ABKB#11- Revelation part 2

155 4 0
                                    

*Curtney’s POV*

“HAYSS” ang bigat sa puso ng mga sinabi niya

Tumawa siya “Yan ang buhay ng totoong Zyril Joy Montemior, super opposite sa Zyril Montemior ng The Author’s Academy”and then sad smile

“Oo nga” that’s all I can say sa lahat ng kinomfess niya sa akin.

10, 15, 20 seconds na katahimikan.

“So... bakit nagpanggap ka nga pala?” matapang na tanong ko, syempre madami na akong alam, bat di pa sagarin right?

Nagbuntong hininga muna siya, a very deep one.

“Tara”  ano? Tapos na?

“Teka! Anong tara?” sumusunod ako sa kanya, palabas na ata kami pero DI PEDE, di ko pa alam yung part na yun, di pa rin honesty yun

“UY! Yun na talaga yun? The end na?” bigla kaming lumiko, diretso kasi yung pinto palabas

Nakabisado ko yun in case na mawala ako hehe

Anyway, nagbukas siya ng pinto at ganun pa rin, malamig pero konti na lang yung laki niya kasya sa kabila. At dito? Color gray yung dingding at dama ko ang dull emotions.

“Dito ang bad experiences ko, ngayon na lang uli ako nakapasok dito, simula nung 1st year ay iniwan ko na siya dito.”

Oo nga, di ko napansin na medyo may mga agiw na pero naprepreserve siguro dahil sa aircon. Grabe naman itong kwarto na ito, kung titignan sa labas ay parang guest room lang pero sa loob, madaming sikutan.

“Pasensya na, medyo may amoy na dito. Akala ko kasi sa end of the school ko pa siya mabibisita eh, ahaha napaaga lang” dumiretso siya para kumuha ng dust cleaner tapos nagalis ng mga dust sa frames and stands.

Pumunta ako sa pinuntahan niya at kumuha rin ng dust cleaner at tumulong sa kanya

“Sorry ah” sabi ko

Naramdaman ko yung tingin niya “Para saan?”

“Nalungkot ka tuloy, sana inexplain mo na lang maiintindihan ko naman eh”

“Okay lang. Hayaan mo na muna yan, maglilinis na lang ako next time dito. Tara muna dun, may upuan dun”

Tulad ng kanina, kumuha siya ng juice at cookies na mukhang gitara naman ngayon. Konti lang, siguro pang stuck lang talaga

“Hehe, naubos na pala yung nandito, cookies and juice lang kasi ang panlaban ko sa sadness eh. Lalo na kung nandito ako, ang bigat bigat ng pakiramdam ko. All that happened back then, masyado silang intense at nakakalito para alalahain palagi.”

Di na ako kumain, I think na baka kailanganin niya iyon kapag nagkwento na siya

“Umh, alam mo naman na first year ako nung nag- aral ako sa TAA diba at totoo yung sa state ako galing, the thing that is not real sa introduction ko nung first day ay yung pinagaral ako dito para malaman kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko”

“Di ako pinagaral ng magulang ko dito, actually nung first year ay sinabi ko lang na magbabakasyon lang ako. Kakatapos lang ng tours ko nun para sa 3rd album ko and it was great and horrible at the same time.”

Tango lang ako ng tango sa kanya, she need someone to tell her story to anyway

“Marami lang lumalabas na rumors ng mga panahon na iyon, about sa buhay ko, sa pamilya ko even about my love life. Syempre normal na iyon kapag sikat ka, I juts can’t take it anymore at naisipan kong magrelax kahit saglit lang. Good thing pumayag sila, at si Zichie ay may project nun kaya I can live on my own.”

Ang boyfriend kong baklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon