(IKALIMANG KABANATA ∞ Maligayang Pagdating Sa Chosen's Academy)
∞
~ Ang planetang Kares ang pinaka malaki at pinaka sentro ng kalakalan sa walong payapang planeta.
Sinuyod ko ang buong kagubatan ngunit para akong sinulid na nawala sa loob ng malaking kumpol ng dayami sa lawak ng kagubatan. Sa tansya ko ay nasa tatlo o apat na oras na akong paikot-ikot sa kawalan na ito.
'Pagod na pagod na ako!!!'
Hanggang sa narating ko ang isang ilog. May kalinisan ang tubig, makikita mo ang mga bato sa ilalim nito at ang malumanay na pag daloy nito sa kung saan.
Hindi gaya ng mga ilog sa amin na nadumihan ng lubos dulot ng mga basura.
Naghilamos ako at nilasap ang tubig mula sa ilog na nagtanggal ng uhaw mula sa aking mahabang paglalakad.
Di hamak na mas masarap ang tubig nito kumpara sa tubig gripo sa bahay o mineral na tubig na nabibili.
Nag dulot ito ng sensasyon at memorya noong bata pa ako. Noong namamasyal kami sa mga dalampasigan noong buo at kompleto pa ang pamilya namin.
Naputol ang aking pag mumuni muni nang pumatak ang ulan sa aking itim na buhok. Malakas ang bagsak ng ulan na para bang may bagyo. Ang mga sanga at dahon sa paligid ay naghahampasan sa lakas ng hangin.
Dali-dali akong tumakbo upang humanap ng masisilungan. Sa di kalayuan ay may natanaw akong napakalaking puno, Kapansin pansin ito dahil sa laki nito kaysa sa mga puno sa paligid nito.
Nasa mahigit limang palapag ng gusali ang taas nito kumpara sa ibang puno na kalahati lamang nito.
Basang basa na ang pulang t-shirt at ang itim na manipis na shorts na pantulog ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, para akong basang sisiw na nawawala sa kakahuyan.
Inakyat ko ang malaking puno, hindi ganun kalakihan ang katawan ko ngunit sapat na para umakyat ng basang puno.
Papaano ba ako nakarating sa lugar na ito? Napakalaking imposible naman na nag sleep walking ako papunta dito!! O.O
Hirap ako sa pag akyat ng puno, bukod sa napakataas nito ay basa pa ito dahil sa matinding ulan. Pinilit kong mag focus sa ginagawa ko ngunit gulong gulo ang isip ko sa mga nangyayari.
Ilang beses akong nadulas ngunit agad akong nakakakapit sa kaunting uka ng puno.
Naalala ko ang aking ama at ang mga naituturo nya sa akin sa larangan ng maraming bagay.
Sa mabisang pag-langoy, pag akyat ng puno, paggamit ng armas at kaunting martial arts upang depensahan ang aking sarili sa pangganib.Pinagmasdan ko ang paligid mula sa pinaka mataas na sanga ng puno. 'Nakaakyat din ako sawakas!!'
Nabatid ko kung gaano kalawak ang kagubatan. Hanggang sa pinaka malayo ng aking nakikita ay puro puno,sanga, ung ilog kanina at ung. . . . Natigilan ako. Ano iyon?
Nakita ko ang malaking pader na kulay ginto, patag ang pagkakagawa at may bahagyan lumot sa pader. Medyo may kalayuan sa akin pero sa sobrang laki at haba ay wala akong makita sa kabilang parte ng pader. Ang taas nito ay mas mataas pa sa itim at nagngangalit na ulap. Sa bandang kanan ay nakita ko ang dalawang napakalaking pinto na gawa sa marmol at sa bandang gitna nito ay may nakasulat ngunit napaka layo na nito upang matanaw. "langit na ata ito??" Hindi ko malaman kung tatawa ba ako o malulungkot sa sinabi ko. Kung langit na nga ito paano na? Gulong gulo ang isip ko.
'Puntahan ko kaya yung pinto?'
Nagtatalo pa ang isip ko kung lalapitan ko pa ang pinto ngunit sa huli ay napagdesisyunan ko nang lapitan ang malaking pinto.
BINABASA MO ANG
Chosen's Academy
Science FictionNaniniwala ka ba na ang lahat ng nilalang ay may kapangyarihan natatago? . . Gugustuhin mo bang malaman kung ano ang sa'yo? . . Ano ang gagawin mo kung mabigyan ka ng singsing na susi sa mundong mahikal at ekstra terestrial na magpapabago...