CHAPTER NINETEEN

3.6K 122 2
                                    


DALAWANG araw nang hindi pumapasok si Calix at hindi ako kinokontak o sumasagot sa tawag ko. Nakasalubong ko si Magz at naglakas loob akong itanong kung nasaan si Calix pero sinabihan niya akong "Stay away from him, bitch." Halatang galit siya sa akin.

Mukhang nakarating na sa mga miyembro ng Mercurial ang nangyari. Mukhang naramdaman na ng gang ang epekto ng ginawang pagluhod ni Calix sa miyembro ng Ruckus Gang. Siguradong disappointed sila kay Calix at ako ang dahilan kung bakit nasira ang reputasyon ng lider ng Mercurial.

Naglakas-loob akong pumunta sa tambayan ng Mercurial pero bago pa ako makarating doon ay nakasalubong ko si Tony at sinabi sa aking huwag na akong lalapit sa teritoryo ng Mercurial dahil mainit sa akin ang buong gang. Ako raw kasi ang dahilan kung bakit pinagmukhang gago ni Calix ang sarili niya. Ipinagkalat ng Ruckus ang kuwento sa likod ng pagluhod ni Calix sa larawang nag-circulate sa buong Ruckus at Mercurial. Pinagtatawanan ng Ruckus si Calix dahil isang babae lang daw pala ang naging dahilan para ma-defeat ang lider ng Mercurial.

Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko si Mommy na may kausap. Nagulat ako nang makita si Calix na nakaupo sa sofa namin. Papasok nasa ako para kunin ang atensiyon nila pero natigilan ako sa sinabi ni Mommy kay Calix.

"Umalis ka na, Calix. At huwag na huwag ka nang makalalapit-lapit sa anak ko."

"I'm sorry po. Kasalanan ko po ang lahat. 'Wag po sana kayong magagalit kay Nadine dahil wala siyang kasalanan." Ipinatapat na ba ni Calix kay Mommy na isa siyang gangster dahil sa guilt?

"Umalis ka na at ayoko nang makita ang pagmumukha mo."

"Mommy!" Hindi ko matanggap na sinabihan ni Mommy ng ganoon si Calix.

Tumayo si Calix nang makita ako. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Pumanhik ka sa kuwarto mo, Nadine!" matigas na utos ni Mommy.

"Pero, Mommy, kailangan ko munang makausap si Calix."

"Pumanhik ka sabi!" Niyon lang ako nasigawan nang ganoon ng mommy ko. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Wala akong ginawa buong gabi kundi ang mag-iiyak sa loob ng kuwarto ko. Mukhang iyon na ang katapusan ng pagkakaibigan namin ni Calix. Pinagbilinan siya ng mommy ko na huwag nang lalapit pa sa akin. Hindi ko man lang nasabi kay Calix ang tunay kong feelings para sa kanya.

Hindi ito ang inaasahan kong magiging takbo ng mga pangyayari sa real-life gangster love story ko.

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon