CHAPTER NINE

5.3K 213 31
                                    

HINDI rin ako nakatiis. Pumunta ulit ako sa "lair" ni Calix para silipin siya. Nakita ko naman agad siya sa gilid ng silid na nakaupo sa armchair desk. May naka-cover na namang headphone sa mga tainga niya. Siguro ay nakikinig na naman siya ng lumang love songs. Napangiti ako.

Kung malalaman kaya ni Gilbert na lumang love songs ang pinapakinggan ni Calix sa headphone, ano kaya ang magiging reaksiyon ni Gilbert? Malamang ang iniisip kasi nang marami ay rock o rap music ang pinapakinggan ni Calix sa tuwing naka-headphone siya. Pero hindi pala. Para ring image ni Calix. Alam ng lahat na mapanganib siya pero ang totoo ay hindi naman pala talaga siya ganoon kapanganib.

"Hi! Na-miss mo ba ako?" Tumayo ako sa harapan ni Calix.

Nag-alis siya ng headphone. Mukhang hindi siya masaya na nakita ako.

"Go away," mahina pero mariing utos niya.

"Galit ka ba dahil hindi kita pinuntahan dito these past few days? Naging busy kasi ako, eh. Masyadong maraming projects at saka nag-join din ako sa community service club kaya mas magiging busy ako."

"Wala akong pakialam. Ba't mo ba sinasabi sa akin 'yan?"

"Ang suplado naman nito. Parang sinasabi lang naman."

"Go away. Bumalik ka na lang sa boyfriend mo."

"Boyfriend? Si Gilbert ba ang tinutukoy mo? Hindi ko siya boyfriend, no! Wala akong boyfriend. Kaya ko siya kasama kahapon kasi siya ang leader ng community service club. Ngayon ko lang na-realize na noon pa dapat ako nagpa-member sa club na 'yon. Feeling ko para talaga ako doon, eh. Gusto kong tumulong sa kapwa ko at sa kalikasan."

Biglang pumasok sa isip ko na yayain si Calix na sumapi sa club pero magmumukha lang akong tanga kung gagawin ko iyon dahil imposibleng pumayag siya na sumali sa school clubs, lalo na ang may kinalaman pa sa volunteer works.

Hindi sumagot si Calix pero nakatitig lang siya sa akin. Pagkatapos ay bale-walang ibinalik niya ang headphone sa mga tainga at pumikit. Ganoon lang iyon? Akala ko pa naman ay mami-miss niya ako dahil ilang araw ko siyang hindi kinulit. Akala ko ay nasanay na siya sa presence ko kaya hahanap-hanapin niya ako. Akala ko ay may epekto sa kanya ang halos pagyayakapan namin noong sinagip niya ako sa pagbagsak sa sahig. Hindi nga siguro ako ang dahilan ng pagbabago kay Calix na napapansin ni Magz. Assumera lang nga siguro ako. Baka may ibang babaeng nagpapangiti ng puso ni Calix.

Bigla akong nalungkot sa naisip ko. Parang may kumurot sa puso ko. Kung mayroon nang babaeng nagpapatibok sa puso ni Calix, kailangan ko nang itigil ang ginagawa ko. Kailangan ko na siyang layuan.

Malungkot na bumuntunghininga ako at pinili na lang na tumalikod at humakbang palabas ng silid pero bago ako makalabas sa pinto ay narinig ko ang pagtawag ni Calix sa pangalan ko.

Natigil ako sa paglalakad. Nanlaki ang mga mata at napanganga. Hindi ako makapaniwala. Binanggit ni Calix ang pangalan ko! Lumingon ako at nasalubong ko ang tingin niya. Wala na uli sa tainga niya ang headphone.

"T-Tinawag mo ako sa pangalan ko?" turo ko sa sarili.

"Anong gusto mong itawag ko sa 'yo?"

"Ngayon mo lang kasi binanggit ang pangalan ko." Ang sarap palang pakinggan ng pangalan ko kapag si Calix ang bumanggit. Lumapit ulit ako sa kanya. "Bakit mo ako tinawag?"

"Pumunta ka sa malapit na park ngayundin."

"Bakit?"

"Bumili ka ng cotton candy. Iyong pinakamalaki. Tapos hintayin mo ako sa fountain area." Pagkasabi niyon ay muling ibinalik ni Calix ang headphone at tumayo na. Hindi na ako nakahuma habang sinusundan siya ng tingin palabas ng silid.

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon