Chapter 10 : Double Battle

121 2 4
                                    

Previously..

"Teka kasama si Ej at Cyra?" Tanong ko na may halong pagtataka..

"Hindi..yung isa lang sa kanila..soo..sino gusto mong kasama,si Ej..o si Cyra?" Paliwanag ni Masky sakin..

"Uh..si..."

___________________________________________

((Y/n)'s POV)

"Uh..si...EJ." Sagot ko sa tanong ni Masky.

"Well sige good luck (y/n)!" Sabi sa akin ni Cyra habang naka ngiti..

"CYRAA!!" Sigaw ni Slenderman.

"Papunta na sir!..good luck!" Pag kasabi niya nun ay nag madali na siya papunta sa kusina.

"Mukhang tama lang na pinili mo si Ej..busy kase si Cyra eh.." Sabi ni Masky.

Napatingin si EJ sa direksyon ko nag 'kaya natin toh' sign sa akin..

"Soo..tara na?" Pag aaya ni Masky at binuksan ang pintuan para pa unahin kami ni Ej..

Habang nag lalakad kami..nilapitan ako ni Ej at bumulong sa tenga ko..

"Siguradong magiging madali lang ito..teamwork tayo ha..?" Bulong ni Ej sa akin..nag init at nanginig yung katawan ko dahil sa ginawa niya..

"A-ah..sige.." Sagot ko.

"W-Wag nga kayong m-mag lambingan dyan..tsk." Sabi ni Hoodie sa amin ni Ej..

Maya maya ay nandito na kami sa destinasyon namin..tumalikod ako para sana tanungin sila Masky at Hoodie kaso..wala sila..

"Ej! Wala sila Masky at Hoodie!"

"Oo..nararamdaman ko..maging alerto ka lang!" Sabi sa akin ni Ej at nakipag back to back sa akin..

"Nararamdaman mo ba kung--"

"(Y/n)!! Ilag!" Pagkasabi ni Ej nun ay umilag ako dahil nakita ko na sumugod sa akin si Hoodie..

Kinuha ko yung pocket knife at sumugod ako kay Hoodie na may hawak hawak nang kutsilyo..umatake si Hoodie at binalock (block) ko yung atake niya gamit yung kutsilyo ko..Sunod sunod yung atake niya sa akin at patuloy ko yun bina-block..napansin ko na nag increase yung alertness at speed ko habang nakikipag laban ako kay Hoodie..parang 'sword dance' lang yung labanan namin..nung sasaksakin niya dapat ako ng inunahan ko na siya pero..mas mabilis pa rin siya kaya na saksak niya ako sa may tagiliran ko..pinilit ko pa rin na nakatayo at lumaban..

"J-jack..!!" Sigaw ko.

Napatingin ako sa direksyon ni EJ na iniilagan ang nga atake ni Masky..kaya no choice ako kundi labanan si Hoodie ng ako lang..umatras ako at nakipag back to back kay Ej..

"Ej..sabi mo..madali lang.."

"Lumakas na sila ngayon!" Sabi ni Ej.

Humanda kami sa pag atake nila at ginawa namin Ej ang makakaya namin..sa huli..bumagsak ako..dahil sa dami ng dugo na nasasayang..lumapit si Ej sa akin..

"(Y/n)!! Kaya mo pa?!"

"Ej..hindi ako pasado.." Nanghihinang pagkasabi ko..hanggang sa nag black out na yung paningin ko..

"(Y/n)!!! Wag ka mag alala! Ipapasa kita!!"

(3rd Person's POV)

"(Y/n)!!! Wag ka mag alala! Ipapasa kita!!" Sabi ni Ej kay (Y/n) na wala nang malay..

Tumayo si Ej at pinag patuloy ang laban..sumugod siya kay Masky at Hoodie na may halong galit..may naramdaman si Ej na kakaiba..hindi niya alam kung bakit pero inatake niya sila Masky at Hoodie gamit ang scalpel niya..nilabas niya yung mga scalpel niya at hinagis ito sa direksyon ng dalawa..natamaan sa may braso si Masky..sumugod si Ej kay Hoodie at atake siya ng atake habang ilag naman ng ilag si Hoodie..

My Creepypasta Life (CreepyPasta x Reader) (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon