Step 2

13 3 0
                                    

Kitang kita ng mga mata ko kahit madilim dito... Ang basag na lenses ng camera ko at ang kalas kalas na parte nito. Feeling ko I saw a painful death infront of me.

Mabilis kong inakyat yung bakod at nilapitan ito.

" Basag na siya." pag dadalamhati ko rito. Trying to pick up those scattered parts of my camera on the ground.

Hindi ko pa tapos ito bayaran.. Hayup naman. Kaka loan ko lang nito diyos miyo mahabagin!

" Miss, bawal po kayo-"

" Punyetaaaaa! Waaaahh! Iwanan niyo ko." hagulgol ko sa sulok habang sinusubukan buksan pa ito. Mas lalo ako ngumalngal nung mapansin ko nawawala yung memory card.

Yung MEMORY CARD! KUNG SAAN NAKA SAVE YUNG VIDEO NG CONCERT!

" Are you okey Miss?" May nag salita sa. bandang ulunan ko. Hindi ko siya pinansin dahil naka focus ang utak ko sa lapag. Kelangan ko yun mahanap! Paano na si Sheena!

" Miss, sorry but we need you to go back in your place-" natigilan siya ng samaan ko siya ng tingin. Ano ba sa tingin niya? Balak ko atakihin yung mga alaga niyang sisiw sa taas?

" Can't you see? Basag na yung Camera ko? Ano pa gagawin ko dito? Kainis naman.. I shouldn't attend this concert." pagsisisi ko sabay tayo at lakad palabas sa pinaka malapit na exit dito sa area.

"jamkkanman-yo!" ( trans: Wait!)-Narinig ko pa na naghiyawan yung mga fan girls bago sumara yung pinto sa likod ko.

But I didn't care, problema ko ngayon ay kung paano hahanapin yung memory card at kung magkano ang repair nito sa Mall. For sure, Times two yan sa original price ng brand new. Saklap.

" Miss. Saiyo daw ba yung ticket number 08888?!" habol saakin nung lalaki hingal na hingal mula sa pag takbo. Mukha siyang staff dito. Ano daw? Ticket number?

Siguro mga ilang segundo ako nakipag titigan kay kuya bago ko naalala na nanalo pala yung ticket ko sa raffle kanina... Unti unti lumapad yung ngiti ko, sabay pa nga kami ni kuya, actually.

" Shemssss! Oo nga pala!" mabilis ko hinanap sa bulsa ng jacket ko yung ticket at agad inabot kay kuya. After niya i check yung ticket, inimbitahan niya ako pumunta ng back stage kung saan yung office nila.

Kahit na nawala yung memory card, makakapunta naman si sheena sa Korea! Sa lungga mismo ng mga favorite niyang mga sisiw.

---

" Congratulations, Miss.. Err?"

" Jianne! Jianne Reyes po." sabay abot ng kamay ko para sagutin yung shake hands niya.

" Ah! Miss Jianne, I see. Kindly fill out this form with your signature... Then here." may inabot siya mula sa short brown envelope.

White Envelope na may seal ng Korean Air. Feeling ko nakarinig ako ng Halleluah! Hindi ko na binasa yung pinirmahan ko at agad ko inabot sa kanya sabay kuha nung white envelope.

Ito na yun!!! My goodness! Sigurado matutuwa si sheena nito!

" Congratulation ulit! Enjoy your flight!"

------

Tinawagan ko agad si Mama sa phone after ko makasakay ng Taxi. Siguro nakauwi na sila ngayon kasi, this night ang discharge ni sheena sa hospital.

" Hello? Mabuti tumawag ka nak'!" salubong agad ni mama sa kabilang line.

" Bakit po? Hindi pa ba kayo nakakauwi ni sheena?" kalmado ko sabi habang pinag mamasdan ko yung Flight Ticket mula sa envelope.

Adventure ng Isang O.P (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon