Chapter 2
"Ate, can I go with you? I don't wanna be with Kuya, e. He's always mad. I think he doesn't love me." tanong sa'kin nu'ng batang babae. Lutang pa rin ako nu'ng mga oras na 'yun. Iniisip ko kasing ibalik siya sa kuya niya, kaso, ayoko namang makita ang mokong na 'yun.
"Ate, please? I wanna play with Zel, e. Please? Please? Please?" pangungulit naman ni Simon. Ang hirap lang maging babysitter. Tapos dalawa pa sila? The best, 'di ba?
Anyway, umiral ang pagkamaldita ko. Kaya ayun, isinama namin 'yung bata. Bakit? Mapapagalitan 'yung kuya niyang mayabang, at pabor sa'kin. Yahoo! Pero sa likod ng aking payak na balintataw, deep lang, nakonsensya ako ng kaunti. Well, kaunti lang. Gusto ko pa ring mapahamak si Kuya. Nangibabaw ang inis ko, e. Hindi ko na kasalanan kung hindi niya mapapansing wala ang kapatid niya. Ang careless niya. Kung mapapagalitan man siya, buti nga sa kanya.
While eating sa isang sikat na fast food, biglang nagsalita 'yung batang babae.
"Ate, you saw my kuya, right? He's handsome, 'no? But he's bad. So I don't like him." mahinahong sabi nu'ng bata habang kumakain.
Madaldal din 'tong bata. Nariyan 'yung kinwento niyang marami raw girlfriends ang kuya niya. Lagi raw napapagalitan ng mommy nila. Nasa conference daw ang mommy nila kaya kasama niya ang kuya niyang walang modo. Ilang saglit pa'y biglang nagyayang lumabas si Simon at magpunta sa isang toy shop.
"Mommy!" biglang tumakbo 'yung bata sa isang babae, nasa 50's yata. Nakita ko na yata siya somewhere. Nagulat naman 'yung ginang at agad na binuhat si Zel. Agad din kaming lumapit sa kanilang mag-ina.
"Where did you go? Where's your Kuya Zac?" tanong ng mommy ni Zel. So, Zac ang pangalan ng mokong? Lakumpake.
"I don't know po, e. Sumama po ako kila Ate Sam and kay Simon. Ang bad kasi ni Kuya. You know, Mom, ang bait ni Ate Sam. Pinakain niya kami ni Simon, tapos bibili pa sana kami ng toy, kaso you came na. And, Ate Sam's pretty, too. Right, Mom?" mahabang kwento ni Zel. Nakakatuwang bata 'to. Ang ganda ko raw. I know right. Hohoho.
"Hija, pasensya sa istorbo, ha? Makulit yata si Zel. Delingkwente talaga 'yung anak kong panganay, e. Anyway, gusto mo bang mag-coffee para man lang makabawi ako sa pag-aalaga mo kay Zel?" paanyaya nu'ng Mommy ni Zel. Mukhang mabait ito at pirmi. Pero nakita ko na talaga siya.
"Naku, ma'am. Huwag na po. Okay lang naman po. At saka, mabait ho si Zel. Ang hilig nga pong magkwento." pagtanggi ko habang nakangiti.
"Are you sure? Nahihiya talaga ako sa'yo, e. Napagastos ka pa. Sam, right?" nakangiting sabi nu'ng ginang.
"Opo. Pero okay lang ho 'yun. At saka baka hinahanap na rin po kami ng Mom namin." sabi ko sabay hawak kay Simon. "Bye, Zel. See you. Ma'am, dito na po kami." paalam ko sa kanila.
"Thank you talaga, Sam. Sana magkita tayo ulit para maimbita namin kayo ni Simon sa bahay. Zel would love it. At oo nga pala, Tita Zeny na lang ang itawag mo sa'kin. Masyadong pormal ang ma'am. Sige, hija, mauna na rin kami." paalam ni Tita sabay lakad palayo, at ganu'n din kami ni Simon.
Naisip ko lang, mabait si Zel, pati si Tita. Pero bakit ganu'n si Zac? Kulang sa atensyon, mga ganu'n? Sana magbago pa siya. Sayang kung ang gwapo ka niya, ubod naman ng gaspang 'yung ugali niya.
After lunch na nu'ng makauwi kami, sa labas na lang kami kumain nila Mom. Dumiretso ako agad sa room ko para makapagpalit ng damit. Ang init sa Pinas forever. After that, I opened my loppy doppy yow and nag-log in sa Facebook. After 875944288723947722446622776662444 years, nakapag-Facebook ulit ako. Yahoo! Isa lang naman ang naisip ko nu'n, ang i-search si Zac. Don't get me wrong, wala akong pagnanasa sa kanya. Walang wala.
Dahil favorite ko ang word na forever, napag-tripan kong i-type ang ZAC FOREVER. Nasa F pa lang ako ay nag-flash agad ang Zac Falcon. Tuhray ni Koyang, maraming fanpages. Famewhore din kaya siya gaya ng Chicser? Joke lang! Hahaha. Anyway, ayun, clinick ko siyempre 'yung account niya. Luh? 20,000+ followers? Umaartista ang peg ni mokong. Ayokong dumagdag sa followers niya kaya bumalik ako du'n sa list ng pages niya.
Eng terey leng telege ni Keye, melepet neng meg-100k eng official page niye. Kfinewhatever. So, nag-browse ako ng pictures. Oh, so model pala siya? Pero bakit 'di ko naman siya kilala? Mas mabuti nga ang ganu'n. But one thing is for sure, gwapo talaga si Zac. Masama lang talaga ang ugali.
---
KINAUMAGAHAN, Monday na. Ugh, may class na naman. Ewan, tinatamad ako. Back to basics ako sa Archi subjects, e alam ko naman na 'yung tinuturo nila. Well, of course natutunan ko sa dati kong school. Sana naman may bagong lessons na, puhlease? Maglalaslas ako gamit ang pink na itak kapag wala pa. Lels.
So ayun na nga, I prepared for about an hour at nagpahatid na kay Manong Kit papuntang school. When we got there, sinabihan ko na lang siyang huwag akong sunduin. Wala lang, trip ko lang. Habang naglalakad papunta sa Archi AVR, e may nakasalubong akong taong ayaw ko nang makita pa. So I was like, "Bakit siya nandito?" Si Greg. He smiled at me, ganu'n pa rin, he still looks so handsome after all these years. Naalala ko lang na minsan kong pinangarap na sana siya na 'yung lalaking yayayain ako sa simbahan. But then, my dreams were all shattered nang niloko niya 'ko. Well, bahagi na 'yun ng nakaraan at hindi ko na dapat iniisip. I didn't smile back, para saan? Wala akong dapat ipagngiti.
At last, narating ko ang mahiwagang AVR. There, umupo ako sa likod para walang katabi. Nagsimula nang mag-discuss 'yung prof nang biglang may umupo sa tabi ko, hindi ko pinansin cuz I was busy taking notes. Nakikinig na lang yata ako nu'ng biglang mag-abot 'yung katabi ko ng piraso ng papel na may nakasulat na ganito...
"Ate, ang boring 'no?" sabi nito.
Without looking at him, or her? Kasi naman, hindi ko nga alam kung lalaki o babae. Ayun, I replied. "Ewan ko sa'yo. Nakikinig naman ako. Pwede ka naman yatang lumabas ng room kung nababagot ka. -_-"
"Woah? Kailangan seryoso? Anyway, anong pangalan mo?"
"Huh?"
"Wow. Nice name. May question mark talaga 'yan sa birth certificate mo?"
"Oo yata? Epalka ng ang apelyido ko, e. Ang ganda 'no?" sarcastic kong sagot.
"Ito naman. Joke lang."
"Ay? Was that a joke? Sorry, I forgot to laugh. Ang corny mo kasi."
"Oh really? Para namang ang ganda nu'ng joke-back mo sa'kin?" pang-aasar nito.
"Hindi ka ba natawa? Sorry, ha? Wala kasi akong pakialam. Bale, ganito, itigil mo na 'yang pagsusulat mo. Susulat na lang ulit ako kapag may pakialam na 'ko? Tapos mamaya, after class, bibigyan kita ng P500, bili ka ng kausap."
"P500 lang? Cheap mo naman, miss. Wala pa sa daily baon ko 'yan, e. How about babayaran kita ng P5,000 at gagawin mo lahat ng gusto ko?"
"Salamat na lang, Kuya." I assumed na lalaki siya, ubod nang bastos magsalita. "Baka saan mo lang kinukuha 'yang pera mo."
"Hindi rin. My mom's the dean in this college, so sa kanya nanggagaling ang pera ko."
"Talaga? Ang laki mo palang palamunin, 'no? Teka, nanay mo, dean? Malas naman niya? Mukhang manyak yata 'tong anak niya? At, err, mukhang mahina ang utak?" sulat ko. Nilamukos niya 'yung papel pagkatapos mabasa. Hohoho. Pikon.
Kahit nakikinig ako at kay Sir nakaharap, nakikita ko through side glance na nakaharap siya sa'kin at mukhang galit si Koyang. Whatevs, lakumpake, siya 'tong nauna. Pero ayun, lumingon ako. Akala ko, magugulat siya sa pagharap ko, but I was wrong, ako ang nagulat sa pagharap ko sa kanya.
"What?" halos patili ko nang sabi. Siyempre, instant center of attraction ang lola niyo. Nagulat talaga kasi ako na siya ang katabi ko. Si Zac.
***