Eroplano

118 10 0
                                    

*kriiiiing-kriiing-kring*

Napamulat ako bigla sa sobrang lakas ng alarm clock ko.

"Please, last 5minutes"

zzzZzzzzZzzZzzzZ

"Meng? oy meng? gising na! anong oras kaba pupunta sa Palawan? 7:00 na!"

Napakuha agad ako ng tuwalya, ng narinig ko ang sinabi ng lola ko.

"8:00am sabi mo kagabi diba? Dalian mo na jan! Pagkatapos mong maligo kumain kana agad ng almusal"

"Doon nalang po ako kakain!" sigaw ko

Dinalian ko na ang pag ligo ko, di na nga ako nag shampoo eh hahahaha.
Pagkatapos nag bihis na ako ng damit ko, simple lang naman suot ko naka bf jeans, oversized vneck (white), sneakers tapos cap na adidas ehehe nabili ko lang to sa ukay-ukay wag kayong ano

"Lola, alis na po ako babye po!"

"Sige, kumain ka agad doon ha mag ingat ka."

"Opo."

Sumakay na agad ako ng tricycle papuntang sakayan ng jeep para sa airport.

7:30 am

Tamang tama tatawagan ko muna yung makakasama ko.

Calling~ 09123123123 ↗

"Sorry, you don't have enough balance----"

Ganoin! wala na pala akong pantawag ;( Nakakainis naman oh, kung kailan kailangan na kailangan ko eh.
Maitext na nga lang.

To: 09123123123

Hello, Maine Mendoza nga pala to. Ako yung makakasama mo sa Palawan, nandyan ka naba sa airport? Sorry ah kung hindi kita na orient kagabi, nakalimutan ko kasi eh. Wag kang mag alala malapit na ako diyan sa airport. Hintayin mo ko ah!
Sent 7:45 am✔

Pumara na agad ako ng nakarating na sa airport. Umupo lang muna ako sa isang upuan malapit sa may pintuan ng airport. Mga 3minuto na ang nakalipas ng may reply akong natanggap.

From: 09123123123

Okay, nandito na ako.. nasa gilid mo.
Received 7:49 am✔

Paglingon ko sa gilid, nakita ko agad ang makikislap niyang mata at ang ngiti niyang napakalambing. Nakakagulat lang kasi hindi ko inexpect na sa dinami daming mag-aaral siya pa talaga.

"Richard?!! Ikaw makakasama ko?"

"Yup, bakit? may problema ba?"

"Wala, wala naman."

"Okay, so we better hurry up ;)"

Mas nakakagulat nang hinila at hinawakan niya ang kamay ko habang tumatakbo patungo sa loob.

"Ah-- Ri- chard ... pwede naman siguro tayong mag lakad diba? u-umm pwede mo naman bitawan kamay ko habang tumatakbo.. diba?"

"Maine.. we only have 5 minutes para maka habol sa flight, kung pwede pa nga kargahin kita doon para maka abot tayo."

"Naku! sorry it's all my fault. Sige tara na nga, sure ako makaka-abot tayo! Wag kang nega, okay?"

"Okay" sabay wink ;)

Mabuti nalang nakaabot pa kami at talagang 1minute nalang maiiwan na kami ng eroplano.

HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon