IKATLONG KABANATA ∞ Ang Misteryosong Lalaki

10 4 0
                                    

     ~ Ang mga mag-aaral sa Chosen's Academy ay nagmula sa walong iba't-ibang planeta sa kalawakan.

     Pinagmasdan ko ng mabuti ang singsing. Nakaramdam ako ng matinding koneksyon dito. Para bang matagal na sa akin ang singsing ngunit sa totoo lang ay ngayon ko lang nakita ang singsing na iyon.

     "Sa'yo yan kuya kasi nakasuot yan sa'yo nung natagpuan ka sa loob nung kwarto sa apartment kasama yung bata." Sabi sa sa akin ng kapatid ko habang marahang sinusulay ang buhok.

     Parang may hindi tama sa pangyayari, una sa lahat ay hindi ako nagsusuot ng singsing. Pangalawa ay malapit na akong makalabas sa gusali nang ako ay mawalan ng malay hindi sa kung saang kwarto. Ikatlo kung natagpuang nakasuot sa akin ito, sino ang nagsuot sa akin nito? At bakit walang bakas ng sunog ang singsing. Hmm weird?!

     "Parang ang lalim naman ng iniisip mo kuya? Hindi ba iyo yan?" Tanong niya sa akin.

     "Hindi ko alam, baka sa bata ito pero parang pamilyar sakin itong singsing." Tumingin ako sa orasan, Ika-sampu na ng gabi, at malamang padating na si mama.

     Isinuot ko ang singsing sa aking kanang kamay at parang ito ay ginawa para lang sa akin. Sukat na sukat ito sa aking daliri.

     Maya-maya pa ay parang sumasakit ang ulo ko. Ipinikit ko ang mata ko habang naririnig ko ang kapatid kong nag-aalalang tinatanong ako kung ayos lang ako. Hindi ko masagot ang kanyang tanong dahil sa patindi ng patindi ang sakit ng ulo ko. Parang binabarena ito mula sa loob. Hindi ko maiwasang sumigaw sa sakit hanggang sa nawala ang sakit at lumabas ang imahe ng aking sarili at nang batang iniligtas ko sa sunog. Pinagmamasdan ko ang aming katawan tatlong dipa mula rito. Para akong kaluluwa lumulutang sa ere.

     Ano ba to? Anong nangyari? Patay na ata ako eh!

     Nakahiga ang aming katawan sa sahig at wala na kaming malay. Hanggang sa  may dumating na lalaki na may mahabang balbas. Umaabot ang balbas nito hanggang sa ibabang bahagi ng kanyang leeg. Mukha itong matanda dahil sa namumuti na ang balbas nito. Dahil sa usok ay hindi ko na makita ang itaas na bahagi ng kanyang mukha ngunit sa itsura ng kanyang pananamit ay parang palaboy ito. Naka kulay lila itong cloak na sobrang dumi na halos tumatakip sa buong katawan nito.

     Agad nitong binuhat ang katawan ko at nung bata, isinampa niya sa kanyang balikat at marahang naglakad patungo sa isang kwarto malapit lamang sa kung saan nakahiga ang walang malay naming katawan kanina. Maliit lamang ang silid at nilalamon na ng apoy. Sa isang kumpas lang ng kanyang kamay ay nawala na ang apoy. Hindi siguro siya palaboy, baka engkanto na ito.

     Inihiga kami sa sahig at pinagmasdan kaming maigi. Inilabas niya ang nakatagong alak na nasa maliit na bote at tinungga ito. Pinunasan niya ang kanyang bibig matapos makainom. Ngayon ay mas malinaw na ang mukha niya mula sa aking angulo.

     Bilugan at kulay lila ang kulay kanyang mata na bahagyang natatakpan ng kanyang buhok na may kahabaan na umaabot hanggang sa kanyang ilong na may katangusan. Sa tansya ko ay nasa 40 o 50 na ang edad nito.

    Magmumukha talaga itong mayaman kung kaaya-aya lamang ang pananamit nito. May dinukot ito sa kanyang bulsa at inilabas ang panyo na kinalalagyan ng maraming kapsula na may kulay light-green. Kumuha siya ng dalawa at isinubo ito sa walang malay kong katawan na balot ng sugat at mga paso. Ganun din ang kayang ginawa sa katabi kong bata.

     Matapos kaming painumin ng kung ano ay tumungga ulit ito ng alak.

     "Sino ka?! Anong ipinainom mo sa akin?" Tanong ko sa lalaki ngunit parang wala itong naririnig. Pinilit kong lapitan ang lalaki ngunit hindi ako makakilos.

Chosen's AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon