Chapter 21
*War At Its Best*
"Tsk. Pre pwede pakialala na wag na wag na natin pagtitripan ng ganun si Ave?" Iritadong sinabi ni Justin kina Aaron at Keith habang pinagpapatuloy ang paghahanap sa bagong pinuno ng kalaban nilang gang.
"Bwiset kasi yung si Princeton! Malaking pahamak amputa!" Bulalas naman ni Keith.
Kinunutan ng noo ni Aaron ang tatlo. "Pwede ba manahimik na lang kayong dalawa?! Tangina lahat tayo may kasalanan mga gago! Sisihan pa kayo diyan punyeta. Hindi rin naman natin sinabi kay Ave na nandun na yung kanina pa nating hinihintay."
"Basta pahamak yung Princeton na yun. Pag talaga makita ko yun sa labas ng campus at wala ng hadlang, ipapa ambush ko yung gago." Irita pa ring sabi ni Keith habang patuloy naghahanap ng mga leads tungkol sa Red Dragon.
"Baka magawa mo, Ventura. Para lang malaman mo, mayaman din ang kupal na yun. Hindi kung sino-sinong sampid na napasok na lang bigla dahil scholar. Pareho rin natin si Princeton na nasa elite. Buti sana kung may alam tayo kahit konti sa personal na buhay niya. Eh wala naman. So paano ka ngayon? May ambusg ka pang nalalaman diyan baka ikaw ma ambush nun. Umayos ka nga." Tinitingnan niya rin lang ang mga code na tinatype ni Aaron para makapasok sa system ng kalabang gang.
"Gago!" Singhal ni Keith.
"Pwede ba manahimik kayo?! Wala na nga kayong natutulong ang gulo niyo pa. Amputa eh kung lumabas na lang kaya kayo at try niyo hanapin yung lintek na account ni Princeton sa social media?! Langya! Baka akala niyo may nagagawa pa ko dahil sa ingay niyo? Hindi pa tayo abswelto kay Ave kaya kung mga wala kayong balak sa buhay tangina lumabas na kayo at ayoko magaya sa inyo na pwedeng malagay ang pangalan sa Death Book." Galit na sinabi ni Aaron at tinuro ang pintuan.
Alam ng buong Black Cerberus kung ano ang Death Book. Dito nilalagay ang listahan ng lahat ng kailangan nilang patayin. At pag napatay na, may pumapalit o dinadagdag. Pero ang pinakasinusunod na patakaran ng gang ay hindi o walang sinuman ang pwedeng magtangal ng kahit sinong pangalan sa listahan. Ang may kaya lang gumawa nito ay ang kanilang pinuno, ang Queen. Pero hinding hindi pa ito nangyayari.
Napatingin naman ang dalawa sa isa't isa bago ngumiti ng nakakaloko. "Salamat talaga, pre. Grabe ka rin pala kapag nagalit. Tumatalino ka at may naitutulong." Ani Keith.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi ako matalino ganun?! At walang natutulong? Bakit kayo ba may naitulong ha mga kupal kayo at kung makapagsalita... Tangina niyo ah!" Asar na asik ni Aaron kay Keith habang hindi pa rin tinitigilan ang underground account ng Red Dragon. Kung siguro'y hindi ito nagkakalampag makahanap ng lead ay kanina niya pa siguro nabugbog ang dalawa sa sobrang irita niya sa mga ito.
"Hindi naman. Ang ibig lang naming sabihin ay salamat at nagalit ka kaya nabigyan mo kami ng solusyon para sa problema."
"Putang ina! Hindi ba talaga kayo titigil!?" Dinampot ni Aaron ang iPhone6s niya at tinawagan si Ave.
"Oh sino nanaman yang tinatawagan mo? Magsusumbong ka ba kay tita? O kaya naman kay special someone? Hahahaha! Grabe pre takot kami pramis!" Tawa nila Justin.
Hindi ito pinansin ni Aaron at nagsalita sa mic ng kanyang cellphone. "Queen." Salita niya sa cellphone. "Yes it's me, Dos."
Bigla naman nanigas ang kanina pang tumatawang sina Justin at Keith. "Shit." Napamura sila ng mahina.
At para mas matakot ang dalawang kaibigan nito, ni loudspeaker niya pa ito.
"What is it Zaragosa? Did you finish hacking their system like I told you to?" Narinig din nila sa background na tila nasa isang meeting ito sa kasalukuyan.
BINABASA MO ANG
Chasing Death. Killing Love. [ HIATUS ]
Ficção AdolescenteLet's start the love... Death chase rather of this bloody story. Whoever falls, doesn't lose. They'll just DIE. Fuck luck when you have the guts to not get killed and face hell earlier than you think. Who the fuck cares? In this world, I'm already i...