Chapter 2

35 1 0
                                    

+++++++++++++++++

(Fixing a Broken Heart)

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
#How to fix a broken heart:

Phase 1: Step 1

Enter her world
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

( Mina's POV )

"Hoy! Mina ano ba? Di ka ba titigil sa kaiiyak dyan? Ha? Hahampasin kita eh kita mong nanunuod ako ng anime dito wala akong marinig kundi yang hagulgul mo, palalabasin kita eh!" Sabi ng kadorm-mate ko na si kara

"Che!!! Edi magheadset ka *hikbi * para di mo marinig * singhot *  yung pag-iyak ko * hikbi * " sagot ko sa kanya. Aba badtrip siya nag eemote ako dito eh hayup kasi yung baklang yun tengna niya manloloko siya! Hayup!

" Ano bang iniiyak-iyak mo dyan ha? Langya! episode 10 na ako oh dalawang episode na lang tapos na pwede patapusin mo na muna ako bago ka magmala MMK dyan ha? pwede? " sabi niya habang nakatitig parin sa pinapanuod niya at seryosong seryoso yung mukha niya.

"Ayoko!!! Gusto kong umiyak eh!!!" Sabi ko ng pasigaw.

Bigla siyang tumayo at humarap sakin ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Anong gagawin niya sakin? Bigla akong napalunok ng laway.

" * buntong hininga * alam mo itulog mo na lang yan. Sinasayang mo lang ang luha mo sa isang lalaking di ka naman mahal at never kang minahal"
Sabi niya habang nakatitig lang sakin.

Biglang may pumasok sa alaala ko.

*************

"Its not worth it. Your tears should not be wasted for some stupid guy who doesn't love you and never did love you and do nothing but hurt you. Bakit ba iniiyakan niyo palagi yung mga taong nananakit sa inyo? For what is it worth?"

                                                       **************
Bakit biglang pumasok sa utak ko yung pinagsasabi nung lalaking epal na yun kanina?

"Matulog ka na. Wag mo ng iyakan yung lalaking yun dahil sigurado akong di ka rin naman iiyakan nung sira ulong yun. Magpahinga ka na alam kong pagod ka na sa kaiiyak"
Ngumiti siya pagkasabi niya nun at niyapos niya ako kaya niyapos ko din siya at niyapos ko siya ng mahigpit na mahigpit.

Ang bait talaga nitong babaeng to pagdating sakin nagiging mataray lang talaga to pag nanunuod ng anime, adik eh! pero alam kong di niya ako matitiis dahil alam kong mahal niya ako kaya mahal ko din tong babaeng to kahit mahigit isang taon palang kaming magkadorm-mate kaya nga best friends kami eh.

"Sige na. Tama na ang kadramahan. Matulog na tayo at may pasok pa tayo bukas atsaka bukas ko na lang din tataposin tong pinapanuod ko. Sige na. Matulog ka na. Oyasumi nasai mina-chan ^-^ " sabi niya habang inaayos niya na yung laptop niya na pinapanuodan niya kanina.

"Teka ka! Ano bang ibig sabihin nun?"
Tanong ko

"Ng alin?" Sagot niyang tanong sa tanong ko

"Yung oya-oya-oyas-oyasu------"
Siya na ang tumapos sa sasabihin ko.

"Oyasumi nasai?" Tanong niya ulit.

Nakaupo na siya sa kama niya at tapos na niyang itabi yung laptop niya.

"Oo" sagot ko

"Secret!!! hahah basta! wala yun. Matulog ka na!" Sagot niya

"A.a ang daya mo naman eh" reklamo ko

Fixing A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon