi ako, then be it, hahayaan ko lang na mapansin 'yun ng tao.
Mahilig akong mag-aral pero 'di ako nerd. 'Di ako lanky at 'di rin chubby. I love making friends. Palakaibigan akong tao, 'yun ang hilig ko maliban sa soccer. Hindi naman mahirap dahil madali naman akong pakisamahan, madaling kausap at madaling ma-please. Hindi ako loner kahit bookworm ako, iwas stereotype kumbaga. Ganu'n kasi kadalasan. At ayoko ngang maging ganu'n. Hindi ako magagalitin, iniipon ko lang sa loob ko, kaya medyo mahirap kapag nag-burst out ako. Matagal din ako kung magalit, malalim kasi ako magtiwala kaya ganoon. Typical nice guy kumbaga, mabait huwag lang kantiin. Pero 'di naman ako basag-ulo, isang beses pa lang yata akong napaaway at 'yun e noong binastos ng tambay ang ex-girlfriend ko. Ang akin lang kasi, mahal ko 'yun, inaalagaan ko, tapos babalahurain lang? Hindi dapat 'yung ganu'n.
Love life? Zero sa ngayon. Matagal naman nang zero. Mula nang mag-break kami ni Sam, hindi na 'ko nag-girlfriend ulit. Well, I had several flings, mga dates, na natural lang naman sa mga lalaki. Wala ring nangyari. Hinahanap ko sa kanila si Sam, or worse, naghahanap ako ng mas higit kay Sam, pero wala. Mahal na mahal ko kasi si Sam kaya hindi ko masisi ang sarili ko kung bakit hinahanap ko siya sa ibang babae. Mahal ko pa rin si Sam hanggang ngayon, pero muhing-muhi na 'yun sa'kin. Mula nang inakala niyang niloko ko siya e naging masamang tao na ang tingin niya sa'kin. Wala naman akong magawa dahil kahit anong paliwanag ko e ayam naman niyang maniwala. Pinagtripan kasi ako nu'n nila Zac, nu'ng hindi pa kami magkaibigan, at 'yun, nalaman 'yun ni Sam. So technically, naging bestfriend ko si Zac ilang months after ng break up namin ni Sam nu'ng freshman pa lang ako sa college. Hanggang ngayon, si Sam pa rin ang nasa isip ko. But who knows? Baka makalimutan ko rin siya pagdating ng panahon. Wow. Deep! Hahaha.
***