Step One

21 3 0
                                    

" KYAAAAAAAAA!" nakakabingi sabay sabay na tili ng mga babae dito sa Concert Arena. Kahit ang earphones ko na sagad na ang pag kakasalpak sa tenga ko at full volume na.. wala laban sa bunganga ng mga fangirls dito.

Why the Hell am I here?

Para sa kapatid ko.. Isa siyang Kpop Fan. May Brain Tumor siya, And her wish for her birthday is.. makita niya sa concert ang favorite Korean Boy Group niya...

Errrr...... Ano nga ulit yun??

Bigbang?

She where not able to attend the concert dahil sa biglaan operation niya. And her birthday request for me....

Pumunta ako sa Concert, Record The Whole Concert and Take a Picture with them.

At first, ayoko... Putspaaaa? Malay ko ba diyan sa Kpop na yan? Hindi ko nga alam kung sino yang Bigbang.

I dont even know they do exist?

Pero dahil mahal ko ang kapatid ko, I need to do this. Kung itong mga sisiw na ito ang nag papaligaya sa maikling buhay ng kapatid ko...

Then Go!!! Bahala na si Hello Kitty!

--

Minutes before the Concert-

" Ate,  pabili nga ako niyang poster." sabi ko sa tindera.. nasa labas kasi kami ng V.I.P entrance.. nag hihintay papasukin kami mga V.I.P ticket holder. Baka kasi magustuhan ito ng kapatid ko kaya uuwian ko siya nito.

" Sino ba bias mo?" sagot no Ate na may yellow crown na head band sa ulo niya with matching blink blink yung ilaw.

Bias daw? Ano yun?

Napansin ni Ate kumunot ang noo ko sa sinabi niya at agad niya inulit ang sinasabi niya.

" Bias. Yung Gusto mo sa Bigbang, Yung nag pagsabog ng ovaries mo teh! Ano ka ba!" giggle niya sabay labas ng mga poster na puro pagmumukha nung mga sisiw.

Pasabog ng Ovaries? Yun ba yung kung sino ang favorite mo dun sa grupo? Langya? Yun pala yung meaning ng Bias? Eh.... Teka?  Sino nga ba gusto ni Sheena dito?

" Wala po bang kumpleto sila mga sisiw-ayy, este.. sila sa isang poster?" sabi ko. Kumunot ulit yung noo ni Ate.. Agad siyang nag hanap sa sandamakmak na poster na hawak niya.. Sabay pakita saakin ng poster na kumpleto sila dun.

" Ayan.. Ok na yan po." sabi ko sabay abot ng bayad sa kanya.. Umalis agad ako sa puwesto ng tindahan niya kasi nanlilisik talaga yung mata niya saakin. Kulang nalang balatan niya ako ng buhay sa titig niya.

Mabilis akong humabol sa pila nung nagsimula na sila mag papasok sa loob. Wala pang Tao sa loob.. Naka ready na ang upuan, stage, lights ng buong Arena.

Napansin ko lang... papunta kami sa unahan ng stage kung saan walang upuan...

Susmaryoseeeeep.

Dont Fudging Tell Me!!! Nakatayo Kami buong Concert? VIP ba talaga ito?

Eh parang naulit lang yung pag tayo ko sa bus kanina makarating lang dito sa tamang oras! Hayup na yan.

Pero dahil para kay Sheena ito.. Sacrifice.

Inhale... Exhale....

Pumuwesto ako sa harap ng stage talaga para maganda shot ng camera ko. Almost half an hour bago nagulat yung puso ko sa biglaang sabog ng tugtog sa kung saang lupalop ng arena yung speaker nakalagay. Ewan ko pero parang electric fart yung opening music.

Nagsimula na maghiyawan yung mga katabi ko, at sumabay sa kanta with matching wave ng flash light nila na parang pang bata na may korona design or parang Yellow Tulip? Basta may logo siya sa gitna na " B"

Adventure ng Isang O.P (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon