IKAAPAT NA KABANATA ∞ Kagubatan ng Malfeso

19 4 1
                                    

    ~ Ang 'Johpajo' ay isang artificial na planeta na kung saan itinayo ang Chosen's Academy.

     Hindi ako makagalaw . . ni hindi ko maalis ang pagkakatitig ko sa kanyang mata. Para bang sa oras na pumikit ako o tumakbo man lang ay katapusan ko na. Nilakasan ko ang aking loob, huminga ako ng malalim at pinilit kong maglabas ng salita mula sa aking bibig. Haysst bahala na.

     "Si-sino ka? Pano mo nalaman ang pa-pangalan ko?" Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng pagkabog nito.

     "Ang pangalan ko ay hindi na mahalaga Gabriel. *gulp* *gulp* Pero alam kong ipinakilala na ako sa'yo ng singsing." Muli itong lumaklak ng inumin na galing sa boteng hawak hawak na mapaghahalataang alak iyon.

     "A-ano. . anong kailangan mo s-sa akin? Ku-kunin mo na b-ba itong sin--" Hinugot ko ang kwintas ko upang tanggalin sana ang singsing ngunit bigla itong tumawa na para bang wala nang bukas.

     "WAHAHAHAHAHA . . *ubo* *ubo* hahaha. . Gabriel sa tingin mo ba ay kukunin ko pa ang bagay na ibinigay ko na? Iba ang pakay ko kung bakit ako naparito." Mula sa pagtawa ay bigla itong naging seryoso. Ang laking tulong nung pagtawa niya, gumaan ng kaunti ang nararamdaman kong kaba kanina.

     "Anong kailangan mo sa akin?" Hindi ko parin talaga maalis ang pagtitig ko sa kanya.

     "Gusto ko lang ipaalala ang mga sinabi ko sa'yo nung ibinigay ko sa'yo ang singsing na yan Gabriel. Sa tingin ko'y nalalapit na ang tamang oras upang mamili ka ng landas na iyong tatahakin" Ipinasok nito ang hawak nitong bote ng alak sa loob ng kanyang cloak habang nakangiting nakatitig sa akin.

     "Anong ibig mong sabihin?"

     "Ang singsing na ibinigay ko sa'yo Gabriel ay hindi ordinaryong singsing lamang. Yan ang magbubukas ng daan patungo sa mundong kinabibilangan mo na."

     "Ha? Wa-wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo."

     Tumayo ito ng dahan-dahan at lumakad palapit sa akin.

     Ano ba to? Talagang hindi ako makagalaw. Parang babagsak ako kung pipilitin ko.

     Napansin kong nagliwanag ng kulay bughaw ang singsing. Mahina lamang iyon na parang mapupunding ilaw. Nararamdaman kong ding naglalabas ito ng malakas na enerhiya habang palapit ng palapit ang lalaki sa akin. Para akong nakukuryente ng singsing.

     Huminto ang lalaki dalawang dipa mula sa akin. "Ang kasagutan Gabriel sa mga tanong mo ay hindi mo malalaman kung isasabit mo lang yan sa leeg mo. Subukan mo kayang isuot yan kung saan dapat isinusuot ang singsing." Nakangiti ito habang pinagmamasdan ako. Kakaiba ang presensya nitong lalaki sa malapitan. Ang lakas ng aura niya ay mas ramdam ko ngayon kesa kaninang malayo siya.

     Hinawakan ako nito sa balikat at sa isang iglap ay nawala ang tensyon na nararamdaman ko. "Gabriel ikaw ang napili ko dahil alam kong malakas ang loob mo at mabuti kang tao." Humigpit ng kaunti ang pagkakahawak nito sa aking balikat at tumalikod na ito sa akin. Inilabas nito ang bote ng alak at uminom ito.

     Pinagmasdan ko ng maigi ang singsing na nakasabit sa aking leeg at pinilit kong isipin kung anong gustong iparating ng lalaking ito sa akin.

     Mapagkakatiwalaan kaya siya? Susundin ko ba ang mga sinabi niya? Ano bang gulo ang napasok ko? Natigil ang pag-iisip ko nang muli siyang nagsalita.

     "Mukhang kailangan ko nang umalis, alam kong sa susunod na pagkikita natin ay napili mo na ang landas na gusto mong tahakin. Kailangan mong maging matatag Gabriel." sabi ng nito sa akin ng hindi man lang lumilingon at sa isang iglap lang ay bigla itong naglaho na parang bula.

Chosen's AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon