Chapter 16

30 3 0
                                    

Nagising ako dahil super likot ng katabi ko. Haaayy.. Kaya ayokong katabi tong babaeng to eh!

"Goodmorning" sabi ko.

"Tayoo na bes!! Happy birthday!!" sigaw niya tapos dinaganan pa ako.

"Ahh!! Dom masakiit!! Ano ba umalis ka nga dyan!" sigaw ko pero tumawa lang sya ng tumawa. Biglang bumukas yung pinto.

"Aaaww Porn!" pagtingin ko nasa pinto silang lahat.

"Porn your face" sabi ni Dom kay Mark sabay bato ng unan. Nakailag naman si Mark kaya si Adi yung natamaan ng unan.

"Pillow fight!" sigaw ni Gelique at nagtakbuhan na sila sa loob ng guest room.

"Waaah!! Magkakalat lang kayooo.. Hindi naman kayo yung magliligpit!!" sigaw ko

Bigla akong hinampas ng unan ni Adi sa mukha. Bwisit tong mga to! Papahuli ba ako? Syempre hindi! Kaya kinuha ko yung unan ko at hinampas din sya, Ganun din yung ginagawa ng iba medyo makalat na sa kwarto pero wala parin silang pakelam. Hahahahahaha!

"Girls vs Boys!" sigaw ni Lyssa.

Naghiwalay naman kame ng landas. Sa kanan yung mga boys tapos sa kaliwa nanaman kame. Tapos sari-sarili kameng hawak ng unan. Yung mga itsura namin parang sumabak sa gyera hahahaha.

"Spartans sugoood!!" sigaw ni Renz.

"Amazons labaaan!!" sigaw naman ni Gelique.

Nakaamba na kaming lahat nung biglang bumukas yung pinto at bumungad si Mommy na naka-apron.

"Mommy?" Gulat na tanong ko.

"Baby? Bat ganyan itsura niyo? Mukha kayong mga ginahasa" turo niya saming mga babae "Tapos kayo boys mukha kayong sumabak sa gyera" baling niya sa mga lalaki.

"Tita nagkakatuwaan lang po. Ayaw pa kaseng bumangon ni Audi kaya ayun hahaha" tumatawang sagot ni Den.

"Hmmm.. Sige na. Nakahain na yung pagkain niyo sa baba" sabi ni Mommy. Nagsilabasan naman na kame pero bago ako makalabas tinawag na ako ni Mommy.

"Baby" mahinahong sabi niya.

"My bakit po?" kinakabahang tanong ko.

"Happy birthday.. Alam kong hindi tayo close katulad ng ibang magnanay pero anak isa lang yung gusto ko maging masaya ka huh? Kaya kung meron ka mang dinadala wag mong kakalimutan na nandito lang ang Mommy huh? Mahal na mahal kita anak" sabi ni Mommy tapos niyakap ako. Di ko to expected!

"Mommy... Thankyou po. Mas mahal na mahal kita. Sorry po kung minsan nakakalimutan kita. Sorry po talaga" sabi ko habang umiiyak.

"Ooh? Bat umiiyak ka? Birthday mo ngayon kaya kailangan masaya ka! Ayyy. Pinaiyak ko agad yung birthday girl" sabi niya tapos pinunasan yung mukha ko.

"Mommy naman eh!" sabi ko at tumawa lang sya.

"I love you baby" sabi ni Mommy at hinalikan ako sa noo.

"I love you too Mommy"

"Sige na. Baka hinihintay na nila tayo sa baba. Masyado na tayong madrama hahahaha" sabi niya pa.

Pagkababa namin nakaupo na silang lahat at nakapangalumbaba. Hahahaha. Cute ng itsura nila. Mapicturan nga! Nung marinig nila yung pag click ng camera napatingin silang lahat samin.

Chasing His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon