Kabanata 1

28.5K 270 24
                                    


Ako si Ella Fuentes. 19 years old and graduating na sa kursong business administration. At ito ang kwento ng buhay pag-ibig ko.

---------

Maaga akong nagising dahil may reunion slash chistmas party kaming mga magkaka-batch sa high school na hanggang sa college eh halos magka-kasama pa rin. 7:45 am na nang makarating ako sa venue. Christmas vacation na rin at mahaba-habang bakasyon ito ngayon. Aba. Dapat lang. Masyado ako naii-stress sa pag-aaral. Kailangan din naming magpahinga.

Maga-alas otso na wala pa rin sila. Ang usapan 7 ng umaga. Jusko naman. Di pa rin sila nagbabago. Umupo muna ako sa isang table habang nagmamasid sa mga staffs sa nag-aayos ng tables. Nag-suot lang ako ng black skinny jeans, white v-neck shirt and white sneakers. Naka-lugay lang din ang pula kong buhok at pumares ito sa pula kong labi.

Napahinto ako sa pagmu-muni muni nang marinig kong bumukas ang pinto. Paglingon ko bumungad sakin ng lalaking naka-black jeans, white shirt at white sneakers. Hindi kami nag-usap okay? Coincidence lang talaga. Bumilis ang heart beat ko pero agad na napalitan ng saya nang makita ko ang mga kaibigan ko.

Tumayo ako para salubungin sila. "Omg! Ellababes! Rume-red lips ka na ha!" Inakap ako ni Kathy, ang girl best friend ko.

"Ella! Kamusta na? Gumaganda lalo ah?" Puna sakin ni Jon, ang guy best friend ko na boyfriend ng girl best friend ko.

"Na-miss ko kayong dalawa! Bakit kasi ngayon lang kayo nagpakita!" Masayang sagot ko.

"Paano busy sa kalandian." Pagbibiro ni Jeni, ang lagi kong kasa-kasama ngayon.

"Ang bitter mo talaga!" Natatawang sambit ni Kathy.

Apat lang kaming magkakaibigan simula high school. Si Jon yung pinaka best friend ko. Si Kathy naman yung girl friend ko and si Jeni hindi kami masyadong close nung high school kami pero super close na ngayon kasi kami na yun laging magkasama. Umupo kami sa isang table na naka-assign samin. 8 persons ata per table. Katabi ko sa right ko si Jeni, sunod si Kathy na katabi si Jon.

Bigla akong napalingon sa naramdaman kong presensya sa kaliwa ko. Natawa ako nang makita ko siya at ganun din naman siya sakin. "Ikaw ha! Gaya-gaya ka ng porma." Umupo siya sa tabi ko habang tumatawa.

"Hindi ko kaya alam!" Siya si Ivan. Hmm. Siya yung masasabi kong ultimate crush ko simula high school na hanggang ngayon eh nanlalambot ang mga tuhod ko kapag nakikita ko siya.

"Biro lang naman." Ngumiti siya dahilan para matunaw ang puso ko. Biro lang. Landi eh. "Oo nga pala. Kamusta ka na?" Close naman kami nung high school. Nagbibiruan, nagtatawanan at nag-aasaran.

"Ayos lang. Ikaw ba? Hindi na ata kita masyadong nakikita sa campus ah?" Same school kasi kami. Ang alam ko same course din eh. Hindi ko maalala.

"Ayos lang din. Hindi mo ako nakikita? Eh lagi nga kitang nakikita. Siguro busy ka lang." Tumango na lang ako at napatingin sa tatlong dumating mga ka-table din namin.

Si Jake, Clark at Madison. Nakakatawa man pero si Jake at Clark parehas kong ex at mag-kaibigan na ata sila ngayon. Si Madison naman ang bagong girlfriend ni Clark. Kinamusta ako ni Jake kaya nagkaroon kami ng kaunting paguusap. Habang si Clark ngumiti lang ng tipid sa akin. Actually, kaka-break lang namin last 6 months ago. Pero okay naman na ako.

Maraming lumalapit sa table namin at nangangamusta. Bigla ko tuloy na-miss ang high school life. My high school was the best. Maya-maya ay dumating na din ang mga kaibigan ni Ivan kasabay nun ang pag-start ng christmas party namin.

"Ella, CR tayo." Pag-aaya nila Jeni at Kathy. Tumango lang ako at sabay-sabay kaming nag-lakad papuntang CR.

"Spell awkward Ella?" Natatawang tanong ni Jeni pag-pasok namin ng CR.

Crush KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon