Spring

77 1 1
                                    

Media Grid: SONAMOO's Deja Vu MV and Minjae



Winter


"Papa! Nandito na po ako." Bati ko kay Papa pagkapasok ko ng bahay. Isinara ko agad ang pinto at tumakbo paakyat sa kwarto ko.

Ipinatong ko sa study table ko ang bag ko at naupo sa upuan. Katabi ng study table ko ang cabinet ko at bookshelf habang nasa kabilang bahagi naman ng kwarto ko ang aking kama at bedside table.

Napatigil ako sa pagkuha ng notebook at pencil case ko sa bag nang mapansin ko na wala sa bedside table ko ang music box na ibinigay sa akin ni Mama. Tumayo ako at lumapit sa bedside table para tingang mabuti.

Binuksan ko ang drawer nito ngunit wala. Itinaas ko yung mga unan sa kama ko at sinilip ang ilalim pero wala din. Sinubukan ko ding tingnan ang cabinet, bookshelf at kung saan pa mang pwedeng mapaglagyan ng music box na 'yon. Napabuntong-hininga ako. Saan ko o kaya ni Papa nailagay 'yon?

Napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto at bumaba para hanapin ang music box sa sala at sa huli, lumapit na ako kay Papa para magtanong kung nakita niya ba yung music box. 


"Papa."

"Bakit, 'nak?" Sinilip lang ako ni Papa saglit bago niya uli ituloy ang paghahanda sa lulutuin nyang hapunan namin.

"Nakita niyo po ba yung music box?" Tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pagkuha ng chopping board dahil sa tanong ko.

"Hindi. Wala ba sa kwarto mo?" Sagot niya. Umiling ako at napayuko. Tiningnan niya naman ako nang may lungkot sa mata.


Hindi pwedeng mawala 'yon. Ang music box na lang na 'yon ang natitirang gamit sa amin ni Mama mula nung mamatay siya. Tatlong taon na ang nakakalipas, sampung taong gulang pa lang ako, nang mamatay si Mama dahil sa sakit. Hindi ko akalain na 'yong gabi na 'yon, kung kelan masaya kami ay ang huling beses na makakasama namin si Mama. Nagising na lang ako kinabukasan at naabutang umiiyak si Papa habang yakap ang walang buhay na katawan ni Mama.

Matapos ilibing si Mama ay ibinenta ni Papa ang lahat ng ari-arian namin pati na din ang bahay na ipinundar nila ni Mama. Tanging ang music box na lang na 'yon ang nadala ko noong lumipat kami dito sa probinsya para magsimula muli kaya naman hindi pwedeng mawala 'yon.


Inangat ko ang ulo ko at umagaw ng pansin ko ang bukas na pinto namin dito sa likuran.

"Pa, saglit lang." Hindi ko na hinintay matapos ang sinasabi ni Papa at agad na lumabas sa pinto. Paalala lang naman niya 'yon na bumalik ako bago mag-hapunan.

Ilang buwan na ba akong hindi napupunta sa likod-bahay namin? Hindi ko kasi akalain na magiging busy ang high school. 

Sinilip ko saglit ang wooden bench sa gilid ng pinto na lagi kong tinatambayan noong bakasyon, baka sakaling napadpad dun ang music box bago dumiretso sa mapunong bahagi ng likuran ng bahay namin. Wala din naman doon.

Hindi ko alam kung gubat ba talaga itong likod ng bahay namin o isang malaking lote na lang na may napakadaming puno. Tumuloy ako ng paglalakad papunta sa loob ng gubat. Buti na lang at suot ko pang sapatos ko dahil basa ang sahig. Halatang natutunaw na ang mga naipong snow sa lugar na ito. Sa wakas patapos na din ang winter.

Hindi naman gaanong kalakihan ang mga puno dito. Kita pa din naman yung sinag ng palubog na araw kapag tumitingala ako. Hindi rin gaanong masukal. Siguro madalas ding pumunta yung ibang tao dito.

Makalipas ang lima mahigit pang  paglalakad-lakad ay naisipan ko ng bumalik sa bahay nang marinig ko ang mahinang tunog ng music box. Nagpalinga-linga ako at pinakinggang mabuti kung saan nanggagaling yung tunog. Agad akong nagtungo sa direksyon na kung hindi ako nagkakamali ay pinanggagalingan ng tunog.

Lalong mas nagiging malinaw ang tunog habang papunta ako sa direksyon na 'yon. Ngingiti na sana ako nang maalala ko na sira nga pala ang music box na iyon bago pa man mamatay si Mama kaya agad akong kinilabutan at napatigil sa paglalakad.

Pinakinggan ko ng maigi yung tunog. Hindi kaya nagkamali lang ako ng dinig? Baka naman halos pareho lang sila ng nota? Ilang taon na rin noong huli kong marinig ang tunog na nagmumula sa music box kaya hindi ko din sigurado.

Naglakad pa ako ng kaunti hanggang sa masilayan ko ang isang tao na nakaupo sa isang natumbang puno. Lumapit pa ako nang kaunti hanggang sa makumpirma ko na sa kanya nanggagaling yung tunog. Hindi yung music box yung tumutunog kundi yung babaeng nakaupo ang humingig ng tunog noong music box. 

Pinanood ko siya habang ginagawa 'yon. Hawak-hawak niya 'yong music box at bakas din sa mata niya ang pagkatuwa. Mayroon siyang dark brown na buhok na lagpas sa kanyang balikat at nakasuot siya ng green floral dress. Hindi ko alam kung talaga bang kumikinang yung damit niya o hindi. Hindi ko din makumpirma dahil may suot pa siyang cloak sa ibabaw ng dress na iyon.

Ilang sandali na rin pala akong nakatitig sa kanya at nang mapatingin uli ako sa mukha niya ay bakas na dito ang pagkagulat. 

"Ah! Pasensya na." Agad niyang ibinababa ang music box at itinaklob ang hood ng kanyang cloak.

"Miss, ano-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sa kanya, ni hindi ko din masyadong nakita ang mukha nya dahil agad siyang nagtatakbo palayo. Noon ko lang din napansin na nakayapak pala siya.

Agad ko siyang hinabol. Tumatalsik yung mga natunaw na snow sa bawat pagbagsak ng mga paa namin sa sahig. Binilisan ko ang takbo ko ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko siya maabutan at nang lumiko siya para umiba ng direksyon ay hindi ko na siya nakita.

Nilibot ko ang tingin ko at naglakad pa ng kaunti. "Miss!"

Imposibleng mawala siya agad. Isang puno lang naman ang humarang sa kanya noong lumiko siya pero nawala na agad siya. Wala din naman siya sa likod ng punong iyon.

Sa huli, napagdesisyunan ko na ding bumalik nang mapansin na dumidilim na. Baka patapos na din magluto si Papa. Dinaanan ko na din yung music box doon sa inuupuan nung babae kanina bago dumiretso sa bahay.

Buti na lang at nasa tapat na ako ng bahay nang magsimulang magsisigaw si Papa ng pangalan ko. Agad ko naman siyang tinugon at sinabing susunod na ako.

Bago pumasok sa loob ng bahay ay tumingin ako direksyon ng gubat at sa music box na hawak hawak ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba si Papa sa ikekwento ko sa kanya ngayon.



Spring and Fallen Leaves [SONAMOO FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon