Kabanata 4

9.6K 131 10
                                    

"Hello? Sino ito?" Ang aga-aga may tumatawag sakin. Unknown number pa.

"Ate! Bilis na daw!" Tumango ako kay Zack saka hinablot ang gamit ko.

[Nakalimutan mo na agad ako?]

"Omg! Jooooon! I miss you! Bakit kasi ngayon ka lang tumawag?!" Tumabi ako kay Ivan at umandar na ang van.

[Sorry. Medyo naging busy kasi eh.]

"Sus! Ang sabihin mo wala ka nang time para sakin!"

[Nagtatampo pa ang best friend ko. Ikaw nga dyan hindi ka nagsasabi may boyfriend ka na pala!]

"Hoy! Kanino mo nalaman?"

[Pucha. Nagbibiro lang ako! Edi may boyfriend ka nga? T*ngina. Sino yan ha?]

"Malalaman mo din soon."

[Sus. Si Ivan noh? Ayos na din.]

"Ewan ko sayo. Sige na. Bye na. Ingat ka dyan!"

[Ikaw din. Tatawag ulit ako mamaya. I miss you!]

"I miss you more! Bye!"

Bumaba na kami ng van at nasa SM Baguio kami ngayon. Grocery day ngayon para sa noche buena mamaya. Naramdaman ko yung pag-intertwine ni Ivan sa kaliwang kamay ko. I smiled. Kanina pa siya tahimik sa van. Siguro kasi may kausap ako kanina.

"Sasama pa ba kayo sa pag-grocery?" Si Papa talaga alam na alam ang gusto nila Zack at Liam.

"Nako wag mo na nating pasamahin ang mga bata. Hayaan na natin sila mag-ikot." Si tita yan.

"I-meet niyo na lang kami sa parking lot." Si Mama.

"Tatlo kayong lalaki dyan. Ingatan ang magandang dilag. Maraming tao dito." Si tito talaga. Ang kulit eh. Sabi ko wag na akong tawaging magandang dilag. Hahaha.

"Pa, alam ko na yan. Hahayaan ko bang may manakit sa Ella ko?" Landi ni Ivan oh!

Naka-akbay siya sakin nang naglakad ulit kami. Si Zack patingin-tingin lang habang si Liam kanina pa picture ng picture. May dala siyang DSLR. Mahilig kasi yan sa photography eh. Ewan ko ba dyan. Jusko. Ang dami talagang tao dito sa Baguio. Kaloka.

"Ella ko, sila Kristine." Napalingon ako sa tinuturo niya. Si Kristine nga. Siya yung naging ka MU ni Ivan nung 1st year high school kami.

"Ella? Ivan?" Ayan, nakita na niya kami.

"Hi Kristine! Nandito ka din pala." Bati sa kanya ni Ivan.

"Oo nga eh. Hi El! Nako, mas lalong gumaganda ang anghel ng amicus ah? Kamusta ka?"

"Hindi naman. Ayos lang naman. Oo nga pala kung naaalala mo pa yung mga kapatid ko si Zack at Liam."

"Hello! Uy una na ako ha? Ingat kayo and enjoy your stay here!"

Pagka-alis niya nagpaalam yung dalawa na maghahanap daw sila ng chiks. Mga pasaway. Sure akong maglalaro lang sa quantum yon. Nahiya pa magpaalam. Bahala sila. Malaki na sila. Oo nga pala. Si Kristine ang alam ko naging sila ni Ivan eh. Ewan ko ba. Magulo eh. Nag-transfer kasi ako sa school namin nung 2nd year high school kaya wala akong alam tungkol sa kanila nung 1st year sila.

"Anong iniisip mo?"

"Ha? Wala naman."

"Kanina ka pa tulala eh. May gusto kang kainin?"

Crush KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon