Huling Kabanata

11.8K 219 31
                                    

Masarap sa pakiramdam yung alam mong sigurado ka na sa taong mahal mo. Maraming maling tao ang mamahalin mo kasi naghahanap ka. Pero kung hindi mo naman mamadaliin ibibigay din sayo ni Lord yung karapatdapat sayo. Magugulat ka na lang matagal mo na palang kilala kaso wala pa sa tamang oras.

Dati tinatanong ko lang sa sarili ko. Ano kayang pakiramdam na crush din ako ng crush ko? Ngayon alam ko na. Sobrang saya. Nakaka-speechless. Yung malaman mong crush ka din ng crush mo? Mapapa-ngiti ka na lang eh. Plus since high school ka pa niya pinapangarap. Basta masaya. Ang hirap i-explain ng feeling. Tama nga ang sinasabi nila. Take the risk to know if it's worth it. AND! Right time, right age, right person.

It's been 2 years. 2 years na kami ni Ivan at going strong pa rin. Walang nagbago. Mas naging matured lang kami. Parang nanliligaw pa rin siya sakin hanggang ngayon. Nagkakaron ng tampuhan at away na hindi maiiwasan. Pero alam naming pagsubok lang samin yon. Para lang mas maging matibay kami para sa isa't isa.

He's worth it. Hindi siya yung first boyfriend ko pero ang mahalaga siya yung last boyfriend ko. Dahil alam kong hindi ko na siya boyfriend kapag 26 na ako. Malamang eh asawa ko na siya that time at Mrs. Montero na ako. That is how I view our future. Hindi man perpekto ang relasyon namin pero ang alam ko lang masaya kami at mahal namin ang isa't isa.

What is Love? Love is the most beautiful thing to have, hardest thing to earn and most painful thing to lose. Love is not about how many times you say I love you but how much you prove that it's true. Pag mahal ka talaga niya kahit sobrang moody ka, ang hirap mong intindihin, lagi mo siyang inaaway sa mga maliliit na bagay at kahit sobrang selosa ka pa gugustuhin at gugustuhin pa rin niyang maging parte ka ng buhay niya. True love never dies it only gets stronger. It doesn't mean being inseperable; it means being separated and nothing changes. That is true love that soon will everyone have.

Crush KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon