~ Ang 'singsing ng Ackrilipt' ay ibinibigay lamang sa mga kabataan na nagpamalas ng kagitingan maliit man ito o malaki
∞
Gabe's POV~
Sumugod ako sa harap ng nasusunog na gusali. Sumiksik muna ako sa mga nakaharang na tao sa harapan ng gusali bago ako nakalapit ng tuluyan.
Ramdam ko ang init ng nagbabagang apoy mula sa gusali at ang iyak ng bata sa pinaka taas na palapag. Agad-agad tumakbo sa may pintuan ng gusali.
Naririnig ko ang saway at sigaw ng mga tao sakin ngunit sa bilis ko ay di nila ako napigilan. Tinakpan ko ang aking ilong gamit ang aking braso sa kapal ng usok sa loob. Halos wala na akong makita sa loob maliban sa mga apoy sa paligid at mga kagamitang nilalamon nito.
Hinanap ko ang hagdan pa akyat. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ng batang babae at yun ang nagpatatag sa akin. Bumibilis ang tibok ng puso ko at nagsisimula nang dumaloy ang adrenaline sa katawan ko.
Natagalan ako sa paghahanap ng hagdan dahil sa lawak ng lugar at kakapalan ng usok ng lugar ngunit kalaunan ay nahanap ko rin. Paikot ang hagdan na bakal, malayo ang kinalalagyan nito sa apoy kaya laking pasasalamat ko.
Nararamdaman ko ang init ng bakal sa hagdan habang inaakyat ko ito ng patakbo. Nadama ko ang matinding kirot sa kaliwang balikat ko dahil sa pagkapaso nito. Naliligo na ako sa sarili kong pawis nang marating ko ang ikatlong palapag.
'Konting tiis pa Gabe! Kaya mo yan! Paulit ulit kong inisip ito habang tumatakbo ako sa pasilyo ng ikatlong palapag.
Narating ko pintuan ng silid na kinalalagyan ng bata. Nakasarado ito at lumalabas ang usok mula dito. Gawa ito sa kahoy ngunit ilang sandali na lang ay lalamunin na ito ng matinding apoy.
"Bata!!!! ba. . .*ubo* . . *ubo*. . Bata!!!" sabi ko sa pinaka malakas kong boses. Walang sumasagot. Mainit din ang knob ng pinto kaya mapipilitan akong sipain ito.
BAAAMMM!!!! BAAM!!! BAAAMMM!! BOOOM!!
"Ahh!! Araay!!" Sa lakas ng pagsabog ay tumilapon ako sa tapat na pader. Halos mahimatay na ako sa halo-halong sakit na nararanasan ko.
Pinilit kong tumayo kahit na bumigay na ang tuhod ko sa pagsabog kanina. Kumikirot na rin ang mga paso at sunog sa iba't ibang parte ng aking katawan.
Dahan dahan akong lumapit sa silid na sa ngayon ay puro apoy na. Naglikot ang mga mata ko upang hanapin ang bata sa loob ng silid. Hanggang sa nakita ko ang bata na nakahiga sa sahig at mukhang walang malay. Agad ko itong nilapitan at inilagay ko ang aking tainga sa kanyang dibdib upang alamin kung buhay pa ba ito.
Narinig ko ang mahinang tibok nito kaya agad ko itong binuhat sa aking mga kamay at pinilit kong bilisan sa abot ng makakaya ko.
Ilang beses ako nadapa dahil sa sobrang pagsakit ng kanang paa ko ngunit sa bawat pagkadapa ko ay patuloy pa rin ako sa pagtayo.
Maya-maya pa ay narinig ko ang mga sirena ng bombero sa labas ng paupahan.Malapit na kami sa pintuan palabas ng bahay ngunit nararamdaman ko na ang aking limitasyon. Unti-unting nangdilim ang paningin ko at ako'y bumagsak sa sahig.
∞ ||o|| ∞
Dumilat ako sa hindi pamilyar na silid. Medyo nahihilo pa akong pinagmadan ang paligid. Una kong napansin ang lamesang may mga nakapatong na prutas sa bandang kanan ko.
Maputi ang buong paligid, noon ko lang napansin na may nakasuksok pala sa ilong ko. Nang aking kapain ay ito pala ay para makahinga ako.
Nakakonekta ito sa oxygen tank sa bandang kaliwa ko katabi ng babaeng nakaupo at nakatingin sa akin. Nata t-shirt na pink ito at maong. Ang kanyang buhok ay maayos na nakatali.
BINABASA MO ANG
Chosen's Academy
Fiksi IlmiahNaniniwala ka ba na ang lahat ng nilalang ay may kapangyarihan natatago? . . Gugustuhin mo bang malaman kung ano ang sa'yo? . . Ano ang gagawin mo kung mabigyan ka ng singsing na susi sa mundong mahikal at ekstra terestrial na magpapabago...