CHAPTER SIXTEEN

4K 150 15
                                    

NOTE FROM THE AUTHOR: If you liked this story, baka magustuhan mo rin yung other books under this series. As of 9/17, may 6 books na ang St. Catherine High at lahat yun ay published na at available na sa bookstores. Sana po makabili kayo ng copy. Thanks! :) -Heart Yngrid


NANG ibigay ko kay Calix ang plastic ng cotton candy ay ngumiti siya at kaagad na nilantakan iyon. Napapangiti ako habang pinanonood siya sa pagkain. Nasa abandonadong building kami na malapit sa park at magkatabing nakaupo sa bench.

"Favorite mo talaga 'yan, 'no?" puna ko.

"Oo. Ito 'yong madalas namin kainin noon sa orphanage. Araw-araw, may nagdaraang cotton candy cart sa labas ng bahay-ampunan. Ang saya-saya namin ng mga "kapatid" ko sa ampunan noon kapag dumadaan na ang cart. I miss those days. Kumusta na kaya sila ngayon? Sana hindi sila nagaya sa kapalaran ko. Sana mabubuting pamilya ang napuntahan nila."

Binuksan ko na rin ang plastic ng cotton candy na para sa akin at inumpisahang kainin iyon. "Siguro naman."

"How's your parents? Siguro mababait ang parents mo."

"Oo naman. Ang mommy ko, napaka-cool. Parang hindi ko siya mommy minsan. Parang bestfriend ko lang na kakulitan. Hindi siya ganoon ka-strict pero maingat siya sa akin sa paraang hindi ako nasasakal. Si Daddy, kalog 'yon. Kapag nasa Pinas siya, palagi kaming nasa lakwatsahan kasi gusto niyang parati akong ipasyal. Nasa Canada siya ngayon. Nagtatrabaho siya bilang engineer pero umuuwi siya twice a year. Dati umiiyak talaga ako kapag aalis na siya pero ngayong malaki na ako, nasanay na ako na nasa malayo siya para magtrabaho para sa amin. Balang-araw kapag nagka-trabaho ako, hindi ko na paaalisin si Daddy. Ako na ang magtatrabaho para sa amin para makompleto kami lagi."

"Masuwerte ka na nagkaroon ka ng parents na tulad nila. Ako, dalawang beses na nagkaroon ng chance na magkaroon ng parents pero twice ring minalas. Kung naging tulad siguro nila ang umampon sa akin, hindi siguro ako naging ganito."

Bumuntonghininga ako. "Hindi talaga perpekto ang kapalaran. At unfair ang mundo."

Tumunog ang cellphone ni Calix. Binasa niya ang text message. Nahagip ng tingin ko ang pangalan ni Maui. Bakit tine-text ni Maui si Calix? Nag-iba ang pakiramdam ko. Nagseselos na naman yata ako.

"Sorry, ha," sabi ko kay Calix nang matapos siyang mag-reply kay Maui. "Nakita ko si Maui ang nag-text sa 'yo. Hindi ko naman sinasadya."

"Tinanong niya lang kung pupunta ako sa tambayan namin mamaya," sabi niya kahit hindi ko naman itinatanong kung ano ang nilalaman ng text message.

"Maganda si Maui," naisip kong sabihin para manubok.

"So?"

"Nililigawan mo ba siya?" naglakas-loob na akong magtanong.

Kumunot ang noo ni Calix. "Hindi. Bakit mo naisip 'yan? 'Di ba sabi ko sa 'yo, magkakapatid kami sa Mercurial?"

Nakadama ako ng relief pero hindi ko ipinahalata. "Pero parang may gusto siya sa 'yo."

"I only see her as a sister."

"Talaga ba?"

"Oo."

"Wala kang nililigawan ngayon?"

"Wala. Sa ngayon, wala pa akong time para doon."

Nagpatuloy ako sa pagkain ng cotton candy. Pigil na pigil ang mapangiti sa relief na naramdaman ko. Napansin kong nakatitig sa akin si Calix. "Bakit?"

"Kumusta na si Gilbert? Nakita ko kayo kahapon na magkausap sa corridor. Akala ko ba binasted mo na siya?"

"Oo. May itinanong lang siya. Hindi na kami tulad noon na madalas magkasama."

I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon