Chapter 1
Sunday morning, kaaga-aga ang init. Mom and I, kasama si Simon, my younger brother, went to the church. Routinary naman na 'to sa'kin, though nakakatulog talaga ako minsan sa simbahan. Du'n kasi sa bahaging may aircon ang paboritong puwesto ng aking ina kaya naman feeling ko, nasa kwarto pa rin ako. Tinatapik ako minsan ni Mom, minsan kinukurot, kung anong trip niya, ginagawa niya para lang magising ako. Pero, uy, nakikinig naman ako sa misa. Sobrang aga lang kasi ng mass at inaantok pa talaga ako.
Nakaka-isang linggo na yata ako, no, one week na nga ako sa bago kong school. Kebs lang naman, pero wala pa akong masyadong kaibigan, may ilang kau-kausap, ngiti-ngitian pero wala pa talaga 'yung super friends. Maraming gwapo sa new school ko, 'yun talaga ang hinanap 'no?
Kakatapos lang ng mass at nagpaalam si Mom na pupunta lang sa kaibigan niya du'n sa isang restaurant na ang sabi niya, sa kabilang street lang, pero feeling ko, sa kabilang baryo pa kaya kahit niyaya niya kaming sumama, umayaw ako at dahil close kami ni Simon, sa'kin siya sumama. We were strolling nang tumigil kami sa isang stall, may laruang gustong ipabili si Simon. So ayun, dahil siya ang paborito kong kapatid, (Para namang may choice ako, tatlo lang naman kami. At imposibleng maging si Kuya Samuel ang paborito ko.) tagalibre ang peg ko that time. Toy gun 'yun, 'yung bola ang bala? Basta 'yun 'yun. Naglakad-lakad ulit kami. May nadaanan kaming life-size mirror na aking binasag at dinurog nang pinung-pino. Charot lang. Siyempre nagsalamin ako. Ang ganda ko lang forever. Hohoho. Taas ng tiwala sa sarili. Kbye. Anyway, ayun, habang nagsasalamin, may napansin akong lalaking nakasuot ng blue shirt. Well, actually, 'yung shirt ang napansin ko, may nakalagay na "Mr. Right."
Ang cute lang kasi ang suot kong shirt nu'n, "Looking for Mr. Right." Meant to be kaya kami ni koya? Ashumera lang, ano po? So, since umupo si Simon at mukhang napagod, tinitigan ko nang malagkit si Kuya at tuluyang inakit. Joke lang. I observed him for a while. Ang pogi niyaaaaaaaaa. *faints* Okay. Compose myself, Sam, kakagaling mo lang sa simbahan, huwag kang haliparot! Pero, ang pogi talaga ni Kuya. Matangkad, 6 footer yata 'to, e. Ang laki niya. Huh? K, ang taas niya pala. Baka bumerde 'yang mumunti niyong isipan.
Ang ganda ng mata ni Kuya, mukhang malalim tumitig. Moreno nga pala siya, pero 'yun 'yung tipong nag-aagaw ang puti at kayumanggi. Tagpi-tagpi siya, actually. LOL. Basta ang hot ng complexion niya. Tapos 'yung built niya, ulam forever and ever. Well, hindi siya 'yung kagaya ng mga artistang OA magpalaki ng biceps, 'yung kanya, sakto lang. Dagdag makapogi pa 'yung gupit niya.
Balik ako sa ulirat nang biglang maglakad si Simon ulit, so there, I played the nanny game again. Nawaglit na rin agad si Kuya sa aking isipan dahil hanggang ganu'n lang naman ako. Hindi ako 'yung tipong mapapanaginipan pa 'yung mga lalaki. Ang laking kaharutan nu'n, ha? So yeah, while walking, biglang nag-aim si Simon na parang may babarilin. Akala ko, kunwari lang, pero nagulat na lang ako nang bigla talaga siyang nag-shoot. At ayun, may nasapul na bata. Iyak si little girl, sa ilong tinamaan. So I had to attend to her, pero nagulat na lang ako nang bigla siyang amuin nu'ng Kuya kanina. The kuya looked so irritated.
"Zel, stop. Huwag ka na umiyak please. Uy, stop it. Papagalitan na naman ako ni Mommy, e." sabi nu'ng kuya, halatang bwisit. Mukhang kapatid niya 'yung batang babae.
