Step 4

14 3 0
                                    


" Alin ba dito?" question ko sa sarili habang tinitingnan ko yung mga chichiria dito sa stall. Yung store ay parang 7 eleven saatin. At hindi ko alam kung ano ba ang bibilhin dito.

Hindi ko kasi maintindihan yung mga pangalan nila. Puro chinese ang sulat. Pero may hawak na ako dalawa, yung isa parang fish flavoured chips tapos yung isa potato chips na may shrimp na picture?

Err? Mahilig pala sila sa seafood flavoured snacks?

Naghanap ako ng iba, at na spot akong chichiria, hinulog yata ng langit para saakin.

" Yowwwwwn!!!!! Piatossssssss!" tuwang tuwa ko sabi at mabilis pa kay flash ko ito hinablot sa lalagyan nito. Doon ko Lang napansin na may kasama ako namimili ng junkfoods, at ang wired niya makatingin saakin.

Ano? Eh sa Piatos ang gusto ko eh? Mahirap naman makipagsapalaran tulad ng nangyari saakin kanina breakfast. Parang pinakain ako ng sili sa sobrang anghang nung noodles na ni-room service saakin sa Hotel. Mabuti nalang at may kasama Yogurt Drink yung binigay nila breakfast.

Seafood din lasa niya eh, tapos sobrang pula ng sabaw. May gulay siyang toppings. Masarap naman siya, ang problema lang talaga ay easy lang sa pag gamit ng powered chili.

My goodness.

" Annyeong Haseyo!" bow nung lalaki saakin sa counter. Eh, alam ko na ito... Ilang beses na kasi ginagawa saakin yan doon palang sa mga hotel staffs. Tsaka na research ko na meaning niya pala! Usual Greetings nga talaga nila yan, saying "Hi" politely.

Nag bow din ako sa kaniya sabay bigay nung piatos at nung pera.

" Gomabseubnida!" sabay bow niya at bigay ng paper bag saakin kasama yung change ko. Ano daw sabi?

Hindi ko nalang yun inisip pa at lumabas na ako ng store. Wait? Makapag download nga ng English to Korean Translator? Hmmm.. Pwede pwede..

Para naman Hindi ako mukhang shunga dito. Malay ko ba kung minumura na nila ako? Well, hindi naman siguro ganoon sila.. Mahilig nga silang ngumiti eh.

So, ayun na nga.. naglakad lakad nalang ako dito sa side walk, habang tinitira ko itong piatos na wala man lang ako drinks? Yung mga katangahan na ganoon ba? Arghhhhh. Jianne!

No choice, kelangan ko bumalik sa store na yun at bumili ng maiinom or mainit na maiinom. Kasi kanina pa nasisipit yung ilong ko sa sobrang lamig ng hangin. Sinara ko ulit yung payong ko at pinagpag yung mga snow bago pumasok ulit sa loob ng tindahan. Sinalubong ulit ako ng ngiti tagumpay ni kuya.

" Uhh, I'd like to buy some coffee or any hot drinks?" with matching demonstration pa ako na kunwari umiinom ng kape. Mabuti nalang naintindihan agad ni kuya. At ipinakita niya saakin yung Coffee machine sa Far Right side mula sa counter. Nag bow agad ako sa kanya at nag smile bago pumunta dun.

Not bad, Jianne. Not bad.... Clap clap.


Pagkalabas ko ng Store, binuksan ko ulit yung payong ko, umuulan kasi nanaman ng snow. Nakaka amaze nga siya, pero hindi nakakatuwa yung lamig. I shivered after kaya uminom agad ako ng kape.

Oh God...

Bless this Coffee.....

.

.

" Sillyehamnidaaaa!" mabilis ako napatingin sa likod ko after ko marinig yung boses nung lalaki, ang bilis niya tumakbo palagpas saakin na parang may sinalihan siyang Marathon. Hinabol ko siya ng tingin, at nakita ko kung paano niya nabitawan yung cellphone niya sa pagmamadali.

Adventure ng Isang O.P (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon