Chapter 4:
"Hi, Sam." he said, tipid 'yung ngiti niya. Nahihiya 'ata ang kumag na 'to. Like, hello? Dapat lang na mahiya siya sa'kin. Ang kapal niya. T.T
Awkward ang atmosphere. Pinagtitinginan lang kaming dalawa ni Tricia. Ngingiti-ngiti ito na parang tanga. Girl, isa pang sulyap sa'kin nang nakangiti, papuputukin ko 'yang bumbunan mo. Nakakairita, ah?
"I knew it. Tama talaga ako. Hahaha." she said while laughing. Mukha siyang mayamang sugalerang nanalo matapos ang ilang pagkakataon ng pagkatalo. Oh well, basta, she was laughing like an irritating bitch. -.-
"You knew what? Tawa ka nang tawa, mukha kang loka-loka." sabi ko na lang. Medyo naghihinala na yata siya. Hoe nowz! Hindi dapat.
"Ex mo si Greg, 'no?" diretsang tanong niya.
WTF. WTH. WTFH? Huhuhu. I'm doomed. I'm not good at times like this. Hindi ako magaling na liar. *faints* Chot lang. Ugh. What do I do?
"F*ck you." mahina kong sabi kay Tricia sabay tayo at takbo palayo sa kanila.
Ajujuju. Mukha akong wasted. Bwisit naman kasi, Chapter 4 pa lang, alam agad ni Tricia? Srsly? *stabs myself with a pencil* Ouch. Char lang. De, nababaliw na talaga ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sana lamunin na lang ako bigla ng kahit anong halaman dito nang makarating ako ng Encantadia.
Rescue me! T.T
---
*POV ni Greg*
"Like what was that? So si Sam 'yung kinukwento mo sa'kin, Goryo?" tanong sa'kin ni Tricia. Nablangko ako bigla. Tingin ko galit pa rin sa'kin si Sam.
Tumango na lang ako. Simbolo ng pagsang-ayon. Ilang taon na ba 'yun? Matagal na ring panahon ang lumipas pero parang wala pa ring nagbabago. Nakakulong pa rin ako kay Sam. Still haunted by the memories of her leaving me. Ang bading ko lang pakinggan, but I love her so much. Tangina lang talaga ni Zac. Siya ang may kasalanan nito, e. But yeah, past is past, wala na akong magagawa.
What was it like back then? Masaya kami ni Sam. Kung hindi lang siguro ako nagpadala sa trip ni Zac, nasa akin pa si Sam.
Ayoko nang mag-necromance. Nakakatamad bumalik sa kahapon saka babalik ulit sa hinaharap nang parang wala ka naman talagang ginawa. That's just so deep. Pero nasasakyan niyo naman ako, 'di ba? Anyway, pasensya na, ha? Hindi ako kagaya ni Chad at Cross o ng kung sinumang leading man na nababasa niyo rito. Medyo strong ang personality nila, e. Ako medyo mahina. Well, when it comes to Sam.
Ay, kausap pala ako ni Tricia. Alalay ko 'yan si Tricia. LOLjk. De, kaibigan ko 'yan, kahit alam kong may pagnanasa siya sa'kin. OA lang talaga mag-introduce 'yan sa'kin kasi hinahanapan niya ako ng lovelife. Akala niya kasi, hindi ko kilala si Sam. Iyon ang pagkakamali niya. Dahil kilala ko, e. Kilalang-kilala.
---
*POV ni Zac*
Napakailap naman ng babaeng 'yun. Pero, shet, simple pero ang ganda. Ang sarap ikama. 'Di bale, makukuha ko rin naman 'yun panigurado. Ako pa ba? Si Zac Falcon yata 'to.
Sam, Sam ang pangalan nu'ng babae. Mukhang pakipot talaga. Pero mas nakaka-challenge, mas nakakagigil. Ganyan lang naman 'yang mga babaeng 'yan, they usually act like mailap sila, but as soon as you get them in their weakest points, presto! You'll have them in bed.
Teka, teka. Ito siya tumatakbo. Parang galing sa cafeteria.
"Cranky!" tawag ko sa kanya.
At ayun, tumigil sa harap ko, masama ang tingin sa'kin. Ang galing talaga maglaro nito, e. Playing hard-to-get, baby? Hell yeah, daddy likes that.