"Uh, excuse me." sabi ko kaya nag-akyat ng mukha 'yung lalaki, nakasimangot pa rin. "Sorry, it was my brother kaya..." hindi pa man ako tapos ay bigla siyang sumigaw.
"Patigilin niyo 'tong batang 'to. I'm not here to cuddle her." sabi niya, sabay tayo. "Sa susunod kasi, titingnan mo 'yung kapatid mo. Ang reckless mong ate." sigaw niya pa.
"Woah. Kuya, take it easy. Yeah, it was my brother's fault. Pero 'di niya naman sinasadya." I tried to compose myself, chill lang. Ayokong magsungit ngunit parang sinusubukan niya talaga 'ko.
"Take it easy, huh? You're expecting me to take it easy? Niloloko mo 'ko? Patahanin mo 'tong kapatid ko and I'm gonna take it easy. It wasn't your brother's fault, bata 'yan, e. Pero ikaw kasi, sana nagbabantay ka nang maayos. Kung saan-saan ka kasi yata nakatingin." mahaba niyang litanya at tuluyan na 'kong nairita.
"Ang galing mo naman magsalita, sir. Bata ang kapatid ko? How about bata rin ang kapatid mo at intindihin mo 'yang pag-iyak niya. And to my surprise, kapatid mo pala siya. Poor little girl, napaka-ill-mannered ng kuya niya." sigaw ko na rin sa kanya. Medyo pinagtitingan na kami ng mga tao.
"Mas malas 'yang kapatid mo, mukhang tatanga-tanga 'yung ate niya, e. Hindi marunong magbantay ng kapatid. Mukha pang lousy. If you won't mind, aalis na kami ng kapatid ko. Ayoko kasing magsayang ng oras sa isang sintu-sintong babae. Sayang ang kapogian ko kung magpapaka-stress ako sa'yo." pang-aasar niya sabay talikod.
I was like, whut? Hambog ka, a. Tingnan natin. "Gwapo ka nga, kung makatalak ka naman, para kang babae. Such a homo!" sigaw ko sa kanya, and presto, humarap siya.
"A-ano? What did you just say? Homo? Ako? Bakla?" sabi niya, habang papalapit sa'kin. Natatakot ako, ang tangkad nito, e. Kayang-kaya akong ibalibag if ever. Halos ilang inches na lang ang layo namin.
"Hindi. Ako ang bakla. Retokada ako, e. Halata ba?" pang-aasar ko sa kanya. And oh yes, napipikon na siya. Victory is mine. Hohoho.
"Are you trying to piss me off?" sabi niya, naniningkit na ang mata. Ang cute niya lang. Gwapo sana, e. Ang gaspang naman ng ugali.
"Pikon ka na, beks? Keri lang 'yan. We're one. Member din ako ng federasyon." pang-aasar ko sabay flip ng hair.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hapitin sa bewang papalapit sa kanya. Nagkatitigan kami, hanggang sa bumulong siya.
"Nobody calls me gay, honey. Why do I feel like gusto mo lang akong asarin so you can taste my lips? Good kisser ako. Do you want me? Okay lang. Maganda ka naman, e." bulong niya at akmang lalapit ang labi sa labi ko, pero pinigilan ko gamit ang hintuturo ko.
"Ganu'n ba? Well, nobody kisses me. Not you. Not anybody." bulong ko sa kanya sabay lapit ng bibig ko sa tenga niya. Magkadikit ang mukha namin. "Next time, honey, huwag kang masyadong presko. Ikaw yata kasi 'yung tipong akala mo lahat ng babae, makukuha mo. Not me, baby. At pasalamat ka, mabait ako. Kaya ito lang ang gagawin ko sa'yo." bulong ko pa.
"Uggghhh. Aaahhh. Arrraaayyy. Fuuuuuuu..." sigaw ni Kuya.
Kita ko pa siyang nakahawak sa pundiya bago kami patakbong lumayo ni Simon. Pero...
Wait lang. Dafuq? Bakit? Huhuhu. Kill me now.
Kahawak kamay ni Simon 'yung batang babae, na nakatingin ngayon sa'kin at nakangiti.
Nooo. Magkikita kami ulit nu'ng lalaki. Ayoko! Hindi pwede! No! No way! *faints*
***