Chapter 5

25 0 0
                                    

+++++++++++++++++

(Fixing a Broken Heart)

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
#How to fix a broken heart:

Phase 1: Step 1

Enter her world
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

( mina's POV )

"Oi! Ano na? Tara na!" Yaya ko kay ka

"Seryoso ka ba talaga na pupuntahan mo siya?" Tanong ni ka habang kumakamot sa ulo

"Oo nga. Aba pang sampung beses mo ng tinanong yan ah. Ano bang problema mo?" Tanong ko.

Aba nakakapagtaka naman eh. Kanina lang sabi niya dadalhin niya ako sa room nung yuki na yun tapos ngayon aayaw naman. Ano bang meron sa babaeng to ngayon?

"Wag na lang!" Umupo pa siya sa upuan niya.

"Wag na lang natin siyang puntahan" dagdag niya pa

"Ha? Bakit? Ano bang problema?" nagtatakang tanong ko.

Napakamot ako sa ulo

"Wala naman kaso---"
"Kaso ano?" Di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

" *sighs* wala tara na" sabi niya tapos tumayo na siya at hinila ako palabas ng room.

Ano bang problema ng babaeng to?

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

( yuki's POV )

Katatapos lang ng first class namin ngayong hapon. Haixt... Ang boring ng klase hahah. Nakaupo lang ako sa upuan ko habang nakaheadset at nagsosoundtrip ng bigla akong kuhitin ni kendra.

"Oi!" Sabi niya

"Oh? Problema mo?" Tanong ko

"Bakit ka late kanina?" Seryosong tanong niya.

Nakatingin siya sa mukha ko at hindi niya inaalis ang tingin niya. Problema nito? Tinitigan ko din ang mukha niya. Hinahamon ata ako eh.  Patulan ko nga hahah

"Bakit ba gusto mong malaman?" Tanong ko.

"Wala lang, curious lang ako" sagot niya habang nakatingin parin sakin weird!!!

"Edi wag mo na lang alamin. Curious ka lang pala eh!" Sabi ko atsaka ko iniwas ang mukha ko sa mga titig niya.

"Atsaka concern ako!" Bulong niya pero narinig ko

Tumayo ako at naglakad palabas ng room narinig ko pa siyang tinawag ako pero di ko na pinasin. What the?

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

( mina's POV )

"Andito na tayo. Yan ang room niya" sabi ni ka habang tinuturo yung room kung san nandun daw si yuki.

"Sigurado kang dito yun?" Tanong ko habang sinisilip ang mga nasa loob nung room.

Section 1-S??? Section 1-S yung yuking yun? Wow!!! Ang talino nga niya halos nasa less than 15 lang ang nakakapasok sa section 1-S sa lahat ng year. Sila na ang pinakang matalino sa lahat ng section sa bawat year.

"Oo nga! Ano hindi ka pa ba pupunta dun para mag pasalamat?" Tanong niya.

"Ano.... Eh.... Ano........ Wag na lang pala heheh" sabi ko atsaka ako tumalikod at mag uumpisa na sanang lumakad palayo dun sa room kaso humarang si ka sa daan.

"Hindi pwede. Andito na tayo eh. Atsaka diba magpapasalamat ka?" Sabi niya habang nakapamewang sa harap ko.

"Oo nga. Pero kasi ano..... Eh..... Ano....----"
"Ano?" Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

"Ano kasi....." Napayuko ako

"Nakakahiya heheh" sabi ko habang nakayuko.

"Nakakahiya? May hiya ka pala? Hahah XD" bigla siyang tumawa ng malakas.

Napaangat ang ulo ko at tiningnan siya ng masama.

"Anong akala mo sakin? Walang hiya?" Tanong ko habang tinitingnan siya ng masama at siya tawang-tawa parin.

"Oo eh! Hahahahahahahahahah XP" lalo pa niyang nilaksan ang tawa niya.

"Che!!! Tumigil ka nga baka mapagkamalan ka pang baliw dito!" Sabi ko

"Hahah oh ano na? Punatahan mo na siya at mag pasalamat ka na.!" Sabi niya habang nakapamewang parin.

"Wag na nga lang. Alis na tayo dito!"  Sabi ko

"Magpasalamat ka muna!"

"Nahihiya nga ako!"

"Wew? Hahah XD" tumatawa na naman siya.

Baliw na ata to eh....

"Ewan ko sayo! Tara na kasi!"

"Hahahahah bakit ka namumula? Hahah XD ang cute mo pala pag nahihiya eh hahah XD" tinawanan niya pa ako lalo.

e.e? Namumula ako? What the? Sheets.... Ang bilis ko talagang mamula pag nahihiya. Lalo tuloy akong nahihiya. Baka mamaya mag muka na akong over riped na kamatis dito eh.

"Tara na kasi ka! Please!" Pagmamakaawa ko habang nakayuko na ulit.

Nahihiya ako. Baka may makakita sakin habang namumula ang mukha ko pag tawanan pa ako.

"Hahah oo na. Oo na. Babaeng kamatis hahahah XD" pang-aasar pa lalo ni ka.

"Umayos ka na ng tayo mo at tayo'y umalis na di---"

Biglang napahinto si ka sa pagsasalita kaya agad kong inangat ang ulo ko.

"Hoy ka! Problema mo?" Tanong ko sa kanya.

Nakatulala siya at nakanga-nga.... Hindi niya ako pinansin.

"Yuki?" Sabi ni ka na parang nakakita ng anghel.

Alam niyo yung sa mga movies? Yung pag may moment na nakita ni babae yung crush niya tapos nag slowmo ang lahat at nakafocus lang ang tingin niya dun sa lalaki tapos wala siyang ibang nakikita kundi siya lang tapos meron pang parang kumikinang na background. Iimagine niyo ganun yung nangyayari kay ka ngayon......   TEKA!!!!!.........
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.YUKI???............

Slowmo akong lumingon at tumingin sa lalaking tinawag ni ka na yuki......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
What The??????????

* nga-nga*

"Ikaw?????"

++++++++++++++++++++EndOfC5

Readers... If meron...... hahah....

Kamusta??? ^-^..... Nagustuhan niyo ba ang chapter na to? Hahah XD

                                                    -yours truly
*TheLastKid ^-^

Fixing A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon