Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman...
Nandito lang ako sa may hagdan, nakapatong ang isang paa sa unang hakbang at nakatigil lang. Ayaw kong siyang lingunin, nakakainit ng dugo.
"Hoy. Ano bang problema mo?" Narinig ko yung yapak ng mga paa niya, papunta sa akin.
"Wait! Dyan ka lang!" sigaw ko kaya nawala na yung tunog.
"Kanina ka pa ah! Ano bang problema mo talaga? Meron ka ba, ah?!" namula naman ako, grabe to magtanong, ang awkward kaya.
"Ang bastos mo! Umalis ka na nga."
"Aba! Umuwi na nga ako dito, pumunta dito sa bahay mo at nag- intay ng matagal na matagal!" reklamo niya.
"Edi umuwi ka na nga kasi!" haaays, ang kulit naman eh.
"Bakit ba!? May tinatago ka bang lalaki dito? Yan ba yung ginagawa mo tuwing wala ako?!"
"Ang gulo mo! Anong gagawin ko sa mga lalaki!?"
Kapal neto. Ganto lang kami, nag-sisigawan habang nakatalikod ako sa kanya, eh sa ayaw ko siyang makita eh.
"AISH! Alam mo ZJ! Kung ayaw mo na, sabihin mo naman! Hindi yung nagkakaganito tayo nang di ko naman alam kung anong problema at kung... mahal mo pa ako." Naramdaman ko yung lungkot dun sa tinig niya, eh kasi naman eh.
"Alam mo Zichie---"O.O
"HAH. Kailangan pa palang magdrama ako dito para humarap ka eh. Nakatikim pa ako nang matamis mong halik, I missed that" Langya to, galing talagang umacting. Tinulak ko siya tapos tumakbo na ako sa may kwarto ko.
"Kainis, kainis, kainis. Bakit kasi umuwi pa siya, magugulo lahat ng pinaghirapan ko dito eh. Aish, kainis talaga." Bigla namang bumukas yung pinto.
"AAAAAAHHHHHHHH!!!" sigaw naming pareho.
Sinara niya ulit yung pinto.
"Sorry!" rinig kong sigaw niya mula sa labas.
Nagbibihis kasi ako, nilalagay ko yung shorts ko nang buksan niya yung pinto.
"Ano ba! Paano mo nabuksan!?"
"Di kaya nakalock! Ikaw ang may sala no."
"Narinig ko yun! Bakit di ka kumatok!"
"Di ko naman alam na bukas pala eh" nilock ko na yung pinto, tapos nagpalit ng tshirt ko.
Tapos binuksan ko na ulit yung pinto.
"Umuwi ka na! Chupi!!" sabay sara ng pinto at lock na. Kumatok siya doon nang kumatok.
"Uy! ZJ! Mag-usap nga tayo! Alam ko namang yung pagtransfer ko yung pinoproblema mo eh" Kinuha ko yung computer chair ko tapos umupo sa may 3 meters away from my door.
"Buti alam mo!" tina-try niyang buksan yung pinto, tinawag niya rin si manang para sa susi.
"Walang tao dito ngayon, day off nila tuwing weekdays" ayaw ko kasi ng magulo lalo na ngayong may pasok.
"Pasaway ka talaga, paano kung may mangyari sayo? Sinong tutulong sayo!? Hays! Buksan mo nga to, mag-usap tayo nang maayos!! ZYRIL!!" natigil siya sa pagsubok na mabuksan yung pinto.
Napahawak naman ako sa may puso ko, napa-ngiti ako ng sarkastik kasi ang bilis pa din, kinakabahan pa din ako kapag tinatawag niya akong Zyril, parang mauulit yung dati—AISH!
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong bakla
Fiksi RemajaIba naman talaga ang buhay ko eh, simula't sapol iba na ako sa kanila. Pero dahil sa kahusayan ko ay di nila nahahalata. Well, not until dumating ang isang lalaki, i mean BAKLA na naging Breakshot ng isang kwentong magulo. At ang bakla ito kasi, ay...