Chapter 4

26 0 0
                                    

+++++++++++++++++

(Fixing a Broken Heart)

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
#How to fix a broken heart:

Phase 1: Step 1

Enter her world
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

( yuki's POV )

"Oi. Bakit ngayon ka lang?" Bulong ng katabi ko sa upuan na si kendra pagkaupo ko.

"Ah wala. Tinanghali lang ako ng gising" sagot ko

"Bulaan!" Bulong pa niya habang seryosong nakikinig kay ma'am pasya.

Kararating ko lang sa room at halos 30 mins. na akong late sa klase ni ma'am pasya mabuti na lang at nakatalikod siya at nagsusulat sa board kaya nakalusot ako at hindi ako mabubungangaan. Hindi naman kasi nagchecheck ng attendance si ma'am eh kaya ligtas na ako.

"Never ka pang nalate sa klase ni ma'am pasya, dahil takot kang mabungangaan, ngayon lang. First time!"

Bigla siyang tumingin sakin at agad din namang tumingin ulit kay ma'am

"Di ako takot noh!" Sabi ko tapos nagulat ako ng biglang tinawag ni ma'am ang apelyedo ko.

"Mr. Sandoval!!!" Sabi ni ma'am habang nakapamewang at nakatingin sakin.

Patay!

"Ah... Yes po ma'am?" Tanong ko kay ma'am pagkatayo ko.

Bigla akong kinabahan. Halos lahat nakatingin sakin pati na rin si kendra tapos yung iba mukang nagulat.

"Please solve the problem on the board" Tanong ni ma'am

Pweeeewww.... Akala ko mabubungangaan ako, mabuti na lang di napansin ni ma'am na ngayon lang ako dumating sa klase niya.

"Ahmm yes po ma'am"

Maglalakad na ako sa unahan ng marinig ko ang bulong ni kendra...

"Hindi daw takot eh!"

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

( mina's POV )

"Oi! Ka! Gising!" Bulong ko sa tenga ni ka habang iniyuyugyog siya.

Nakatulog siya sa upuan habang binabantayan ako dito sa clinic. Ang thoughtful talaga nitong babaeng to tulog mantika nga lang.

"Hoy! Gising na!" Bulong ko pa ulit habang niyuyugyog pa siya lalo.

"Hhmm..." Ungol niya.

Binaling niya ang ulo niya sa kanan tapos biglang may nahulog sa sahig. Nahulog yung cellphone niya. Tapos nung pupulutin ko na nagulat ako sa nakita ko.

Teka! Parang kilala ko tong lalaking nasa wallpaper niya, parang namumukaan ko to. Kung hindi ako nagkakamali ito yung lalaking nakita ko sa park. Ito yung lalaking epal na panira ng moment tapos inglesero pa. Ito nga yun, pero bakit siya ang nasa wallpaper ni ka? Sila ba?

"Oi! Anong ginagawa mo dyan? Akin na nga yan!" Natatarantang sabi ni ka pagkatapos ay kinuha niya agad sa kamay ko yung cellphone niya.

"Gising ka na?" Tanong ko

"Di ba obvious? Nabulag ka na ba mi?" Tanong niya habang nakatingin sa cellphone niya at nagpipipindot.

"Sino yung lalaki sa picture?"

"Ha? Aling picture?" Tanong niya pagkatapos niyang sumulyap sakin at magpipindot ulit sa cellphone niya.

Parang nag-iba ang boses niya ng dahil sa tanong ko. Para siyang nahihiya na kinakabahan. Mukang may itinatago siya sakin at nahihiya siyang sabihin.

"Yang nasa wallpaper mo? Sino yan? Boyfriend mo?"

"Ah ano.... Wala yun! Basta! Wag mo ng alamin!" Sagot niya.

Namumula yung mukha niya hahah yare to sakin ngayon. Kukulitin ko to ng kukulitin tapos aasarin ko pa ng aasarin hahah. Ganti to sa pagtataray niya sakin.

"Weh? Sabihin mo na. Sino nga yan?" Pangugulit ko pa.

"Wala nga!"

"Sino nga?"

"Wala nga!"

"Sino nga?"

"Wala nga sabi eh! Ang kulit naman eh!"

Lalo siyang namumula. Sarap palang lokohin nito eh hahah may maipanglalait na ako sa kanya ngayon hahah ewan ko lang kung makapag-taray pa siya sakin ngayon.

"Pwede bang wala? Ano yan Alien? Walang pangalan!" Batos ko pa.

"Hindi siya alien, gwapong-gwapo nun, alien?" Pangbabara niya

"Eh sabi mo walang pangalan eh kaya baka alien siya. Sino ba kasi yan? Ha? Bakit ayaw mong sabihin sakin kung sino?" Tanong ko pa ulit.

Mukha na siyang naiirita at naiinis.

"Wala nga kasi" sagot niya

"Sabihin mo na kasi ka! Sige ka. Di tayo aalis dito hangga't di mo sinasa----" "Yu-san!!!! Ano? Ok na? Sinabi ko na masaya ka na? Ngayon alis na tayo dito nagugutom na ako!" biglang sangat niya sa sasabihin ko pagkatapos ay kinuha niya na ang bag niya at lumabas na siya ng kwarto.

Grabe siya oh! Iniwan ako dito eh may itatanong pa ako sa kanya, loko talaga yung babaeng yun. Yusan??? Sino naman yun? Boyfriend niya nga kaya yun?

++++++++++++++++++++EndOfC4

Readers... If meron...... hahah....

Hi ^-^..... Hahah XD

-yours truly
*TheLastKid ^-^

Fixing A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon