*Zyril's POV*
Everybody settled in to their places, ang tahi-tahimik ng buong lugar.
Halos marinig ko na nga yung tibok ng mga puso nila o ako lang talaga ang kinakabahan?
Ang weird kasi di ko alam kung bakit naman ako kakabahan, contest lang naman to, actually hindi pure na contest kasi mamimili lang naman ng deserving sa pagiging representative.
Ako na rin naman ang nagsabi na wala na nga kaming pag- asa, I mean ako lang pala ang walang pag-asa.
"Okay, our judges decided that we our not picking the Mr. and Ms. AA according to their section." nagsimula nanamang mag-ingay yung mga tao, pati yung ibang contestant umapela.
Inantay muna na tumahimik ulit bago nagsalita ulit yung isa pang MC "It is now an individual representation to be fair to other contestants who put much effort while their partners don't."
Parang natamaan naman ako sa sinabi niya.
Kasalanan ko ba kung di ako kasing galing nilang lahat, well ayaw ko nga kasing madiscover, masyadong risky kahit dito lang sa school.
"Bakit ngayon lang nila sinabi?" seryosong sabi ni Kean.
Nung nilingon ko, nakakunot pa ang noo.
"Eh sa ngayon nga lang daw kasi napagdesisyunan, diba?" sagot ko with 'engot-lang' look.
Di na siya umimik at nagpanggap na walang narinig.
"Diba, gusto mong manalo? Ayan na, may chance ka na" sabi ko sabay siko ng mahina sa tagiliran niya.
Effort pa na ngumiti ako, ewan ko pero ayaw kong ganto yung itsura niya di ako sanay.
"TSK, sabi ko TAYO. Isang section nga diba?" tinignan niya pa ako na parang ang tanga ko lang talaga.
Huminga ako ng malalim. Kahit di halata, kino-comfort ko siya tapos ganto lang pala mapapala ko. ABA! Huminga ulit ako ng malalim tapos nagpigil ng inis.
"Ayos lang yan, everything happen for a reason" tinignan niya ulit ako na parang nag-mura ako sa harap niya.
"Oh? Di mo naintindihan? Okay tatagalugin ko, ang lahat ng—" sabi ko kasi kanina pa ako naiinsulto talaga eh.
Hinilamos niya naman yung kamay niya sa mukha ko kaya di ko natuloy.
"Loko ka ah! Yuck, ang alat ng palad mo" umarte akong nasusuka at diring-diri, natawa naman siya.
"Adik, basta may chance TAYONG dalawa manalo" sabi niya na balik sa pagiging over-confident at super proud sa sarili na ugali ni Kean.
Nginitian ko siya, isang genuine na ngiti na first time lang ata kasi laging akong asar sa kanya.
"Bahala ka." bulong ko at tingin sa may stage kung saan naka-tayo yung MC.
"Our Mr. AA is..." ayan natahimik lalo, pero joke lang. Yung mga ibang officers kasi ang chinicheer yung pambato nila.
Pero feeling ko lamang ng mga 7 na taong sumisigaw para kay Kean.
"Obviously, Mr. Kean Paul Sanchez" tinignan ko siya at nginitian, pumalakpak na din ako kasabay nung iba pang audience.
"WOOOO!!!"
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong bakla
Teen FictionIba naman talaga ang buhay ko eh, simula't sapol iba na ako sa kanila. Pero dahil sa kahusayan ko ay di nila nahahalata. Well, not until dumating ang isang lalaki, i mean BAKLA na naging Breakshot ng isang kwentong magulo. At ang bakla ito kasi, ay...