Chapter 9

23 0 0
                                    


+++++++++++++++++

(Fixing a Broken Heart)

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
#How to fix a broken heart:

Phase 1: Step 2

Be her friend
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

( mina's POV )

" mi. Ok ka lang? " tanong ni ka

" ha? Ah oo. Oo naman ka " sabi ko atsaka ako ngumiti

Nandito kami ngayon sa room nag-aayos ng gamit dahil katatapos lang ng klase namin at pauwi na kami.

" tara na? " tanong ni ka ng nakangiti

" ah ano kasi ka. Balak ko sanang dumaan muna sa park "

" ha? Bakit? " medyo nagulat siya

" ahmm. Gusto kong mag-uli heheh " palusot ko

" edi sasamahan kita "

sabi niya atsaka siya naglakad palabas ng room tapos tumigil siya ng malapit na siya sa pintuan

" ano? Tara na! " sabi niya

" a.a naman ka eh. Gusto kong mag-gala mag-isa "

sabi ko atsaka ako tumakbo palapit sa kanya at sabay na kaming maglakad

" eh bakit ba? " tanong niya habang nakatingin lang sa nilalakaran

" eh wala lang. Basta. Naman eh. Sige na. Payagan mo na ako "

" anong oras ka uuwi "

" hindi ko alam heheh pag natripan ko na hahah "

Napatingin siya sakin

" loko ka! Pano pag may nangyari na pala sayo dun? Ha? Tapos di ko alam "

" hindi yun. Anh nega mo naman ka eh. Tiwala lang hahah "

" eh bakit nga kasi gusto mong pumunta sa park ng mag-isa? "

" eh kasi nga gusto ko lang magpahangin, gusto kong mapag-isa at saka... Basta. Alam mo na yun"

" gusto mong magwala? Maglabas ng galit? magpakasabog? "

" parang ganun "

" oh tamo. Kaya ayaw kitang payagan kasi baka gawin mo yun at pag ginawa mo yun malamang sa malamang posibleng may mangyari sayong di maganda "

Malapit na kami sa labas ng school

" ano ka ba ka? Ang oa mo! Kaya ko sarili ko, wag kang masyadong nag-aalala hahah atsaka di naman ako mag-iinom o magdadrugs dun eh magpapahangin lang talaga ako "

"Edi sa dorm ka na lang magpahangin "

Nasa labas na kami ng school

" ewan ko sayo ka. Geh na. Aalis na ako. Ingat ka ka ^-^ " sabi ko kay ka ng nakangiti atsaka ako tumakbo palayo

" hoy mi! Mag-iingat ka! Umuwi ka ng maaga! " sigaw ni ka

" opo ma'am " sigaw ko rin at tuluyan na akong nakalayo sa kanya at nagsimula na akong maglakad papunta sa park

+++ +++
{ Park }

Andito ako ngayon sa dulong part ng park, nakaupo ako ngayon sa damuhan sa harap ng isang malaking pond, bibihira na ang mga tao na tumatambay dito sa part na 'to ng park kaya dito ko naisipang tumambay. Bukod sa walang tao kundi ako, dito tahimik, tanging ingay lang ng tubig sa pond at mga huni ng ibon ang maririnig, masarap ang hangin, at higit sa lahat dito nakakarelax, nakakawala ng pagod, ng stress, ng sama ng loob, ng galit at ng lungkot, dito solo ako at pakiramdam ko nasa isa akong paraiso. Huminga ako ng malalim at saka ako pumikit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fixing A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon