*KRING KRING*
"Ay sorry po!" nagbow ako sa taong nabangga ko tapos umalis na, naririnig ko pa siyang tumatawag pero wala akong pake! Malelate na ako.
Kasalukuyan akong tumatakbo papunta sa building namin na nasa dulo pa at nandito pa lang ako sa may open field.
Medyo nalate kasi ako ng gising dahil napuyat ako dun sa pinapanuod kong Korean drama. Di ko nga alam kung anong oras ako nakatulog kasi pag-gising ko maayos na ulit yung kwarto ko, inayos siguro nung boyfriend kong bakla.
Ay, speaking of him pala, di siya dun natulog sa bahay kasi aayusin niya daw muna yung bahay nila para daw kapag may school work dun siya uuwi.
Siya pa rin yung gumising sakin kanina, kasi anniversary na namin and were 6 years na, pero pinauna ko na siya kasi nga diba, we don't know each other here.
Kaso kaya ako nalate kasi pag-gising niya sakin, pinauna ko na siya edi umalis na siya tapos nakatulog ulit ako and magse- 7am na nung nagising ako.
Iniwan na nga din ako ni Curtney eh, ayaw ko naman din na madamay siya sa pagka-late ko.
At sa wakas nga ay nandito na ako, dahan dahan kong binuksan ang pinto at kung sineswerte ka nga naman.
WALA PA SI SIR HAHAHA!!
Pumasok na ako at pumunta sa upuan ko, pagkaupo ko nakita ko si Zichie tumatawa kasama ang mga babae kasama sila Trisha at Kathy. Bumilis naman yung tibok nang puso ko.
"Huy! Bakit namumutla ka? May sakit ka ba?" tanong sakin ni Curtney pagka-upo ko.
"Ang lamig mo nga" sabi naman ni Kim, aba close na pala kami.
Pero teka? Namumutla at malamig (bangkay lang?!) Hinawakan ko yung braso ko, pawis na malamig nga.
"Tange! Ang layo kaya ng tinakbo ko kasi akala ko andito na si Sir" sabi ko tapos kinuha ko yung panyo sa bag ko tsaka yung cellphone.
Nagpunas ako ng pawis ko tapos nung tignan ko yung cellphone ko ay nanlaki ang mata ko.
117 missed calls at 81 messages mula kaninang 7:12 hanggang ngayong 8:03 galing kay Zichie LAHAT. Bakit di ko man lang naramdaman yung vibration?
"May homework ka na?" biglang tanong ni Curtney.
"Meron ba?" sabi ko habang nagbabasa ng text messages.
Merong "San ka na?" "Ingat!" "Dalian mo!!" "Anong nangyari sayo?" "Bakit wala ka pa?" "Bumangon ka na" at kung anu ano pa na paulit ulit lang niyang sinend.
"Nakikinig ka ba?!"
"Ay Ingat ka! Ano ba?!" gulat na sabi ko, letche talaga tong si Curtney.
"Anong ingat? Sino bang katext mo?" nag-try siyang hablutin yung cellphone ko pero natago ko agad.
"Wag ka nga! Invading of privacy ka pa dyan eh wala naman"
"Sus! Wala daw pero todo tago ka naman, pabasa nga" pagpupumilit niya.
"Porket ba ginagamit yung cellphone may katext na agad, di ba pedeng naglalaro lang ng Temple Walk"
"Temple walk? TEMPLE RUN YON, RUN! Ang corny neto talaga!"
"HAHAHA" tawa ni Kim
"Ang daya talaga neto! May pumuporma na pala sayo di mo man lang pinapakilala sa akin" tampo niyang sabi.
"Ewan ko sayo!" tapos lumipat ako sa kabilang seat ni Kim.
Buti na lang din sumunod si Curtney, nung sinilip ko busy sa pagsusulat sa notebook niya.
Nireplyan ko si Zichie kahit nandyan naman na siya, napatingin siya sakin saglit nung nareceive niya tapos nagreply lang ng smiley.
NICE.
Di niya ba ako napansin nung pumasok ako? Edi kung di pa pala ako nagreply, di niya ko mapapansin.
Sabi na nga ba, di niya kayang magpanggap, dito ba naman sa section ko na maraming magaganda.
*flips hair* HA!
"Hoy Curt!" sabi ko nung bumalik na ako sa pwesto ko.
"Hoy ka din! Bakit?" sabi niya ng di tumitingin sakin, nagsusulat pa din siya.
"May pagkain ka?"
"Ang aga-aga, pagkain agad?" sabi ni Kim. Nagugulat talaga ako dito, di namin close ni Curt to pero simula nung first day nitong school year, ang hilig na niyang maki-usap samin. Di naman sa against kami no, weird lang.
"Problema mo?" tanong ni Curtney na biglang natingin sakin. Dinadaan ko kasi lagi sa pagkain pag naiinis ako, maliban sa panglilibre. And she knows it too.
"Wala naman, nakakapagod kasi eh" nakakapagod magmahal, syet.
"Nakakapagod magmahal" sabat ni Kim kaya napatingin naman kami sa kanya.
"Aba, lumalablyf ka na ba?" tanong ko naman para lang maiba yung iniisip ko.
"Hindi pa" casual na sagot niya.
"Eh ano pala?" tanong ni Curtney.
"Basta." aba pa-suspense pa ang loka.
"Ang corny mo!" sabi ko at dumating na nga si Sir after 30 mins.
--------------------------------------------------
COMMENT. VOTE. SHARE.
Thanks!
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong bakla
Novela JuvenilIba naman talaga ang buhay ko eh, simula't sapol iba na ako sa kanila. Pero dahil sa kahusayan ko ay di nila nahahalata. Well, not until dumating ang isang lalaki, i mean BAKLA na naging Breakshot ng isang kwentong magulo. At ang bakla ito kasi, ay...