Chapter 3
"What is it Miss Trillo?" tanong ni Prof. Marco na gumulat sa'kin. Shems, nakakahiya talaga. Bwisit forever and ever si Zac. Tawa pa nang tawa, sarap sundutin ng ice pick sa ilong.
"Uh? Nothing's wrong, sir. Sorry." siyempre kunwari talagang wala para iwas pahiya, 'di ba? Nagpatuloy lang ang class na hindi ako mapakali. Nakakairita kayang katabi 'tong hinayupak na 'to. May klase, natutulog? Anak pa man din ng dean. WHUT? Dean? So dean si Tita Zeny ng College of Archi? Deym. Kaya pala siya familiar sa'kin. Grabeng coincidence naman.
Nagtapos ang class na tulog pa rin si Zac. Iiwan ko na lang sana para mapahiya sa next class. Pero siyempre, bilang mabait ako, I tried to wake him up. Ang cute niya kapag tulog, mukhang mabait. Pero hindi naman. Seyeng leng.
"Zac, wake up. Tapos na 'yung class." sabi ko habang kinakalabit siya. Biglang kumislot, at ayun, dumilat.
"Salamat." sabi niya, sabay tayo at lakad palayo. Mabait pala siya kapag bagong gising. Marunong ding tumanggap sa efforts ng ibang tao.
Naglakad na rin ako palabas ng audi. Akala ko umalis na talaga 'yung mokong na 'to, pero nasa pinto siya, as if waiting for me.
"Hoy, cranky!" sabi niya bigla at nakatingin sa'kin. Nagulat ako, mga 37.8597632% ng natural na gulat. Zo technicoool. Anyway, so humarap ako sa kanya.
"Why, pervy?" sabi ko naman.
"Luh? Grabe ka naman. Hindi ako pervert, a. Nagbibiro lang ako. Ang sungit mo kasi masyado, e." sabi niya.
"Ang ganda ng biro mo." I said, ironically. Then saka kami naglakad. Wow, friends? NO. WAY.
"Joke nga lang, e. You don't have to take it seriously. Joke nga, 'di ba? Dapat tinatawanan 'yun, hindi kinaiinisan." sabi niya naman, cool na cool pa.
"E sa hindi nga nakakatawa. Hindi lahat ng joke nakakatawa. Some are hell irritating." sabi ko naman sa kanya.
"Fine. Then sorry. If you were offended, I'm sorry, I'm very sorry." he said, in a serious tone.
Naalala ko sa kanya kung paano humingi ng tawad si Greg sa tuwing mag-aaway kami noon. Ugh, necromancing old memories. Ayoko ng ganito. "Madaling humingi ng sorry, Zac, pero 'yung iba diyan, parang Made in China. You dunno kung sincere 'yung tao o hindi. Sometimes, it pays to just ignore the apology dahil wala naman nang mangyayari. The damage has been done. And nothing can change it." pagdadrama ko naman.
"Woah. Deep!" sabi niya habang kasabay ko pa rin siyang maglakad.
"Zac, listen. We're not friends and we'll never be. Huwag kang masyadong lumapit sa'kin, naiirita ako sa'yo. If you're asking for forgiveness, I'm telling you, okay na. So please, stay away from me." And there, naiwan siya. Nagulat din yata dahil tumaas ang tono ko.
While walking away from him, nag-harlem shake ako. Joke lang. May girl na sumabit ang buhok sa bag ko. Grabe si ateng, nagsisisigaw akala mo sinasadya ko 'yung nangyari sa kanya.
"Remove it! Dalian mo! Ouch, ang sakit! Bilisan mong tanggalin! Ang bagal, e. Do it faster, hoe!" sigaw niya.
Aba'y hoe raw ako? HAHAHA. Impakta ka, a? Let's see. So dahil ang binder ko lang at pen ang nasa bag ko, tinanggal ko 'yun at naglakad palayo sa kanya. Anong itsura niya? Mukha siyang tanga. Nakasabit 'yung bag niya sa ulo niya. Tawa naman nang tawa 'yung mga nasa paligid namin, kasama si Zac na nakasunod pa rin pala.
"That's awesome! Hahaha. Ang maldita mo rin pala. Well, she deserves it. Feeling reyna 'yang intrimitidang 'yan, e." sabi nu'ng katabi kong babae. "Tricia, and you are?" sabi niya, sabay lahad ng kamay.
"Parang ang sama ko tuloy. Hahaha. Well, buti naman sa kanya 'yan. I'm Sam by the way. Classmate kita sa Archi 10, right?" sabi ko naman sa kanya sabay kuha ng kamay niya.
---
"Sino ba 'yung girl kanina? Sorry, transferee kasi ako so hindi pa ako familiar sa mga nilalang dito." I asked Tricia nu'ng nakahanap na kami ng upuan sa cafeteria.
"'Yung bitch? Si Lara 'yun. Ewan ko kung bakit ganu'n 'yun, e. Feeling kilala, hindi naman. Profs kasi ang parents nu'n, so ayun, kaya siguro mayabang. Nagulat talaga ako sa ginawa mo kanina. Natatawa ako na natutuwa e. You know, sobrang irita kasi ako sa kanya." sabi naman ni Tricia.
"Attention-seeker lang siguro 'yun. Papansin, kulang sa atensyon. Nakakaawa siya kanina, sa totoo lang. She looks so doomed nang makita niyang pinagtatawanan siya. The hell naman kasi, sino siya to call me a hoe? That's just so rude." sabi ko.
Bigla na lang napatigil si Tricia sa pakikipag-usap sa'kin. Mukha siyang napatulala, sabog yata 'to, e. Tumitira ng katol, ganu'n? Huehue. Ayun na nga, nang titigan ko 'yung tinititigan niya, I was like, "What the hell? Ikaw na naman?" Si Greg 'yung tinitingnan ni Tricia.
"OMFG. Si Greg. Ugh. Look, Sam, look." Para siyang natatae, hindi mapakali sa upuan, habang ako, agit na agit, nakakaloka dahil malapit lang sa'kin ang taong unang nanakit sa'kin. Deym feels, gusto kong manapak. Anyway, asal-maganda pa rin ako. Hindi pwedeng magpahalata.
"I know him." maikling sagot ko.
"Really? How? Friends kayo? Magsalita ka!" kinikilig na sabi ni Tricia.
"Ex ko siya."
CHOT lang. Siyempre hindi ko sinabi 'yun. Ayoko nang maaalala pang naging boyfriend ko si Greg. Ayoko na nga siyang makita sa totoo lang, but things really work their own way at hindi ito pumapayag na mamayapa ako without Greg. Ang hirap takasan ng mga alaala nito ni Gregorio. Nakakaasar lang.
"Yeah. We were high school friends simula 1st year. But you know, nagkahiwalay kami nu'ng college kaya now, hindi na kami masyadong close." drama ko. Sana nagmukhang totoo. I don't wanna get caught off guard.
"Talaga? You want me to call him for you? Greg!" sigaw ni Tricia, which, apparently, got Greg's attention.
"No, Trish, don't. Nakakahiya." pagtanggi ko pero mukhang huli na ang lahat. Katapusan ko na yata. Inang Lupa, pakilamon ako, now na! Huhuhu.
So there, Greg smiled at Tricia, and eventually, he saw me. Nang magkita ang mga mata namin, nag-iwas ako. Wait, pa-obvious yata masyado. WTF. Dunno what to do, bakit ganito? Ayoko na talaga. As soon as palapit si Greg sa table namin, lalong kumakabog ang dibdib ko. 5. 4. 3. 2. 1. Shoot, nasa harap ko na si Greg at nasa tabi na siya ni Tricia. Awkward Level 999.
"Hi, Sam." he said, with his calm and soothing voice. Nakangiti pa 'to, akala mo wala nangyari. Ang unfair. Bakit parang ako lang ang apektado? Anyway, hindi ako dapat maamoy, dahil kapag nagkataon, ako ang talo, and I don't wanna be the loser again. Not this time at hindi kailanman.
Nothing has changed. Kagaya nang makita ko siya kanina, ang gwapo-gwapo niya pa rin. He even looked better than he was before. Iyon pa rin ang perfume niya, that masculine smell, 'yung bango na kapag niyayakap niya 'ko, 'yung amoy na kapag nilalambing ko siya, 'yun pa rin 'yun. His smile, ang cute pa rin. Pero medyo stubbled siya, mukhang stressed. 'Di ako sanay na nakikita siyang ganito, lagi siyang shaved nu'n. His hair, wala ring nagbago. Basta, siya pa rin si Greg. Si Greg na minahal ko noon ngunit kinamumuhian ko na ngayon.
I stopped necromancing nang bigla akong kalabitin ni Tricia at napatitig ako kay Greg.
"What?" painosente kong tanong.
"Greg said hi. Hindi ka man lang ba sasagot?" sabi ni Tricia.
"Oh. Hi, Greg. Hi." sabi ko.
Gora lang. You can do it, Sam. Globe subscriber ka, kaya Go lang nang Go!
***
