Kabanata 2

11.3K 148 7
                                    

Lumipas ang ilang araw na madalas kong nakaka-usap si Ivan. Lumalabas kami paminsan-minsan. Madalas din sila ng family niya dito sa bahay namin. Kaibigan kasi ni Mama ang mommy ni Ivan. Ang alam ko nagbabalak sila na dito mag-Christmas at New year samin. Plano daw nila na mag-Pasko sa Baguio. Sana nga lang matuloy.

"Oh anak, kamusta kayo ni Ivan?" Tumabi sakin si Mama habang kinakalikot ang phone niya. May dalawa akong kapatid. Sila Zack at Liam. Si Zack, 17 years old na habang si Liam 16 pa lang.

"Okay naman Ma." Actually, ka-text ko si Ivan. Wala, nangungulit lang siya.

"Mabuti naman. Ano nak? Sinagot mo na ba?" Napalingon ako kay Mama. Ano daw?

"Ha?" Ano bang sinasabi ni Mama?

"Diba nanliligaw siya?"

"Ha?!"

"Isa pang ha mo dyan hahambalusin kita."

"Ma, hindi kasi kita maintindihan. Si Ivan? Nanliligaw sakin? Kelan pa?" Naguguluhan na talaga ako. Nagka-amnesia ba ako? Hindi naman eh.

"Nak, naalala mo nung after chistmas party ng batch niyo? Diba lumabas kayong dalawa? Tapos inabot kayo ng gabi at hinatid ka pa niya. Dumiretso ka kasi agad sa kwarto mo kaya akala mo umalis na si Ivan. Pero nak, hindi. Kinausap niya kami ng Papa mo. Nagpaalam siya samin kung pwede kang ligawan. Pumayag naman kami kasi malaki ka na at may tiwala kami sa kanya." Literal na nalaglag ang panga ko. It's been 2 weeks after that day. So all this time nanliligaw pala siya nang hindi ko alam?

"Pero Ma, wala siyang nabanggit sakin."

"Ella, ang panliligaw kasi hindi kailangan ng permiso mula sa babae kundi dun sa magulang ng babae. Sa panliligaw kasi doon pinapatunayan ng lalaki kung gaano niya kamahal yung babae. Sagutin man o hindi naipakita pa rin niya yung hangarin niya sa babae." Ganon pala yon? Dami talagang alam ni Papa. Hahaha

"Osige na anak. Mag-ayos ka na ng gamit mo. Na-move ang alis natin. Sabi ni kumare eh ngayong gabi na daw tayo umalis." Umalis sa tabi ko sila Mama at Papa.

"Hoy ate! Ang ingay ng cellphone mo!"

Ivan calling. Yan ang nabasa ko sa screen ng phone ko. Hindi ko na lang ito pinansin at umakyat sa kwarto ko para mag-impake. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nalaman ko. Hindi ko talaga alam. Hindi ko rin maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Parang natutuwa na may pagaalinlangan. Yes, he's my ultimate crush. Pero kasi hindi ako sigurado kung gusto ko ba siya or what. Ang hirap kasi mag-desisyon. Ang alam ko kasi alam niyang naging crush ko siya. Baka mamaya tine-take advantage lang niya ako kasi, kumbaga sa laro sure win na siya sakin. 

"Ella, mag-bihis ka na. Pagdating nila Ivan aalis na agad tayo." Tumango lang ako kay Mama dahil napapa-isip pa rin ako sa sinabi niya. Ang gulo eh! "Nak, pakiramdaman mo lang." Huh? Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Mama eh. Aish.

"Ate, san yung gamit mo? Ibababa ko na." Tinuro ko kay Liam yung gamit ko saka nag-patuloy sa pag-aayos ng buhok ko. 

"Ate, ayokong makitang umiiyak ka ulit sa parehong dahilan. Please lang." Napa-lingon ako kay Zack. Nginitian ko siya ng tipid.

*beep! beep!*

"Tara na. Andyan na sila." Nauna na akong bumaba kay Zack. 

Sa kanilang dalawa ni Liam siya yung pinaka protective sakin kahit mas matanda ako sa kanya. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan ako. Nung nag-break kami ni Clark, siya pinaka na-apektuhan. Si Liam naman, always positive. Lagi niyang sinasabi na darating din daw yung tamang lalaki para sa akin. 

Crush KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon